Kabanata 14

196 36 3
                                    

Autumn


Buong maghapon akong nasa opisina. Ang dami-dami kong inaasikaso na mga papeles. Kaninang umaga pa ako rito pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako't walang sawa sa ka r-review at ka p-perma ng mga nagkakapalang folders at kung ano-ano pang mga papeles na may kaugnayan sa kompanya.

"Sigurado akong panghuli na 'tong folder na 'to," sabi ko sa aking sarili. Pakiramdam ko namamaga na 'yong gilid ng aking hintuturo dahil sa kakasulat.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay bigla namang tumunog 'yong cellphone ko na nakahilata sa aking lamesa. Sinulyapan ko kung sino ang tumatawag at pangalan ni mommy ang nakita ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello Mom!" Paunang bati ko sa kanya.

"Autumn anak? Tapos ka na ba sa trabaho mo? Maari mo na ba kaming puntahan dito sa Paradise Cafe, malapit lang naman to sa H-Marketing Services na building. Hinintay ka na namin ng daddy mo," mataman nitong sabi. Bigla namang kumabog ang puso ko na para bang may namumuong dagundong sa ilalim. Hindi ko alam pero bakit para akong kinukutoban.

"Okay mom, sure, I will be there for a few minutes. Tatapusin ko lang 'tong huling ginagawa ko tapos d-deretso na ako diyan," sagot ko kay mommy bago ko pinatay 'yong tawag niya. Dali-dali kong niligpit ang mga nagkalat sa aking lamesa pagkatapos ay lumabas na ako sa aking opisina.

Habang naglalakad ako papuntang elevator area ay tumunog na naman ulit 'yong cellphone ko. Si Wayne! Gosh, nakalimutan kong tawagan siya kanina. Nakakainis naman. Sinagot ko ang kanyang tawag.

"He-llo, Wayne?" nauutal kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magsalita. Alam kong ma d-dismaya lang siya kapag sasabihin ko na ipagpaliban lang muna namin ang pagkikita namin ngayon.

"Are you ready?" tanong nito na may halong excitement sa tono ng kanyang boses. Hindi ako agad nakasagot. Huminga muna ako ng malalim 'saka nagsalita ulit.

"I'm sorry Wayne, but I have an important meetup right now with my parents. They said it's very urgent. Sorry at hindi kita natawagan kanina, nakalimutan ko, ang dami ko kasing ginagawa kanina," para akong nalagutan ng hininga habang nagpapaliwanag sa kanya. Narinig ko pa ang kanyang pagbuntong-hininga kaya mas lalo tuloy akong na guilty sa aking ginawa.

I have no choice but to tell him the truth. Hindi ko naman in-expect na ngayon makikipagkita sina mommy at daddy sa akin.

"It's fine Autumn, I understand, maybe some other time?" ramdam ko ang lungkot na umaapaw sa kanyang boses. Kahit na sa cellphone ko lang siya kinakausap, nararamdaman ko ang lungkot niya.

"Babawi ako, I promise," sagot ko sa kanya na may bahid na kasiguraduhan bago winakasan ang kanyang tawag. Pagdating ko sa groundfloor ay agad namang dumating ang kotse na maghahatid sa akin. Agad akong sumakay at nagpahatid sa Paradise Cafe.

Almost 20 minutes nang makarating ako sa sinasabing Paradise Cafe ni mommy. Pagpasok ko pa lang ng Cafe, isang matulin na mga tingin ang pumaligid sa akin. Hanggang kailan kaya titigil ang mga tao sa kakatingin sa akin? Simpleng White Off-shoulder Dress lang naman ang sinuot ko ngayon paired with a White Wedge Closed Sandal.

Gaya ng dati, hindi ko sila pinansin. Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko sina mommy at daddy sa may bandang unahan. Nasa gilid sila at nasa kanang parte kung saan ay medyo malapit lang sa may counter area ang table nila.

Habang papalapit ako, may lalaki akong namukhaan na katabi ni daddy. May kasama rin siyang dalawang tao. Patuloy lang ako sa paglapit sa kanilang table hanggang sa biglang lumawak ang aking mga mata nang mapagtanto kong si Harris pala ang katabi ni Daddy. At sino kaya 'tong mga kasama niya?

"Autumn, anak! Nandito ka na pala, come." Tumayo si Mommy sa kanyang upuan at sinalubong niya ako ng isang halik sa kaliwang pisngi habang ako naman ay nakatulala. Napalingon naman si Harris sa gawi ko ngunit parang may iba sa kanya ngayon.

Hindi siya 'yong Harris na parating nang-aasar, nang-lalait at nagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita sa tuwing nagpapalitan kami nang sagot kapag nagkakaroon kami ng alitan. Ibang-iba 'yong aura niya ngayon. Para siyang blanko. Nandiyan nga 'yong presensya niya pero hindi mo naman maramdaman na andiyan siya.

"Autumn? Are you okay?" bigla bumalik ang aking katinuan nang magsalita ulit si mommy.

"Yes, mom, I'm fine, Hi! Dad!" Lumipat naman ang aking tingin kay daddy at saglit na binigyan siya ng isang halik sa pisngi bago ako umupo sa aking kinauupuan.

Magkatabi kami ngayon ni Harris. Wala siyang kibo. Ni hindi nga siya nagsasalita. Pinakilala naman ni mommy ang mga kasamahan ni Harris which is mga magulang niya pala. Hindi ko alam kung bakit nandito kaming lahat pero gusto kong malaman kung ano kaya ang bagay na sasabihin nina mommy at daddy.

Tinawag muna ni mommy ang waiter at isa-isa kaming nagbigay sa aming mga gustong kainin. Mga sampu hanggang labin-limang minuto ang lumipas bago dumating 'yong mga pagkain namin.

Tahimik kaming nagsimula sa pag-kain hanggang sa binasag ni tita Cynthia ang namumuong katahimikan sa aming paligid.

"Ang ganda naman pala ng anak mo Divine! Manang-mana sa'yo," masiglang puri ni tita Cynthia. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sarili. Napalingon naman si Harris sa aking direksyon ngunit wala man lang ni isang salita na lumabas sa kanyang bibig. Ano kayang problema niya?

Tuloy-tuloy lang ang kuwentuhan namin habang si Harris naman ay nanatiling walang imik hanggang sa nagsalita ang kanyang daddy na si tito David.

"So kailan ang kasal niyong dalawa? Autumn at Harris?"

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon