Sinigurado kong naka-locked ang pintuan ng aking silid bago ko tinanggal ang lahat ng saplot sa aking katawan.
Sinilip ko muna ang aking braso na may benda bago ko kinuha mula sa lalagyanan ang medicine kit.
Marahan akong naupo sa carpeted na sahig habang kampante na nakasandal sa gilid ng kama ang likod.
Inabala ko ang sarili sa pagtanggal ng benda sa aking braso para malinis ko ang sugat at muli kong mapahiran ng gamot.Kailangan ko kasing lagyan ng panibagong benda ang aking sugat bago ako magdahan-dahan sa paliligo mamaya.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbalot ng benda sa aking braso nang bigla akong magulat sa malakas na click ng pintuan mula sa labas.
Natulos ako sa kinauupuan lalo nang makita ko ang biglang pag-awang ng dahon ng pintuan.Kasunod nun ang pagpasok ng isang malaking bulto.
Saglit na nagtama ang aming paningin.Napansin ko ang biglang pag-scan ng kanyang mga mata sa aking kahubaran bago napahinto ang kanyang paningin sa aking braso na kasalukuyang hawak ko.
Malalaking hakbang ang ginawa nya para lapitan ako.Hindi ako nakakilos lalo na at biglaan ang kanyang pagsquat-seat sa aking harapan.
Mariin akong napalunok habang pinapakalma ang sarili.Nanlamig ang aking mga kamay nang mapansin ko ang pag-angat ng kanyang kamay.
Pero bago pa nya nahawakan ang aking braso ay mabilis ko ng inilihis iyon sa kanya.
"Ako na..kaya ko naman."
Pero parang hindi nya narinig ang aking sinabi dahil pinagpatuloy parin nya ang kanyang gustong gawin.
"Remove your hands."Utos nya sa akin habang nakatitig sa kabilang kamay ko na may hawak ng benda.
Hindi ako nagpatinag dahil ang gusto ko tumayo na sya mula sa aking harapan at iwan akong mag-isa dito.Pero napangiwi nalang ako nang bigla nyang pisilin ang bandang sugat sa braso ko.
Matalim ko syang pinukol ng tingin.
"Masakit,damn it Lance!"
Nanagis ang kanyang mga bagang bago inilipat sa akin ang nakakamatay nyang tingin.
"Remove your hand then!"singhal nya sa akin.
Para namang may magagawa pa ako sa lagay na'to.Tinanggal ko ang aking kamay at mabilis naman nyang pinagpatuloy ang paglagay ng benda sa aking braso.
Hindi ko maiwasan na hindi sya pakatitigan sa kanyang guapong mukha.Mula sa mapanganib nyang mata pababa sa kanyang matangos na ilong at napatanga ako nang mapatitig sa nakaawang na mapang-akit nyang labi.
Hinigop ng mapang-akit na labing iyon ang buong atensyon ko.Nahipnotismo ako kaya nga ni hindi ko na napansin na natapos na pala nyang lagyan ng benda ang aking braso na may sugat.
Napakislot nalang ako at bahagyang napakurap nang maramdaman ang kanyang magaspang at malaking kamay na nakahawak sa aking baba habang nakadantay sa ibabaw ng aking labi ang kanyang malaking hinlalaki.
Napaatras ang aking ulo nang matauhan ako pero mas lalong hindi ko na naikilos iyon dahil bumangga na sa gilid ng kama.
Napasinghap ako nang mapansin kong bahagya nyang inilapit sa akin ang kanyang mukha.At bago pa ako nakahuma ay ramdam ko na ang malambot at mapula nyang labi nang bigla nya akong siilin ng mapusok na halik.
"L-lance!"
Pahingal ko syang itinulak nang pakawalan nya ang aking mga labi.Pero hindi iyon naging dahilan para tantanan nya ako.
Pinagdikit nya ang aming noo bago nagsalita na syang ikinatigil ko.
"You're addicting.."
Ilang minuto din kami na nasa ganoong ayos bago ko naramdaman ang kanyang pagkilos.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...