Kabanata 17

196 33 12
                                    

Harris


Para akong sinaksak ng patalim sa aking puso. Inaamin ko pero, tagos na tagos sa aking puso ang lahat ng sinabi sa akin ni Chazley. Para akong nanlumo nang makita ang pighati sa kanyang mukha. Damn! Harris! What have you done? Hindi ko nakayanan ang guilty ko kaya sekreto ko siyang sinundan kanina kaya ngayon, naabutan ko siyang lasing. 

Buhat-buhat ko siya ngayon papalabas ng bar. Habang papalapit na ako sa aking kotse, may tumawag sa akin.

"Sir! 'Yong cellphone po ni Ma'am, naiwan niya po," tawag ng barista sa akin sabay abot sa cellphone na naiwan ni Chazley. Apisyon niya nga talaga ang mang-iwan ng gamit.  Pagbukas ko ng pintuan sa may front seat, dahan-dahan kong pinasok si Chazley hanggang sa naka-puwesto na ito ng maayos.

Agad din akong sumunod na pumasok sa may driver's seat. Saglit kong sinulyapan ang aking relo, 11:00 PM na. Tumawag ako sa bahay para ipaalam kay manang Glenda na may dadalhin akong bisita. Inutusan ko siyang ihanda ang guest room sa bahay. Si manang Glenda ang tumayo kong pangalawang nanay sa mga panahong wala sina mommy at daddy sa bahay.

Almost 20 Minutes lang ang pag d-drive ko at nakarating ako sa bahay namin dito sa Intramurous, Manila. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ng aming guwardia. Pagkatapos ay sinalubong naman ako ni manang Glenda dito sa labas.

"Iho, sino ba 'tong kasama mo? Nakahanda na pala ang Guest Room." saad sa akin ni Manang.

"Siya si Chazley manang Glenda, siya ang babaeng ipapakasal sa akin nina mommy at daddy. Maraming salamat manang, kailangan ko na siyang ihatid sa loob." Paliwanag ko kay manang 'saka tuluyang pumasok. Tumango naman si manang at ngumiti na may halong panunukso.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong tumungo ng hagdan. Nasa ikalawang palapag ang Guest Room. Our house is a two story house. Minsan lang naman ako umuuwi rito dahil may condo ako malapit sa opisina. Naisipan kong iuwi si Chazley dito dahil para maalagaan din siya ni manang. Wala naman kasing katulong sa condo. Mag-isa lang naman akong nakatira roon. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama pagdating ko sa Guest Room. 

"Tama ka nga Chazley, nagkaroon nga ako ng kasalanan sa'yo," Bigla ko na lamang nabigkas ang mga salitang 'yon sa harap niya. Hinawi ko ang hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang mukha. Napansin ko ang mga luhang dumadaloy sa gilid ng kanyang mga mata kaya naman ay kinuha ko ang aking panyo sa aking bulsa at pinunasan ko ang mga luha niya. Kinumotan ko na rin siya.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, bigla akong na curious sa mga sinabi niya kanina bago siya nakatulog. Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina sa bar? Anong rason kaya ang meron siya at bakit siya pumunta sa bar ng gabing 'yon?

"Iho?" Napalingon naman ako sa pintuan. Si manang Glenda pala. Lumapit siya sa akin kung saan nakaupo ako sa plastic chair sa tapat ni Chazley.

"Manang, hindi pa pala dumating sina mommy at daddy?" tanong ko sa kanya.

"Pumunta na sila ng Batangas, diba bukas na 'yong meeting niyo tungkol sa Private Resort na itatayo ng pinsan mo?" Napahilamos ako dahil muntik ko nang makalimutan 'yong tungkol sa Resort. Oo nga pala, bukas na pala ang approval no'n.

"I almost forgot manang, salamat at pinaalala mo sa akin, bukas na bukas at pupunta ako do'n," tugon ko sa kanya. Ngumiti naman si manang sa akin. Alam ko na kung ano ang ibig niya sabihin sa ngiti niya.

"Alam ko nang ibig mong sabihin manang," Napadako naman ang tingin niya kay Chazley bago nagsalita ulit.

"Ayaw mo ba sa kanya iho? Alam mo, nakikita ko sa kanya ang kabaitan niya," Napailing na lamang ako sa sinabi ni Manang.

"I don't think so manang, ba't mo naman nasabi 'yan? Hindi mo pa nga siya nakikilala, ngayon mo lang naman siya nakita," sarkastikong tugon ko naman kay manang.

"Alam ko iho, pero seryoso ako sa sinabi ko. Kapag sinabi kong may mabuti siyang kalooban, alam kong totoo 'yan, ni kahit minsan hindi pa pumapalpak ang aking mga hula, alam mo 'yan," seryosong sagot naman sa akin ni manang. Hindi ko alam pero bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Napatingin ako kay Chazley ng mga ilang minuto. Gustuhin ko mang paniwalaan ang sinabi sa'kin ni manang, pero may namumuong takot naman sa aking puso. Alam ko naman ni kahit minsan, hindi talaga siya nagkakamali sa tuwing may hinuhula siya. Tinapik ni manang ang aking balikat.

"Bakit hindi mo buksan ang iyong puso iho, nasa tamang edad ka na, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mamumuhay ka na lamang na mag-isa." Humugot ako ng isang buntong hininga. Kung susubukan ko bang buksan ang puso ko, may mapapala kaya ako? Baka naman masasaktan lang ako. Sinundan ko lang ng tingin si manang hanggang sa nakalabas siya ng kuwarto.

"No, nakapagdesisyon na ako sa sarili ko, hinding-hindi ko hahayaan na mahulong 'yong loob ko sa'yo Chazley, hindi ako karapat-dapat sa'yo, at hindi ka rin karapat-dapat sa akin," sabi ko sa sarili ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo at tuluyan nang lumabas sa kuwarto.

Dumiretso na ako sa aking kuwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba muna ako dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pagkababa ko ay tumungo ako sa kitchen kung saan nandoon ang mini-bar station.

Kumuha ako ng alak dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakainom simula nang nagka hiwalay ang landas naming magbarkada. Pagktapos naming mag-inuman ng gabing 'yon, naging focus at busy na kami sa aming trabaho. At himala na lang 'yong nagtipon kami sa welcome party ni Wayne.

And speaking of Wayne, I haven't told him yet about today. Sigurado akong magagalit siya sa'kin pag nalaman niya na ikakasal ako kay Chazley. Mas mabuti na nga rin 'to, hindi ko hahayaan na mapunta si Chazley kay Wayne. Hindi deserving si Chazley sa kanya.

I'm 28 already but I have never been into a serious relationship. Marami lang akong ka fling noon pero ni isa kanila walang nagtagal sa akin. Kung meron man akong gustong pakasalan, siguro yong babaeng hindi katulad ni Chazley.

I'm sorry Chazley, but you will suffer in my hands. I will not make our marriage into a happy one, but instead I will make it like a hell one.

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon