Kabanata 21

197 29 6
                                    

Harris


Shit, hindi ko naisip. Bakit ko natanong sa kanya ang tungkol sa Street Bar Avenue? Baka mag-hinala pa siya sa akin. Dala na rin siguro ng alak 'to kaya ko natanong sa kanya ang mga salitang 'yon.

At isa sa mga dahilan din kung bakit ako nagkakaganito ay dahil na rin sa nangyari kanina sa Bar.

Hindi ko alam, biglang uminit 'yong ulo ko nang marinig ko ang pangalan ni Chazley na binabanggit sa katabi naming table ni Zed.

Dahil na sa init ng aking ulo, napasugod ako do'n sa lalaking bumanggit sa pangalan niya. Ako lang ang puwedeng bumanggit sa pangalan niya at wala ng iba.

"Kung ano man 'yong nasabi ko sa'yo no'ng nalasing ako, kalimutan mo na 'yon, lasing lang ako no'n," walang emosyong niyang tugon sa akin, ni hindi man lang niya ako tinignan nang sinagot niya 'yong tanong ko. Pero bakit hindi ako kumbinsido sa sagot niya? Ibang-iba kasi 'yong pakiramdam ko no'ng sinabi niya ang mga salitang 'yon. Bakit nga ba ako na b-bother? Bakit ko ba siya tinatanong ng ganito?

"Never mind, thanks for taking care of my wound." Ito ang mga huling salita na sinabi ko sa kanya bago ko binitawan ang kanyang kamay. Tama nga, hindi na ako dapat magpapa-apekto sa kanya.

Tumayo na ako at tuluyan nang umakyat sa taas para makapag-pahinga. Pero inaamin ko, napasaya niya 'yong puso ko kanina habang ginagamit niya 'yong mga sugat ko. Shit, Harris, will you stop thinking about her? Umiling ako upang alisin siya sa aking isipan.

---

Lumipas ang isang buwan, bihira na lang kaming magkita ni Chazley. Sobrang busy niya at ganun din ako. Iisa nga ang bahay na tinitirhan namin pero minsan ko lang naman siya nakikita.

Hindi na rin kami nagkausap muli simula no'ng gabing 'yon. The more she's out of my sight, parang mas lalo ko siyang hinahanap.

At sa gabi naman, sa tuwing sumisilip ako sa kanilang kuwarto sa guest room, mahimbing na ang tulog nila ni Chaz. Unti-unti na ring napapalapit ang loob ko sa bata. Bukod sa mabait, makulit pa ito. Hindi ko rin siya nakakasama sa tuwing agahan at hapunan. Parating si Chaz lang ang naabutan ko.

"Okay, meeting adjourned." utos ko. Kakatapos lang ng meeting namin dito sa conference room. Nilapag ko muna ang mga folder at iniisa kong ni-review ang mga ito.

"Daddy Harris!" Bumungad naman sakin si Chaz. I didn't expect him to be here. Mabilis itong tumakbo sa kinauupuan ko 'saka niyakap ako.

"Sir Harris, pasyensya na po talaga, kinukulit niya kasi si Manang Glenda, gusto niya pong makita kayo, kaya inutusan po ako ni Manang Glenda na dalhin ko na lang si Chaz dito kahit sandali lang." Paliwanang naman ni Aling Lena, isa rin sa mga kasambahay namin.

"It's fine aling Nena, mauna ka na, ako na ang magdadala sa kanya sa bahay," tugon ko naman kay aling Nena. Sinulyapan ko naman ang aking relo, 3 PM na. Naisipan kong puntahan na lang si Chazley sa kanyang opisina baka nandoon siya. Sa sobrang busy niya, hindi na niya masyadong nakakasama si Chaz.

"Daddy! I hate mommy, hindi ko na po siya laging nakakasama," mangiyak-ngiyak na wika ng bata. Hindi ko tuloy maiwasang mainis kay Chazley. Kahit man lang mag-laan siya ng konting oras sa bata, di pa niya magawa?

"Don't worry, gusto mo puntahan natin siya sa kanyang opisina?" Sumilay naman sa mukha ng bata ang kasiyahan nang binanggit ko na pupuntahan namin ang mommy niya. Hinalikan niya ako sa pisngi. Binuhat ko siya at tuluyan na kaming lumabas sa conference room upang puntahan si Chazley.

