Ikalabing-walong Kabanata

9.4K 232 12
                                    

Lance's POV

Three year's later...

*

*

*

Mula sa di kalayuan ay marahan kong ipinarada ang aking sasakyan at walang kurap na tumitig sa labas ng tinted window.

Hindi ko alam kung ilang oras ang binyahe ko para marating ang liblib na lugar na ito.Basta namalayan ko na lamang ang aking sarili na nakatanaw sa loob ng lumang talyer na syang dahilan kung bakit ako naririto ngayon.

Halos mag-zoom in ang aking paningin nang makita ko sya habang nakayuko sa nakabukas na harapan ng sasakyan at abala ang kamay sa pagkukulikot roon.

Napakaganda nya sa suot na dirty white t-shirt na tinernuhan ng kupasing maong na may butas-butas sa bandang tuhod.

She's like that when i first met her.Sa ganyang anyo..sa ganyang ayos at sa ganyang kilos...ang hindi ko inaasahang pag-usbong ng kakaibang nararamdaman mula sa aking dibdib noon.

Aaminin ko na-inlove at first sight ako sa kanya..kahit na sa unang impression pa lamang ay alam ko sa sarili ko na malayung-malayo sya sa ideal woman na pinapangarap ko.

Nanlalaki ang aking mga mata kasabay ang pagsalakay ng matinding kaba sa aking dibdib nang bumaling ang aking paningin sa isang maliit na pintuan na nasa bandang kanan na kinapu-pwestuhan nya.

Iniluwa ng pintuan ang isang binatilyo habang hawak sa kamay ang isang batang lalaki na sa pakiwari ko ay naglalaro sa mahigit dalawang taon gulang.

Nanlalamig ang aking kamay at pinagpawisan ang aking noo nang mapatitig ako sa bata.

Ang bata--kahawig ni Lawrence!

Hindi ko namalayan ang pamumuo ng luha sa loob ng aking mga mata lalo pa at nakita ko ang pagsilay ng inosenteng ngiti sa kanyang labi.

Napansin ko ang biglang pag-angat ng mukha ni Aryanna mula sa ginagawa at napabaling ang kanyang paningin sa papalapit na bata.

Kaagad na sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi.Tumayo sya kasabay ng paghubad na suot na gloves. Kaagad nyang sinugod ng yakap ang bata bago ito pinupog ng halik.

Nang muli syang tumayo ay kaagad nyang binalingan ang binatilyo bago kinausap.Nakita ko pa ang marahang pagtapik nya sa balikat ng binatilyo bago sya nawala sa aking paningin.

Huminga ako ng malalim.Long time ago,she becoming my wife..pagkatapos ng maraming taon muli syang bumalik-and then she becoming my bodyguard.

Tatlong taon ang muling lumipas pagkatapos nun...sa nakikita ko ngayon-isa na syang mekaniko and-a mother?

Napatuwid ako ng upo nang muli kong matanaw si Aryanna.Ngayon sakay na sya ng isang motorsiklo.Saglit nyang pinarada iyon sa harapan ng talyer.Nilingon nya ang kinatatayuan ng bata bago kumaway.

Napansin ko ang magiliw na pagkaway din ng bata sa kanya.Sa nakikita ko ay parang sanay na ito na laging iniiwan ng kanyang ina.

Napakuyom ako sa aking kamao sa isiping iyon.Bago pa ako nakapag-isip ng matino ay nakita ko nalang ang pagsuot nito ng helmet sa kanyang ulo bago pinaharurot ng takbo ang kawawang motorsiklo.

☆☆☆

Aryanna's POV

Mabilis akong umibis mula sa ibabaw ng aking motorsiklo at patakbong pumasok sa loob ng malapit na tindahan mula sa talyer na aking pinagta-trabahuan.

Kailangan ko kasing bumili ng mga paboritong pagkain ni Ralph Laurent bago kami tuluyang umuwi sa bahay mamaya.Mahirap na,hindi naman kasi katulad sa city ay nagkalat ang mga tindahan sa paligid.

Dito sa lugar na kinasasadlakan ko sa loob ng tatlong taon ay malayung-malayo sa kabihasnan.Kung paano ako napadpad dito...hindi ko narin alam kung paano ipaliwanag.

