Harris
Kinabukasan, ay inimbita kami ng isa sa aming matalik na kaibigan way back college. Si Wayne Mendel. Nandito kami sa conference hall ng kanyang mansion at nag c-celebrate sa kanyang pagbabalik galing Canada. He spent 4 years there para mag-aral ng Film Making.
"Harris! Damon! Brent! Kumusta? Long time no see! It's been 4 years since the last we've met." Isang maligayang pagbati ang binigay ni Wayne sa amin. Iniisa-isa niya kaming binigyan ng high five which is usually ginagawa namin nung college days pa lang kami. Nakaupo kaming tatlo sa isang VIP table. Kumuha siya ng upuan upang tabihan kaming tatlo.
"Oo nga pare, ang tagal nating hindi nagkita. Hindi ka kasi sumipot sa huling inuman namin 4 years ago. So what now? Are you back for good?" tanong ko sa kanya.
"Yes, Harris, and besides, I'm back because of someone." Binigyan ko siya ng isang nakakaasar na ngiti.
"Ows! May babae na si Wayne. Hanep!" panunukso naman ni Brent 'saka sila nagtawanan ni Damon. Napailing na lang si Wayne. Alam naman niyang hindi talaga nawawala sa amin ang pang-aasar lalo na't tungkol sa babae.
"Oh? So may nabihag ka na pala. Interesting," dagdag ko naman. Napangiwi naman siya sa sinabi ko dahil alam niyang inaasar ko siya. Sa lahat ng naging kaibigan ko, si Wayne lang ang taong matino at seryoso sa mga babae.
"So who's that lucky girl?" usisa ko sa kanya. Sa halip na sagutin niya ako, binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.
"Makikilala mo rin siya mamaya," nakangiting tugon niya sa akin habang panay naman ang tsismisan ni Damon at Brent.
Tumayo muna si Wayne at nagpaalam sa amin, aasikasuhin niya raw muna ang iba niyang mga bisita.
Magkakaroon din kasi siya ng launching next week para sa first project ng kanyang Film Making. Bago siya tuluyang umalis, nag high-five muna siya ulit sa aming tatlo.
Naiwan kaming tatlo sa lamesa kaya napag-isipan namin na laruin ulit ang paboritong truth or dare game namin. Bago namin sinimulan ang laro, napansin ko si Brent na nakatitig sa'kin. Nginitian niya ako ng mala-demonyong ngiti at sa ngiti niyang 'yon, nakuha ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Simula kasi nung huling laro namin, hindi ko na sila nabalitaan tungkol sa nangyari sa ginawa kong dare.
"Muntik ko nang makalimutan pare! Kuwento mo nga 'yong nangyari last 4 years? Hindi mo na kami binalitaan simula nung umalis ka sa bar e." Hindi ko sila sinagot sa halip ay nagkibit-balikat ako sabay ngumisi ng nakakaloko.
"Woah?! Seriously? Nakuha mo talaga?" osyoso ni Damon nay may halong pamimilog pa sa kanyang mata.
"Alam niyo namang walang bagay akong hindi nakukuha 'di ba? Guys, common, it's me Harris Jet Luther." Pag-mamayabang ko sa kanila. Binigyan naman nila ako ng isang manudyo na slow clap habang tumatawa. Well, I can get what I want.
Imbes na mag-patuloy kami sa aming laro, nauwi sa asaran, tawanan at kulitan ang aming pag-uusap. Mga ilang oras din kaming nag-usap tungkol sa mga nakaraan namin especially nung mg college days namin. Sabay-sabay kaming grumaduate sa kursong BSBA Marketing at lahat kami ay may kanya-kanya nang kompanya na pinangasiwaan maliban lang kay Wayne, nag proceed kasi siya ng Film Making sa Canada.
It's already 10:00 PM nang silipin ko ang aking relo. Tatayo sana ako nang biglang dumating si Wayne sa aming table at may kasamang babae which is kilala ko na. That bitch? Autumn Chazley Normand? So siya pala ang bumihag kay Wayne huh?
Halatang nagulat siya nang makita niya ako. But I had to act like I'm not pissed dahil sa totoo lang, nainis ako sa pagmumukha niya, lalo na't kasama niya pa si Wayne. Bakit sa lahat pa ng mga babae, ang cheap na 'to ang nagustuhan ni Wayne? Kung alam lang ni Wayne kung anong klaseng babae siya.
Pati na rin sa suot niya, talagang napag-hahalataan siyang malandi. I don't like her outfit today maliban lang kahapon. Well, nag-mukha naman siyang sosyal kahapon. I admit the fact that she's really stunning, but I just can't accept what kind of girl she is. Right now, she's wearing a white long 3/4 sleeve paired with a black pencil type skirt hanggang tuhod ang haba and a high heeled closed sandal. Nginitian ko siya at ganun din siya sa'kin. Napadako ang tingin ni Wayne sa'min ng mga ilang sandali.
"You know each other?" may halong pag-tatakang tanong ni Wayne sa'kin.
"Ah, yes. Actually Wayne, we met yesterday, may pinag-usapan kami na business," nakangiting sagot ni Chazley kay Wayne. At ako naman, hindi ako nagpahalata na dismayado ang aking mukha sa sagot niya. Magaling talaga siyang mag-sinungaling. The fact, tinaggihan nga niya ang offer ng kompanya ko dahil sa Advertising Business niya. Ang ginawa ko na lang, instead sumimangot ako, I just gave Wayne a sweet smile and a nod as a sign of confirmation.
"Oh, really? What a small world! By the way she's Autumn Chazley Normand. One of my closest Friend. Autumn, these are my friends. I would like you to meet Brent Owen and Damon Spencer. I guess kilala mo na si Harris Jet Luther." Pakilala ni Wayne sa'min. Agad namang nakipag-agawan ng shake hands sina Damon at Brent.
"Nice to meet you! Autumn! Marunong talaga pumili si Wayne!" Isang mapuring tugon naman ni Brent habang nakalahad ang kanyang kamay para makipag-shake hands. Nakangiting tinanggap naman ni Chazley ang kamay nito.
"Nice to meet you magandang dilag," isang mala sexy husky voice naman ang tinuran ni Damon. Kahit kailan, hindi talaga matino ang dalawang 'to pagdating sa mga babae. Umiiling-iling nalang si Wayne at tumawa dahil alam niyang inaasar lang naman siya ng dalawa.
At ako, pasimple akong sumulyap kay Chazley and I just realized that I really don't like the way she act. Para siyang may suot na makapal na maskara at pilit tinatago ang tunay na ugali at pagkatao. In short, a great pretender. Para sa'kin, isa siyang babaeng mapag-kunwari. If she thinks that I like her for Wayne, well, it's a big NO. Hinding-hindi ko siya hahayaan na halinahin si Wayne. I will stop her hanggang sa maaga pa.
Pagkatpos ni Wayne na ipakilala si Chazley ay umupo silang dalawa sa aming table. Mga ilang oras din ang aming kwentuhan. Hindi maalis-alis ang sulyap ko kay Chazley habang nakikipag-usap siya kay Wayne. The way she talk with Wayne, kumukulo talaga ang dugo ko. Ayokong mabahiran ng isang cheap at malanding babae ang mga katulad namin. Tumayo si Chazley at nag-paalam na pupunta muna siya ng comfort room. Now this is my chance to confront her habang maaga pa.
"Uhm, Chazley, let me guide you, pupunta rin kasi ako ng CR. Okay lang ba Wayne?" pang-aasar ko kay Wayne. Tumango naman si Wayne bilang sagot.
Mga ilang metro rin ang layo ng CR from the Conference Hall. Nakasunod lang ako kay Chazley. Nauna kasi siyang humakbang. Nang papalapit na kami, which is wala ng masyadong tao, hinawakan ko ang kanyang kaliwang braso.
"What are you up to?" Isang mapangutya na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Nagulat siya sa tanong ko kaya mabilis niyang tinanggal ang kanyang kamay.
"Excuse me? Harris? Ano bang pinag-sasabi mo? Hindi kita maintindihan," mahinahon niyang sagot sa akin.
"Wag ka ng mag-panggap Chazley. Alam ko naman ang binabalak mo." Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nag-salubong ang magkabila niyang kilay. Nagtama ang aming mga mata.
"Hindi ko alam kung saan mo napulot 'yang mga sinasabi mo. May nagawa ba akong mali para husgahan mo ako? If tungkol 'to sa nangyari kahapon. Well, I'm deeply sorry Mr. Harris if I turned down your offer," malungkot niyang sabi na mas lalo namang nag-painit sa aking ulo. Damn this Bitch! Ang galing niya talagang umarte! Tumalikod siya at tuluyan siyang pumasok sa loob. Pero bago pa man siya tuluyang makapasok may sinabi muna ako sa kanya.
"I will protect Wayne from girls like you," pagbabanta ko sa kanya 'saka tuluyan umalis pabalik sa table namin.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
Ficción GeneralIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...