After 20 Minutes, dumating na kami sa Norm AC Services building. Bakas sa mukha ni Chaz ang excitement. Halatang-halata sa kanya na gustong-gusto na niya talagang makita ang mommy niya. Pagpasok ko ay halos lahat ng mga staff ay nakatuon sa akin. Habang naglalakad ako papuntang elevator, may naririnig pa akong mga bulong-bulongan.

"Si Sir Harris 'yan diba? Bakit may dala siyang bata?"

"Anak niya ba 'yan?"

"Impossibleng anak niya 'yan, anak siguro 'yan ni Maam Autumn sa ibang lalaki."

"May tinatagong kalandian din pala si Maam Autumn."

Napahinto ako nang marinig ko ang huling dalawang salita. Napa-tiim bagang ako sa dalawang babae na nagsalita laban kay Chazley. Nilingon ko ang dalawang babae.

"Ito na ang huli niyong araw sa pagtra-trabaho. You're two are fired!" Giit ngunit kalmado kong sabi. Pinandilatan ko ang dalawang babae at bakas sa mukha ng dalawa ang pakagulat.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay dumiretso na ako sa elevator habang bit-bit ko si Chaz. Pagdating namin sa opisina ni Chazley ay agad kong binuksan 'yong pinto at naabutan naming natutulog si Chazley. Nakasandal na naman ulit 'yong ulo niya sa lamesa katulad no'ng dati.

"Mommy is sleeping Daddy, shhh," mahinahong sabi naman sa akin ni Chaz sabay senyas sa akin na huwag magsalita. Dahan-dahan kong binaba si Chaz at bumulong sa kaniya na huwag mag-ingay. Tumango naman ito bilang sagot.

"Harris? Chaz? Anong ginagawa niyo rito?" Napalingon ako nang magsalita si Chazley, halata sa kanya ang pagod sa mukha niya. Tumakbo naman si Chaz papunta sa kanya at niyakap siya ng bata at hinalikan sa pisngi.

"Baby Chaz, I'm sorry ha, sobrang busy kasi ni Mommy," isang malambing na boses naman ang ipinukol niya sa bata. Niyakap naman siya ni Chaz. Saglit naman niya akong sinulyapan at nginitian ng mabilis 'saka binaling ang kanyang tingin sa bata. Hindi ko inaasahan ang ngiti niyang 'yon.

"How about we-," Hindi ko natapos ang aking pagsasalita nang biglang tumambad si Wayne sa aming harapan. Kumunot naman 'yong noo ko.

"Autumn? Good thing at naabutan kita rito, lets go?" Nagsalubong ang aking magkabilang kilay nang marinig ko ang sinabi niya.

"Wayne? What are you doing here?" tanong ko sa kanya na may bahid na iritasyon. Napalingon naman siya sa akin at nginitian niya ako.

"Harris, I invited Autumn for dinner tonight, sinusundo ko siya ngayon." Sekreto kong naikuyom ang aking mga kamay. Hindi lang irita ang nararamdaman ko sa kanya kundi pati galit na rin. Nagsalubong naman ang aming mga paningin.

"You just can't invite her, nakalimutan mo na bang ikakasal na kami?" Diniin ko talaga ang bawat salitang binitawan ko nang matauhan siya. Nalaman niya lang naman last month. I think Chazley told him. Well, wala siyang magagawa dahil both of our parents were the one who settled this marriage.

At isa pa, He just can't invite Chazley easily the way He wanted to. Wayne and me were used to be friends, but right now I don't think we can maintain it. Pakiramdam ko kasi, isa siyang threat sa akin. Hindi ko alam, bakit ganito 'yong nararamdaman ko.

"Harris, it's just a friendly dinner, hindi mo na nga sinabi sa akin na pakakasalan mo siya, tapos ngayon, pinagdadamot mo pa ako sa kanya? Me and Autumn were college friends, and from what I've known, you and her are just on a getting to know with each other at the mome-"

"Hey, please stop, naririnig kayo ng bata." Natigil ang aming alitan nang umawat si Chazley sa aming dalawa.

"Ano ba kayong dalawa? Para matigil na 'yang away niyo, tayong lahat ang mag d-dinner. Baby Chaz? Gusto mo bang kasama sina Daddy Harris at Tito Wayne mo for tonight's dinner?" Sana hindi pumayag si Chaz. What the fuck I am thinking right now? I can't help myself, Am I getting jealous?

"Yes, mommy."

"Okay, so Harris and Wayne? Let's go." Yaya naman ni Chazley. Nagtinginan na lang kami ni Wayne at wala kaming magawa.

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon