Harris
Umuwi akong masaya dahil sa wakas ay makakapagsimula na rin ako ulit. Pero habang iniisip ko kung paano ako magsisimula, bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.
Masaya nga ako dahil bukod sa nabigyan ako ng pagkakataong mabuhay, nabigyan pa ako ng pagkakataong makapagsimula ulit. Pero bakit gano'n? Parang may puwang pa rin dito sa puso ko.
"Anak? Harris? Ayos ka lang ba?" bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni mommy.
Mabilis ko naman siyang ginantihan ng isang matamis na ngiti. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakaupo rito sa sala at parang tulalang-tulala. Lumapit sa akin si mommy at tinabihan niya ako. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinignan niya ako ng masinsinan.
"Anak, alam ko naman kung ano ang pinagdadaanan mo. Pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat," malambing niyang wika sa akin. Huminga ako ng malalim. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Magiging okay din ako mom. Maraming salamat sa lahat-lahat," aniko.
Kumalas si mommy sa kanyang yakap at nagpaalam siya sa akin dahil may importante pa siyang lalakarin. Naiwan naman akong mag-isa. Tatayo na sana ako nang bigla namang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag.
Agad ko namang sinagot nang makita ko ang pangalan ni Zed. "Zed? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
"Harris? Nasaan ka ba ngayon? May party akong gaganapin mamaya, inimbita ko na sina Brent, Damon at Wayne. Gusto kong mag-bonding tayong lima. Kitakits. The Sanguine Sands at Batangas." pagkatapos niyang magpaliwanag ay agad niyang pinutol ang kanyang linya.
Hindi man lang pinakinggan ang magiging sagot ko. Napailing na lang ako at napangiti sa sarili. Tuluyan na akong pumunta sa aking kuwarto upang maghanda. Pagkatapos kong maghanda ay agad na akong bumaba nang hagdan at lumabas ng bahay.
Tinawagan ko muna sina Brent, Wayne at Damon. Sabay kaming pupunta ng Batangas. Mga bandang alas 6 na nang gabi nang makarating kami ng Resort. Sinundo naman kami ni Zed sa may entrance at dinala niya muna kami sa aming kuwarto. Bukas pa kasi ang uwi namin.
Pagdating namin sa aming kuwarto ay agad naman kaming nagbihis para bumaba dahil mga ilang oras na lang ay magsisimula na ang event. Dinala kami ni Zed sa VIP table. Nasa kanang gawi naman ito.
Habang tinitignan ko ang buong paligid. Bigla akong napatanong. Bakit parang pamilyar sa akin ang lugar na ito? Bigla naman akong kinabahan. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ako mapakali. Siguradong-sigurado ako na nasa panaginip ko ang lugar na 'to.
"Harris? Okay ka lang?" naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Brent kaya naman ay nagising ako sa aking pag-iisip. Nakatayo pa rin ako at pinagmasdan ang buong set-up ng resort.
May malaking pool sa gitna. Sa bawat pagitan naman ay may mga cottages. Ang cottages na malapit lang sa mini-stage na nasa dulo ng pool at nakabalandara sa gitna ay para sa mga VIP Guest naman. Napangiti ako sa sarili. Hindi ko alam pero bakit parang masaya ako.
"Oy pre, nakita mo 'yong tatlong babae o?Na sa tapat natin sila. Nasa VIP din sila, ang ganda nung naka off-shoulder sleeveles na floral." Napalingon ako kay Damon habang inaakbayan niya si Brent. Nakatutok sila do'n sa tinutukoy nilang VIP Cottage kung saan nakita nila 'yong babae. Tinaasan ko naman nang kilay si Brent at ginantihan niya naman ako ng ngiti nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.
Tinuro naman ni Damon 'yong katapat namin na VIP Cottage na makikita mo sa unahan. Dahil sa laki ng pool, hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng tatlong babae na nakaupo sa cottage dahil may pagka distansya ito.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
Tiểu Thuyết ChungIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...