Kabanata 16

218 34 5
                                    

Autumn


He's crazy! He's a weirdo! Hindi ko mapigilang ikuyom ang aking mga kamay dahil sa galit. Pinandilatan ko talaga siya but ginantihan niya lang ako nang isang nakaka-asar na ngiti!

"Okay so I guess there's nothing to discuss then. All we need is just both of you should prepare your wedding 3 months from now." wika ni daddy. Huminga ako ng malalaim. Napapikit ako. Na s-stress ako.

"Sure, Dad," nakangising tugon niya kay daddy. Daddy pa talaga?! Ang kapal niya talaga!

"Wait, why would you want to marry me? May anak na ako, isn't it discouraging right?" Iniba ko ang usapan. Gusto kong ma discourage siya sa'kin upang hindi matuloy 'tong baliw na kasalan na 'to! He smiled to me. Nilapit niya ang kanyang muka sa akin at tinignan niya ako sa mata then suddenly my heart beats fast.

"I don't care," biglang tumindig ang aking mga balahibo sa kanyang sinabi. Para siyang nang-aakit. He's not just a weirdo! He's also a pervert! Ano bang nagawa ko sa buhay at bakit puro na lang kamalasan 'tong inabot ko? Napabuntong-hininga na lang ako.

"Maiwan na namin kayong dalawa, pag-usapan niyong mabuti ang tungkol sa kasal niyo. Remember 3 months from now, may panahon pa kayong makilala ang isa't-isa," saad naman ni mommy. Kung puwede lang sanang sumigaw, ginawa ko na. Labag sa loob ko ang kasal na 'to pero kung kikilalanin ko si Harris, wala naman sigurong masama. I think 3 months is enough for me to know him. Tumayo na sina mommy at daddy, pati na rin sina tita Cynthia at tito David.

"3 Months to go na lang at magiging Daughter-in-Law na kita, Autumn!" isang masiglang wika naman ang nananalaytay kay tita Cynthia. Mommy and tita Cynthia kissed my cheeks before they go out, same with Harris, and right now, naiwan naman kaming dalawa ni Harris. Saglit ko siyang tinignan.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Kung kaninay matamis ang ngiti niya, ngayon naman ay naka-simangot na ang kanyang mukha. Tinalisan niya ako ng tingin. Napangiwi naman ako sa kanyang pinakita.

"What's your problem?" tanong ko sa kanya na may bahid na iritasyon sa aking mukha. I just realize na nagpapakitang tao lang pala siya kanina para hindi siya magmukhang masama sa harapan ng mommy at daddy niya. I never knew someone like him exist.

"If you think that I meant what I said earlier, then you're wrong. Don't expect that I will treat you like a princess or a wife Chazley because to be honest, hindi bagay sa'yo ang tratohin kang isang prinsesa o asawa," Ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong klaseng tao sa buong buhay ko. Kung makapagsalita siya sa akin parang kilalang-kilala na niya sarili ko.

Parang sasabog 'yong puso ko sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko ngayon, isama mo pa 'yong mga masasakit na salitang natanggap ko galing sa kanya. Hindi mawari sa isip ko ang mga pang-iinsulto niya sa akin simula pa nung nagkakilala kami. Para akong naiiyak sa mga sinasabi niya, pilit kong pinpigilan ang muntik na namumuong patak ng luha sa aking mata. Gusto ko siyang suntukin sa harap ng maraming tao ngayon. Gusto kong isumbat sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tinignan ko lang siya nang masama.

Dahil sa hindi ko nakayanan ang aking pagdadalamhati, tumayo muna ako at hinarap siya. Nagtama naman ang aming mga mata.

"Sa totoo lang, ikaw lang 'yong taong nang-insulto sa akin ng ganito. Siguro kilalang-kilala mo na ako no? Dahil kahit kailan, hindi ko matandaan kung saan at kailan ko ginawa 'yong mga bagay na pinaparatang mo sa akin. Ikaw na 'yong pinakamalupit na tao na nakilala ko sa buong buhay ko Harris. Pero tandaan mo ito, bago mo ako husgahan, siguraduhin mong ni kahit isang beses sa buhay mo, wala kang ginawang kasalanan." Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha. Nasaktan ako ng sobra sa sinabi niya. Hindi man lang niya ako nirespeto bilang isang babae. Ang tingin lang niya sa akin ay parang basura at kaladkaring babae.

Tuluyan na akong tumalikod dahil nahihiya na ako sa sarili ko. Nagsimula na akong humikbi habang naglalakad papalayo sa kanya. Paglabas ko ng restaurant ay agad akong pumara ng taxi. Gusto kong maibsan sakit na aking nararamdaman. Ayoko ko mang bumalik sa ginawa ko nung nakaraan, ngunit ito lang ang tanging paraan para naman mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman. Pagpasok ko ng taxi ay dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha.

"Saan po tayo maam?" tanong sa'kin ng taxi driver.

"Sa may malapit na bar lang po manong, salamat," aniko.

Mga 15 minutes ang lumipas at ibinaba ako ni manong sa tapat ng isang eleganteng bar dito sa Manila. Pagpasok ko sa bar ay nilingon ko muna kung saan 'yong Bar Tender Station nila. Nang makita ko ito sa gawing kanan, agad akong dumiretso at nag order ng isang shot ng tequilla. Ito 'yong ininom ko 4 years ago.

Hanggang ngayon bakas pa rin sa aking lalamunan ang lasa nito. Mga ilang minuto lang ay dumating na sa aking harapan 'yong tequilla na inorder ko. Agad ko itong ininom. Gumuhit ang isang napangiwing larawan sa aking mukha dahil sa lasa nitong anghang at pait na dumaan sa aking lalamunan.

Umorder ako ng paulit-ulit hanggang sa nakaramdam na ako nang pagkahilo. Hindi ko matandaan kung ilang shot na 'yong naubos ko dahil hindi ko naman binilang lahat ng inorder ko. Basta na lang ako umorder sa Bar Tender.

"Kaya niyo pa po ba Maam? Pang pitong order niyo na po 'to," nag-aalalang tanong sa'kin ng barista. Tumango lang ako bilang sagot at nag thumbs up pa sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. Nang dumating 'yong pang pito kong tequilla, kinuha ko ito at itinaas. Handa na sana akong inumin ito nang may biglang humawak sa aking kamay. Napalingon naman ako sa kanya.

"Tama na 'yan. Lasing ka na," wika niya. Sino ba 'tong lalaking 'to? Pakialamero naman nito.

"Sino ka ba? Huwag ka ngang makialam! Bitawan mo ko, alam mo, ang gwapo mo pa naman," naiiritang sagot ko sa kanya. Gusto ko pang uminom.

"Ano ba Chazley? You're drunk already, it's me Harris," tugon niya. Hindi niya pa rin binibitawan 'yong kamay ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Natawa ako sa sinabi niya na siya daw si Harris. Kanina ko pa siya iniwan sa cafe. Iba rin ang trip ng lalaking 'to.

"Chazley? Haha, kilala mo pala ako? Alam mo, isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Chazley. Ang pangalan niya ay Harris, kaya lang, ang sama ng ugali niya! Alam mo bang pinagsalitaan niya ako ng masama? Ang sakit-sakit kaya no'n. Wala naman akong kasalanan sa kanya pero bakit pakiramdam ko ang laki ng galit niya sa'kin," malungkot kong wika sa kanya. Totoo naman kasi. Bakit ba kasi galit siya sa akin? Hindi ko siya maintindihan. Mabait naman mga magulang niya pero bakit siya ibang-iba 'yong ugali niya? Hindi ko napansin na may luha na palang dumadaloy sa aking mukha.

"Kung alam lang ni Harris 'yong pinagdaanan ko nung gabing 'yon at bakit ako napunta sa bar na 'yon, siguro, hindi niya maiisipang pagsalitaan ako ng masama. You know what? If I could ask God just one question, then I would ask Him why it has to be me."

Ito ang mga huling salita na binitawan ko sa lalaking kaharap ko bago ako tuluyang bumagsak sa harap niya.

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon