Now Playing: I'll Never Get Over You, Getting Over Me by Bellefire
Harris
Almost 3 hours kaming nakarating ng Batangas. Sinulyapan ko ang aking relo. Alas 4 na nang hapon. Sabay na kaming bumaba ni Thews sa tapat ng bahay nina Chazley.
Gusto kong makausap ang aking asawa kahit man lang ngayong araw na 'to. Papakiusapan ko siya. Gagawin ko kung ano gusto niya mapatawad niya lang ako.Pagbaba namin ay agad akong dumiretso sa gate at nakita ko si kuya Andres na nakaharang na sa pintuan ng gate.
Sigurado ako na pinagsabihan na siya kung sakali pupunta man ako rito. Nilapitan ko si kuya Andres.
"Kuya, nagmamakaawa ako, gusto kong makausap ang asawa ko," pakiusap ko sa kanya. Bakas sa mukha ni kuya Andres ang awa sa akin. Kahit papaano pinagsilbihan niya rin naman ako nung mga panahong bumibisita kami rito.
"Sir Harris, pasyensa na po talaga kayo, pero pinagsabihan na po ako nina Sir at Maam na hindi ka papapasukin," malungkot na tugon naman sa akin ni kuya Andres.
"Sige na po kuya kahit ngayon lang," pagpipilit ko kay kuya Andres. Gusto ko talaga makausap si Chazley at ang pamilya na. Kahit paulit-ulit pa akong luluhod sa harapan nila, gagawin ko, mapatawad lang ako nang taong mahal ko.
Napakamot naman si kuya Andres dahil sa pangungulit ko sa kanya. Habang patuloy ako sa aking pamimilit, napako naman ang tingin ko sa hardin at nakita ko si Chaz. Hindi sinadyang napalingon si Chaz sa kinatatayuan ko.
"Daddy!" sigaw nito sa akin habang mabilis na tumakbo sa aking kinaroroonan. Agad naman siyang pinigilan ni Irene.
"Bitawan mo ko yaya! Gusto mayakao si Daddy," mangiyak-ngiyak itong nagpulumiglas sa pagkakahawak habang ako naman ay napadikit sa gate. Hindi ko maiwasang mapaiyak.
"Irene, tawagin mo si Maam Autumn, ayaw niyang nakikita sila ni Chaz na ganito, dalian mo," rinig kong sabi ni kuya Andres kay Irene. Tumango naman si Irene.
"Aray!" Napasigaw naman si Irene dahil kinagat siya ni Chaz sa kanyang kamay. Kumaripas naman ng takbo si Chaz sa akin at nagpumilit na lumabas. Nakiusap naman ako kay kuya Andres na kahit sandali man lang ay makausap ko ang bata.
"Daddy! I hate mommy!" umiiyak ito habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko maiwasang maluha. Mahigpit kong niyakap si Chaz. Tinuring ko na rin siyang tunay kong anak. Napamahal na siya sa akin kaya naman ay hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan.
"Harris! Bitawan mo si Chaz!" Hindi ko namalayan ang pagdating nina Mommy Divine at ni Chazley. Mabilis na naglakad si Mommy Divine at pilit na hinila si Chaz.
May kasama rin silang isang babae, kung hindi ako nagkakamali, siya ang tinutukoy ni Thews na abogado ni Chazley. Malakas na umiyak si Chaz habang hinila ito papalayo sa akin.
"At ang kapal naman ng mukha ng rapist na 'to na pumunta rito?" singhal sa akin ng abogado ni Chazley.
"Excuse me Vanessa, dahan-dahan ka sa pananalita mo, you can't change the fact that Harris is still Autumn's husband," sambit naman ni Thews. Nagtama ang kanilang mga paningin. Isang galit na ekspresyon sa mukha naman ni Vanessa ang binato niya kay Thews.
"Tama na! Puwede ba?! Iwan niyo na kami ni Harris dito," Isang malakas na sigaw naman ang ginawa ni Chazley sa pagitan nina Vanessa at Thews. Bigla akong nagkaroon nang pag-asa nang magsalita si Chazley. Sa wakas at kakausapin na ako nang asawa ko.
"Mom, please ipasok niyo muna si Chaz. Vanessa, sumunod ka na rin, please leave us alone," bakas sa mukha ni Chazley ang walang emosyon na ekspresyon. Tinapik naman ako ni Thews at sinenyasan na sa loob ng kotse siya maghihintay sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot.
Hinarap naman ako ni Chazley. Akma ko na sana siyang yakapin ngunit pinigalan na niya ako sa kanyang kamay kaya naman ay napatigil ako sa aking binabalak.
"Harris, wala na tayong pag-uusapan, ano pa ba ang pinunta mo rito?" malamig nitong tanong sa akin. Hindi ko mapigilang maiyak. Pakiramdam ko naubos na yata ang mga luha ko habang ang dibdib ko naman ay sumisikip.
"Love, ano bang kailangan kong gawin? Para mapatawad mo lang ako?" maluha-luha kong wika sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa ibaba. Ni hindi siya tumitingin sa akin sa tuwing nagsasalita siya. Tumalikod siya sa akin at nagsalita.
"Gusto kong pagbayaran mo ang ginawa mo sa kulungan," seryoso niyang tugon sa akin. Napahilamos naman ako sa kanyang sinabi. Sa tingin ko sapat na yata ang apat na taon na naging malaya ako sa aking kasalanan. Nagawa ko pa talagang pakasalan ang babaeng ginahasa ko. Isa na nga akong rapist at isang malaking gago pa. Nagsimula na siyang humakbang papalayo sa akin ngunit humakbang naman ako nang mabilis upang maabutan ang kanyang kamay.
"Gagawin ko, kung ito lang magpapasaya sa'yo. Magpapakulong ako para sa'yo. Patawarin mo ko Chazley, patawarin mo ko dahil sinira ko ang buhay mo. Pero bago ako aalis sa tabi mo, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko. Inaamin ko ang kasalanan ko, pero sana huwag mong isipin na hindi totoo 'yong pagmamahal ko sa'yo. Matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko, hayaan mo kong yakapin kita sa likuran mo kahit mga ilang sandali lang, please, Love. Maghihintay pa rin ako sa'yo, maghihintay ako sa iyong pagbabalik." Halos mawalan na ako ng boses at hininga habang nagsasalita ako sa kanya. Narinig ko naman ang kanyang mahinang paghikbi. Alam kong nasasaktan din siya, kaya ihahanda ko na ang aking sarili.
Siguro nga ito na 'yong panahon na pagbayaran ko ang ginawa ko sa asawa ko pero hindi ako susuko. Alam kong sa puso niya mahal niya pa rin ako.
Maghihintay ako. Maghihintay ako sa'yo Chazley. Alam kong babalikan mo rin ako. Hindi man ngayon, ngunit sigurado ako na magpapakita ka rin sa akin ulit sa takdang panahon.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
General FictionIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...