Wala ako sa sarili habang pinapatakbo ng mabilis ang aking kotse three years ago.Hindi ko na matandaan kung saan-saan ako nagsusuot.Alam kong malayo ang aking binyahe dahil nasa kalagitnaan na ng gabi nang biglang bimigay ang gulong ng aking kotse.

Dito ako dinala ng tadhana.Dahil saktong nasa harapan ako ng lumang talyer nang biglang sumabog ang gulong ng aking kotse.Doon ako natauhan.Doon ako sinalakay ng takot.

Magdamag akong nagkulong sa loob ng aking kotse dala ang takot at pangamba sa aking dibdib.Paano kung napadpad ako sa lugar na masasamang tao ang naninirahan?

Pero sa awa ng Diyos kabaliktaran sa aking iniisip ang nangyari.Malalakas na katok mula sa labas ng bintana ng aking kotse ang nagpagising sa akin kinabukasan.

Isang matandang babae ang natanaw ko sa labas.Sya ang may-ari ng talyer kasama ang kanyang nag-iisang apo.

Sya ang kumupkop sa akin at bilang kabayaran ng kanyang kabutihan..nagpresenta akong magtrabaho bilang mekaniko sa loob ng kanilang talyer.Doon nagsimula ang pagbabago sa aking buhay.

*

*

*

Nakangiti akong bumaba mula sa aking motorsiklo at excited na tinungo ang harapan ng talyer habang bitbit ang plastic na naglalaman ng mga paboritong pagkain ng pinakamamahal kong anak.

Pero halos malaglag ang aking balikat nang madatnan ko ang katakot-takot na balita.Bumagsak sa aking paanan ang bitbit kong plastic habang pinapakalma ang nanginginig kong katawan.

"A-anong sinabi mo,Noli?"

Tanong ko sa binatilyo na apo ni Nanay Oma na syang laging nagbabantay kay Ralph Laurent.

"Ate Aryanna...nawawala ang anak ninyo!"

Napakurap ako pero hindi parin nakaalpas ang pagbalong ng luha mula sa nag-iinit kong mga mata.Para akong nabingi dahil sa narinig.

Ang anak ko,nawawala?

'You're a careless mother,Aryanna!'

Muling umalingawngaw sa aking pandinig ang kataga na kaytagal ko na ding ibinaon sa limot.Binalot ako ng matinding takot.

No...hindi pwedeng mangyari iyon.Walang pwedeng mangyaring masama sa anak ko,wala!

Napaatras ako ng hakbang habang rumaragasa ang maraming luha sa aking pisngi.

"Ate,paumanhin po!"

Hindi ko na pinakinggan ang iba pa sanang sasabihin ni Noli.Mabilis kong hinakbang ang kinapaparadahan ng aking motorsiklo.Pagkatapos kong maisuot ang aking helmet ay mabilis ko ng pinaharurot ng takbo ang sariling motorsiklo.

Sa ayaw ko man at sa hindi...kailangan kong balikan ang lugar ng aking pinagmulan.Alam kong hindi pa ako handa at alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para sa aking pagbabalik.

Pero kasi,nakasalalay dito ang kapakanan ng anak ko.Sa laban na ito ay hindi ko kaya ang mag-isa.Hindi ko kaya!

Kailangan ko si Daddy...at kailangan ko ang group agent para mahanap ang pinakamamahal kong anak!

Ayoko ng maulit ang nakaraan..ayoko na!ayoko nang mawalan ng anak ulit...ikakamatay ko na ito,sigurado...

Sa aking pagluluksa,muli akong nabuhayan ng lakas ng loob para harapin ang bukas nang malaman kong buntis ako pagkatapos ng dalawang linggo na pananatili ko sa poder ni Nanay Oma.

Sa isipin na habambuhay na akong mag-iisa ay nawalan ng saysay nang maipanganak ko si Ralph Laurent.

Nagkaroon ng kulay ang buhay ko sa pamamagitan ng anak ko.Unti-unti akong nakalimot sa dulot ng sakit sa aking nakaraan..

Tapos ngayon...mauulit na naman sa dati ang lahat?

Oh God!please help me!

☆☆☆

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon