Kabanata 44

118 11 0
                                    

Harris

Kinabukasan ay dumalaw kami sa isang specialista sa Manila Medical Specialist Hospital. Pinilit ko si Chazley na magpatingin ulit sa doktor. Gusto kong malaman at marinig mismo galing sa doktor ang tunay na kalagayan ng aking asawa.

Alam ko naman ang tungkol sa Alzheimer's Disease dahil minsan, narinig ko na ito sa isang news. Nabalitaan ko rin na nagkaroon ng Alzheimer's Disease ang isa sa mga kamag-anak ni Brent noon. Hindi ko lang ito pinagtuunan ng pansin dahil sino ba naman ang mag-aakala na sa lahat ng mga taong naninirahan dito sa mundo, e ang asawa ko pa ang napiling dapuan ng ganitong klaseng sakit.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Para kasi akong nasa loob ng isang panaginip. Nandito kami sa loob ng clinic at nakaupo sa sa sofa. Hinihintay namin ang resulta ng specalist na tumingin kay Chazley. 

"Good Morning! Mr. and Mrs. Luther, I'm Doctor Jason Bueña. I am a neurologist. Hawak ko na ang resulta ni Mrs. Autumn Chazley Luther." bati nito sa amin at pareho niya kaming kinamayan. May dala-dala siyang isang malaking brown envelope.

Dumiretso siya sa kanyang lamesa. Tumayo kami ni Chazley at lumipat kami ng upuan kung saan kaharap namin siya ngayon. Bahagya niyang kinuha ang laman ng malaking envelope. Tumingin siya nang masinsinan sa aming dalawa. Kinuha niya rin ang previous 1 year medical examination ni Chazley at kinumpara ito sa kanyang bagong hawak na resulta. Huminga siya nang malalim.

"I'm sorry to say but it is confirmed that Mrs. Luther has an Early Stage of Alzheimer's Disease," pagpatunay sa akin ng doktor. Unti-unting may namumuong mga luha sa aking mga mata ngunit agad ko rin naman itong napigilan. 

Napahilamos ako sa mukha. Fuck! Why does it need to be you, Chazley? Ito ang tanong sa aking isipan na kahit kailan, hinding-hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ito ang kabayaran ng aking kasalanan?

Sana ay nakulong na lang ako ng habang buhay kaysa naman ganito. Ang lupit lang kasi ng kapalit ng aking ginawa. Lahat ng mga sinabi ko at ginawa ko noon, lahat ng mga 'yon ay kinain ko.

Talagang pinagmukha pa sa akin ng tadhana kung gaano ka lupit ang kanyang parusa.

"First stage or early stage of Alzheimer's Disease, it is a stage of Alzheimer's Disease wherein the patient will experience forgetfulness, difficulty learning of new things, concentration, communication and other problems related to memory activities," pagpapatuloy pa ng doktor. Tinignan niya si Chazley at tumango ito.

"Tama ka Doc, lahat ng mga sinasabi mo ay naranasan ko na noon nung hindi ko pa alam na may sakit ako. Pero ang mga symptomas ko na naranasan noon, maaring dahilan lang 'yon ng kemikal na presensya sa utak ko na tinatawag na Amyloid Plaques. Noong nakaraang taon ko lang kasi pinag-isipan na magpatingin ulit sa aking specialista." Paliwanag naman ni Chazley.

"Yes, Amyloid Plaques is one of the Hallmarks of Alzheimer's Disease. In your case, ang Amyloid Plaques na nasa utak mo ay nagkaroon ng pagtitipon o tinatawag natin na accumulation between your nerve cells resulting into Alzheimer's Disease."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi sa amin ng doktor. Nilipat ko ang aking tingin kay Chazley, at bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala. Masakit pa sa punyal na nakatarak sa aking puso 'tong nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, sasabog 'yong utak ko dahil hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Doc, ilang taon ba mabubuhay ang mga taong may sakit na kagaya ko?" naiiyak na tanong ni Chazley. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.

"Karaniwan sa kanila, apat o hanggang walong taon lang ang tagal nila sa mundo pagkatapos silang ma-diagnosed. Ngunit sa kaso mo, masyado ka pang bata para sa sakit mo. Bihira lang ang katulad mo na magkaroon ng Alzheimer's Disease. Magdedepende rin ang bilis ng pagdaloy ng iyong sakit. May mga factors na makakapag-palala ng iyong kondisyon lalo ngayon na masyado ka pang bata. At kapag hindi mo maiiwasan ang mga factors na 'to, maaring mabilis ang paglala ng sakit mo." Hindi na napigilan ni Chazley and kanyang sarili na umiyak. Mabilis akong tumayo at niyakap siya sa aking mga bisig. Ang sakit-sakit. Hindi deserve ni Chazley ang ganitong paghihirap. Sana ako na lang 'yong dinapuan ng Alzheimer's Disease?

Total malaki naman ang kasalanan ko sa mundong 'to. Sana ako na lang!

"I'm so sorry Mr. and Mrs. Luther. Please remain here, babalik ako at ibibigay ko ang mga reseta ko na kailangan niyang inumin. Ang magagawa lang ng mga gamot na 'to ay magpapabagal lamang ng kanyang Alzheimer's Disease." Paliwanag sa amin ng doktor 'saka tumayo at tuluyang lumabas.

---

Tatlong buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon ay normal pa rin naman ang takbo ng buhay ni Chazley. May mga pagkakataon na nakakalimot siya katulad ng kung saan niya nailagay ang kanyang cellphone, bag at kung ano-anong maliliit na bagay na meron siya.

Halos buong kwarto at sala sa bahay namin ay puno na ng sticky notes dahil minsan, may mga salita siyang nakakalimutan. May mga gusto siyang sabihin ngunit nahihirapan niyang dugtungan ang mga ito. Pinaalam na rin namin sa kanyang mga magulang ang tunay niyang kondisyon. Labis na kalungkutan ang umaapaw sa kanila.

Mahirap man sa kanila ngunit kailangan nilang tanggapin ang kondisyon ng kanilang anak. Kahit na pagod ako sa trabaho, walang araw na hindi ko tinatawagan si Chazley para lang ipaalam sa kanya kung gaano namin siya kamahal ni Chaz.

Hindi ko alam kung kailan siya kukunin sa amin. Ang tanging magagawa ko lang ay ang magbigay ng buong suporta sa aking asawa. Lahat ng pangangailangan niya ay ibibigay ko. Bibilhin ko lahat ng mga gamot niya mapabagal lang ang pagdaloy ng kanyang sakit. Gabi-gabi akong hindi nakakatulog ng maayos dahil natatakot ako na baka dumating 'yong araw na gigising na lang siya na wala ng maalala.

Bumalik ako sa huwisyo nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Bumungad si Wayne sa aking harapan. Kamakailan lang namin kinuha si Wayne bilang isang part time na Film Maker para sa aming Advertisement para sa aming kompanya.

"Oh Wayne, may problema ba?" tanong ko sa kanya na may halong pagtataka. Pawis na pawis kasi siya at parang balisang-balisa. 

"Si Autumn, nawawala." Mabilis akong nakatayo sa aking kinauupan. Paanong nawala si Chazley? Fuck! Pinagsabihan ko na sina Manag Glenda na ilock ang gate at bantayan siya ng maigi upang hindi siya makalabas ng bahay. Bigla akong kinabahan.

"What?! Paano? Anong nangyari?!" Hindi ko sinadyang napagtaasan ng boses si Wayne.

"Galing ako sa inyo kanina dahil may nakalimutan akong materials na kunin para sa advertising bukas. Nabanggit kasi ni manang Glenda na nawawala daw si Autumn kaya agad na akong pumunta rito para sabihan ka," Napahawak ako sa aking sentido. Pinikit ko ang aking mga mata. Inisip ko kung saan puwedeng pumunta si Chazley.

"I tried calling her number pero naiwan niya pala ito sa bahay niyo," dagdag pa niya. Mas lalo akong kinabahan. Tinignan ko ang aking relo. Alas 5 na nang hapon. Hindi to maari, dumidilim na. Kailangan ko nang makaalis.

It was 30 minutes ago when I called her tapos ngayon, bigla na lang siyang nawawala. Tinapik ko si Wayne at mabilis akong naglakad papalabas sa aking opisina.

Sana makita kita Chazley.

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon