Harris
Halos tumigil ang buong mundo ko nang magsimula nang kumanta si Chazley. Napakasarp pakinggan ng kanyang boses. Lahat ng mga tao ay tahimik na nanood sa kanya. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
Sigurado na ako. Sigurado na ako na si Chazley nga ang babaeng para sa akin, pero lahat nang nararamdaman ko para sa kanya ay wala namang kasiguraduhan kung tatanggapin niya. Lalong-lalo na kapag malaman niya ang sekreto ko.
Parang ang bigat ng aking dibdib. Parang pasan ko ang buong mundo. 'Yong pakiramdam mo na ang taong mahal mo ay sinaktan mo ng hindi niya alam. Paano ko ba sasabihin sa kanya 'yong kasalanan ko? Tanging si Manang Glenda lang naman ang nakakaalam.
"Harris? Are you okay?" Hindi ko napansin na tapos na palang kumanta si Chazley. Napalingon naman siya paligid. Tila'y may hinahanap siya.
"Nakita mo si Roxy? 'Yong babae kanina," tanong niya sa akin. Tinuro ko naman si Zed na nasa kabilang table.
"Si Roxy talaga." Napailing siya. Matinik sa chicks kasi 'tong si Zed. Kapag may nakilalang maganda, nagpapapakilala kaagad. Kaya ayon, tinangay niya 'yong kaibigan ni Chazley.
"Kanina ka pa nakatingin sa akin, alam kong pangit 'yong boses ko, Harris." Napansin niya pala ang pag titig ko sa kanya kanina. Inirapan niya naman 'saka saglit na napangiti.
"You're so beautiful kapag nakikita kitang nakangiti Chazley, sana ganyan ka nalang palagi sa akin," wika ko sa kanya. Naramdamn ko ang pagpula ng kanyang magkabilang pisngi. Agad niya naman siyang umiwas ng tingin.
"I think we should go now, sigurado akong hinahanap na tayo ni Chaz," paalala niya sa akin. Muntik ko nang makalimutan, sasamahan pala namin si Chaz sa pagtulog ngayon. Saglit kong tinignan ang aking Relo, 10:00 PM na. Sabay na kaming tumayo ni Chazley at nilapitan ang table kung saan nandoon sina Zed at Roxy.
Nagpaalam kami sa kanila at nagpasundo naman kami sa driver nila Chazley. Saglit namang nag-usap sina Roxy at Chazley bago kami tuluyang umalis.
---
Nang makarating kami sa bahay nila Chazley, dumiretso na kami sa kuwarto ng bata. Nadatnan na naming natutulog ito. Nagpaalam naman ako kay Chazley na magpapalit lang muna ako ng damit. Pagkatapos kung magpalit ng damit ay bumalik ulit ako sa loob ng kuwarto.
Pagbalik ko naman ay si Chaz lang 'yong nadatnan ko. Hindi ko nakita si Chazley. Tinabihan ko na lang muna si Chaz, baka may ginagawa lang si Chazley. Maya-maya pay, bumukas naman 'yong pinto at nakita ko si Chazley. May dala siyang isang damit. Lumapit sa siya sa amin ni Chaz.
"Sa'yo to Harris diba?" tanong niya sa akin at may inabot siyang isang school uniform na polo shirt. Nagulat ako dahil bakit nasa kanya 'tong uniform ko.
"Yes, school uniform ko 'to, way back in Highschool, paano napunta 'yan sa'yo?" tugon ko naman sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang aking High School Uniform. She smiled at me. And I'm wondering kung bakit siya napangiti.
"Binigay mo sa akin 'to, sa isang restawrant kung saan kumakain kami ni Roxy, ang sungit mo nga no'n e," natatawa ngunit mahina niyang sabi. Pilit kong inaalala 'yong sinabi niya sa akin, ngunit hindi ko talaga matandaan.
"Natagusan kasi ako no'n, tapos nabigla na lang ako nang may lalaking masungit na sinuotan ako ng school uniform upang matakpan 'yong tagos ko, kung hindi sinabi sa'kin ni Roxy kanina sa resort, hindi ko matatandaan," 'saka ko lang naalala 'yong sinabi niya sa akin. Napangiti naman ako. What a small world. Pareho na lang kaming natawa.
"Mommy? Daddy?" Napalingon naman kami ni Chazley. Hindi namin sinadya ang paggising niya.
"Shh, baby Chaz, let's sleep now." Tinabihan niya si Chazley, nasa gitna namin siya. Sana ganito na lang kami. Isang perfect family. Pero sabi nga nila, there's no perfect.
---
Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa Resort na katabi lang ng bahay nila Chazley. Excited na excited kasi si Chaz na maligo sa dagat at maglaro sa mga bata na nandoon. Pagdating namin sa Resort ay nagpa reserve naman ako ng table at cottage. Tuwang-tuwa si Chaz, nakikita ko sa mga mata ang saya niya habang naglalaro kami sa buhangin, naliligo sa dagat at naglalaro sa park.
Si Chazley naman ay tahimik kaming pinagmasdan. Sa tuwing sinusulyapan ko siya, nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. Sa tuwing ngumingiti siya sa bata, mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Sa tuwing naiisip ko naman ang nararamdaman ko, palaging sumasagi sa isip ko ang kasalanan ko sa kanya.
Gabi na nang makarating kami sa Manila. Dumiretso na kami rito sa bahay dahil bukas ay may trabaho pa kami. Pinahatid ko ni Manang Glenda si Chaz, nakatulog na kasi sa sobrang pagod. Naiwan naman kami ni Chazley sa sala. Tumayo muna ako papuntang kusina. Dumiretso ulit ako sa mini-bar station.
Kumuha na naman ako ng alak para uminom. Sa tuwing naiisip ko ang gabing 'yon, sumasakit 'yong dibdib ko. Totoo nga ang kasabihang, nasa huli ang pagsisisi. Binuhos ko 'yong alak sa aking baso.
"Tama na 'yan," Nagulat ako nang biglang kinuha ni Chazley ang baso ko. Hindi ko napansin na nasa gilid ko pala siya. Sinundan niya siguro ako. Nagtama naman ang aming mga paningin.
"Hindi pa ako nakaka-pagpasalamat sa'yo, Harris." seryoso niyang wika sa akin. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Maraming salamat. Maraming salamat dahil pinasaya mo si Chaz, ngayon ko lang nakitang masaya 'yong bata," may halong paos at garagal sa kanyang boses habang nagsasalita siya. Napansin kong may luha na namumuo sa gilid ng kanyang mga mata kaya nama'y agad ko itong pinalis.
"Chazley, sa tingin mo ba mapapatawad mo ang isang taong may malaking kasalanan sa'yo?" Hindi ko alam kung bakit bigla ko itong tinanong sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa aking tanong.
"Bakit? May nagawa ka bang kasalanan?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako. Binaling niya ang kanyang tingin sa pader at nagsalita ulit. Nakasandal naman siya ngayon sa lamesa at nakatabi siya sa akin.
"Depende sa sitwasyon Harris, pero para sa akin, kung mapapatawad ko man siya, hindi ko alam kung kailan. Madali lang namang magpatawad, pero kasi hindi madaling makalimot kaya para sa akin, walang pinagkaiba ang dalawa. Kung hindi mo nakakalimutang ang ginawa niya, ibig sabihin no'n, hindi mo pa siya napapatawad." Napalunok ako sa sinabi niya. Alam ko, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Sobra pa sa mundo ang pasan ko ngayon. Hindi lang mundo kundi buong kalawakan na yata ang pasan-pasan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
General FictionIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...