Autumn
September 18, 2022 3:00 PM
May mga boses akong naririnig sa aking paligid. Pakiramdam ko ay nakahiga ako nang napakahabang panahon. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.
Bumungad sa aking harapan ang mukha nina Roxy, Diana, Gelai, Martha, Mommy Divine at Daddy Matteo. Naririnig ko ang pagkanta nila ng Happy Birthday.
"Tita?! Si Autumn?! Gumising na! OMG!" Rinig ko ang tili ni Roxy sa aking harapan. Nasa tabi ko siya.
Nakaharap siya sa akin dito sa may kaliwang parte nang aking kama. May bitbit siyang isang Dark Forest Chocolate Cake na may nakatarak na blowing candle.
Sa kabilang gilid naman ay sina Diana, Gelai, Martha, Mommy Divine at Daddy Matteo. May dala-dala silang mga balloons.
Parang nagulat sila nang makita nila ako dahil bakas sa mukha nila ang hindi-makapaniwalang reaksyon. Ano nga ba talaga ang nangyayari?
"OMG! Autumn?! Gumising ka na rin sa wakas!" sigaw ni mommy na halatang gulat na gulat. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito.
Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ang anak ko? Nasaan ba ako? Ito ang mga sunod-sunod na tanong sa aking isipan.
Tinignan ko ang kisame at nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila sa akin.
Gusto kong unawain ang lahat. Bahagya kong ginalaw ang aking ulo. Naka-oxygen mask ako. Ginalaw ko ang aking kanang kamay, may mga tubong nakalagay. Tinanggal ko ang aking oxygen mask.
"What happen? Hindi ba patay na ako?" tulalang-tulala si Roxy nang makita niya akong nagsasalita sa kanyang harapan.
Mga ilang segundo rin siyang hindi makasagot hanggang sa dumating sina Mommy Divine at Daddy Matteo galing sa labas.
May dala silang kasama na nakasuot ng puting damit. Masasabi kong isa siyang doktor dahil halata naman sa kanyang kasuotan.
May kung ano-ano silang nilagay sa akin. May isang nurse naman ang kumuha sa akin ng BP. Hindi ako gumalaw dahil nabibigatan pa ako sa aking sarili.
Hinayaan ko na lang muna sila sa kanilang ginagawa. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ako nandito?
"Mommy? Why Am I here? What's happening? I thought I'm dead already?" sunod-sunod kong tanong kay Mommy Divine. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
Nangingilid pa nga ang kanyang mga luha habang tinitignan niya ako. Pagkatapos akong suriin ng doktor, tumalikod ito at humarap kay mommy.
"This is good news, Mrs. Normand. She has normal vitals signs right now and her GCS increases to 12-13 from 6-7. Kahit nga ako, hindi rin ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. But then, we must be thankful dahil nagising na rin siya for almost 8 years from being comatose." Napaiyak si mommy at pareho silang nagyakapan ni Daddy.
Umiiyak sila dahil sa tuwa habang ako naman ay naiwang blanko at tulala dahil sa mga pangyayari.
Eight years? Tama nga ba 'yong narinig ko? Na comatose ako for almost 8 years? Hindi ako naniniwala. Hindi 'to totoo.
Sariwang-sariwa pa sa akin ang mga pangyayari kung paano ako nagkaanak at nagka-asawa at nagkaroon ng sakit. Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala ang mga pangyayari.
Bakit hindi ko matandaan ang pangalan nila? Ang pangalan ng anak ko at ang pangalan ng asawa ko? Bakit?!
"Anong comatose? Mommy? Daddy? Nasaan na ang anak ko at ang asawa ko?" Hindi pa rin ako masyadong makagalaw. Pareho silang napalingon sa akin. Lumapit si mommy sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Shh, Autumn anak. Maybe you're just dreaming. Hindi ka kinasal. Wala kang anak. Wala ka bang naalala?" Kumunot 'yong noo ko sa kanyang sinabi. What? Ano bang pinagsasabi ni mommy?!
"Mrs. Normand, hayaan lang muna natin siya. Kakagising niya lang kaya normal lang na may mga pagkakataong nalilito siya o walang maintindihan. We will observe her 1-2 weeks, depending on her recovery status 'saka tayo magdecide kung puwede na siyang e-discharge." Paliwanag naman ng doktor. Sigurado naman ako sa mga sinasabi ko. Alam kong hindi 'yon panaginip.
"Mom? Hindi ako nanaginip. Totoo lahat ng mga sinasabi ko," mangiyak-ngiyak kong wika habang nagsasalita.
Tumango lang si mommy at hinahaplos-haplos niya ang aking buhok. Ngayon ko lang napagtanto na lagpas baywang na ang haban ng buhok ko. Lumapit naman sa akin si daddy at hinalikan niya ako sa noo.
"Autumn, everything will be fine. Sobrang saya ko dahil worth it ang paghihintay namin ng iyong mommy." garagal naman ang boses ni daddy. Pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang kasiyahan.
"Anak alam ko. Naniniwala ako, please be calm. Maiintindihan mo rin ang lahat. Huwag ka munang masyadong mag-isip. Magpahinga ka muna," tahan naman sa akin ni Mommy.
Huminga ako nang malalim at umiiling-iling ako. Hindi ako makapaniwala. Tandang-tanda ko pa ang mukha niya. Ang mukha nang aking asawa.
"Autumn! Happy 30th Birthday!" Napadako naman ang tingin ko sa aking mga kaibigan. 30th Birthday ko na ngayon? Seryoso nga ba talaga sila?
Dahan-dahan akong bumangon. Ginabayan naman ako ni mommy. Sinandal ko ang aking ulo sa headboard.
"What?!" bulalas ko. Napangiwi ako sa sinabi ni Roxy. Namilog naman akong napatingin kay mommy at daddy.
"Walong taon ka nang na-comatose anak. Alam kong mahirap ipaliwanag ang nangyari pero darating din 'yong araw na maiintindihan mo rin ang lahat-lahat." Paliwanag sa akin ni mommy. Sa totoo lang, hindi ko alam kung maiintindihan ko nga ba dahil sigurado ako na hindi panaginip 'yong nangyari sa akin.
Hinawakan ko ang aking ulo at pumikit ako. Kung totoo nga ang sinabi sa akin ni mommy, ibig sabihin ba no'n ay isa lang 'yong panaginip?
Panaginip lang ba 'yong nangyari sa akin walong taan na ang nakaraan? Pero bakit parang totoo? Anong klaseng panaginip ba 'yon?
"Autumn! Let's celebrate your Birthday first! Ano ka ba, mamaya mo na isipin 'yang iniisip mo. Baka mabinat ka lang niyan. Let's celebrate dahil sa wakas ay nagising ka na rin sa haba-haba ng panahon! Grabe ka girl ha? Pinaghintay mo kami ng walong taon bago ka gumising." pagmamaktol naman ni Roxy. Oo, naalala ko si Roxy sa panaginip kong 'yon. Umiling ako. Hindi nga 'yon panaginip!
"Oo nga naman Autumn, magdiwang tayo dahil nagising ka na, right girls?" sambit naman sa akin ni Martha. Sabay namang tumango sina Diana at Gelai at parehong nakangiti sa akin.
Hinarap sa akin ni Roxy ang dala-dala niyang cake. Bago ko pa mahipan 'yong kandila ay may pahabol pa siyang sinabi sa akin.
"Ay, wait! Make a wish muna darling!" nakangising saad niya sa akin. Pumikit naman ako.
Sana'y matupad ang hiling ng aking damdamin. Pagkatapos kong humiling ay marahan kong dinilat ang aking mga mata at tuluyang hinipan ang kandila.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
General FictionIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...