Ikapitong Kabanata

7.8K 240 6
                                    

Mabilis kong tinakbo ang hagdan paakyat para puntahan ang master's bedroom.Kailangan ang mabilis kong pagkilos dahil hindi biro kung ilang oras pa ang hinintay ko bago nakatulog ng mahimbing si Lance.

Pagkatuntong ko sa pangalawang palapag ng bahay ay lumipad kaagad sa pintuan ng kwarto ni Lawrence ang aking paningin.Kaya imbes na dumeretso sa master's bedroom ay hindi ko na napigilan ang aking mga paa na hakbangin ang kwarto ng anak namin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan ang doorknob para buksan ang pintuan.Napatda ako nang bumungad sa akin ang malinis at mabangong silid ni Lawrence.

Napapikit ako at napasandal sa likod ng pintuan habang pinupuno ko ng hangin ang aking dibdib.Ramdam ko parin ang sakit at pangungulila  sa kanyang  pagkawala.

Biglang bumalik sa aking alaala kung paano ako nagluksa sa mga panahon na iyon.

'What the use of kneeling!what the use of crying,Aryanna!wala ng silbi ang lahat dahil sa kapabayaan mo iniwan na tayo ni Lawrence!'

Sumbat iyon ni Lance  sa 'twing mabubungaran nya akong nakaluhod dito sa loob ng kwarto ng anak namin at malakas na humahagulgol ng iyak.

Pinalis ko ang kumawalang luha na kaagad na lumandas sa aking pisngi bago ako marahang dumilat.Ihinakbang ko ang aking mga paa para tunguhin ang kanyang crib na syang gamit nya noong baby pa lamang sya.

Sinalat ko ang mga nakasabit na laruan sa may gilid ng crib.

"I miss you na,sweetheart...so much!"

Hindi ko inaasahan ang pagbalong ng maraming luha mula sa aking mga mata.

"Tatlong taon na akong nagliwaliw sa ibang bansa..pero the thoughts of you is still here!"

Dinampot ko ang medium size na teddy bear at dinala ko iyon sa aking dibdib.

"I LOVE YOU MAMA!I LOVE YOU PAPA!"

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang teddy bear na yakap-yakap ko.Wala sa sariling tinitigan ko iyon.

"Oh God!"

Muli akong napahagulgol ng iyak bago ko iyon niyakap ng mahigpit.

"I love you too,sweetheart..so much!"

*

*

*

Malalaking hakbang kong tinungo ang master's bedroom.Kaagad akong pumasok pagkabukas ko pa lamang ng pintuan.Ganoon parin ang ayos ng silid namin pero wala akong panahon para usisain iyon.

Mabilis kong tinungo ang walk-in closet na kung saan iyon ang pakay ko.Huminto ako sa malapad na cabinet na kung saan dito nakalagay ang mga gamit ko noon.Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon binuksan pero halos mapamura ako nang mapagtanto kong naka-lock ang cabinet ko.

Damn it!where's the fucking key?kung hindi ako nagkakamali ay wala naman itong lock noong nandito pa ako!pero bakit---

Kung tutuusin ay pwede ko namang sirain ito kaya lang hindi ko pwedeng gawin.Malalaman ni Lance na pinakialaman ko ang walk-in closet kapag nangyari iyon.

Wala akong choice kundi bigong lumabas ng master's bedroom at tuloy-tuloy na bumaba ng hagdan.

Mission failed!

Marahan kong binuksan ang pintuan ng inuukopa kong silid para maiwasan na makagawa ako kahit na konting kaluskos.

Pero halos mamutla ako sa gulat nang mabungaran kong nakasandal sa headboard ng kama si Lance at-----gising!

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon