Autumn
Dahil sabado ngayon, napag-isipan ko na ipasyal si Chaz do'n sa isang Batangas Resort na malapit lang sa bahay namin do'n sa Batangas. Nag offer na rin si Harris na ihatid kami. Sasama rin kasi siya, wala naman akong magagawa dahil gusto ng anak ko na isama siya.
"Daddy! I'm ready!" excited na excited siyang pinakita kay Harris 'yong suot niya. Isang swimming attire at may dala-dala pa siyang maliit na salbabida. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay at hinahanda na 'yong mga gamit namin na dadalhin para papuntang Batangas.
Siguro ay magpapalipas muna kami ng gabi do'n. Matagal na rin akong hindi nakabalik sa bahay e simula nang tumira kami dito sa Manila.
"Wow! Ang guwapo naman ng Baby Chaz ko!" Hindi ko inaasahan ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Everytime na kinakausap ni Harris 'yong anak ko, pakiramdam ko ang gaan-gaan ng loob ko. Nakikita ko sa kanya ang pagiging isang Ama, pero hindi ito sapat para sagutin ko siya. Gusto ko pa siyang kilalanin ng husto bago ako tuluyang mag desisyon.
Mas lalo pa siyang gumuwapo ngayon, nakasuot siya nang Plain V-Neck White T-shirt na 3/4 sleeve paired with a Plain Maroon short na hanggang tuhod ang haba. Nakasoot din siya ng closed shoes na vans ang brand. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko napansing nakatingin din pala siya sa akin.
Agad kong binaling ang tingin ko sa loob ng sasakyan. Nagpanggap ako na may hinahanap sa loob kahit wala naman talaga. Napansin ko ring iba 'yong sasakyan na ginamit niya ngayon. Sanay ako do'n sa maliit niyang sasakyan which is Chevrolet Bolt Ev at ngayon naman ay gamit niya 'tong Toyota RAV4 na unit.
"Let's go?" Bumalik ako sa pag-iisip nang magsalita na si Harris. Tumango naman ako bilang sagot. Tinignan ko 'yong relo ko, 1:00 PM na. Siguro by 3 or 3:30 kami makakrating do'n kung hindi kami madadaatnan ng traffic.
"Aling Lena, papasukin niyo na sa loob si Chaz," tawag ko kay Aling Lena. Lumapit si Aling Lena at kinuha ang kamay ni Chaz at tuluyan nang pumasok sa loob ng passenger seat. Sumunod naman kami ni Harris na pumasok.
---
3:30 PM na nang makarating kami ng Batangas. Dumaan muna kami sa bahay, bukas na namin ipapasyal si Chaz do'n sa Resort na katabi lang dito. Sinalubong naman kami nina Mommy at Daddy na kakarating lang galing San Diego. Kahit na hindi na sila 'yong humahawak ng kompanya, they have still other businesses that's why everyweek, parati silang may travel sa iba't-ibang bansa.
"Autmn and Harris! Buti at naisipin niyong magpasyal dito," bati naman sa amin ni Daddy Greg. Isa-isa niya kamingniyakap. Hinalikan ko naman si Daddy sa pisngi, ganun din si Mommy.
"Yes, Dad, napag-isipan kasi ni Chazley na ipasyal si Chaz bukas sa Resort na katabi lang dito," Paliwanag naman ni Harris kay Daddy. Ngumiti naman si Mommy at agad na kinuha si Chaz papasok sa loob. Sumunod na rin kaming tatlo ni Harris at Daddy.
Nagkaroon kami ng kuwentuhan tungkol sa aming kompanya habang kumakain kami ng meryenda. Marami-rami rin kaming napag-usapan especially tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Harris. Ang sabi nila Mommy at Daddy, kung maari, ay magkaroon kami ng engagement party next month, nang sa gano'n, meron pang isang buwan na matitira para makapag invite sa mga magiging guest at sponsor sa wedding day namin.
Seryoso nga talaga sina Mommy at Daddy sa kasalang 'to. Natatakot ako, natatakot ako sa maaring mangyari kung makasal man ako kay Harris. Pakiramdam ko kasi baka hindi mag w-workout 'yong relationship namin ni Harris kung sakali ikakasal na kami.
"Next week, magpapadala na kami ng mga invitation para sa Engagement Party niyo, July 28, 2018. That would be the day of your Engagement party," seryosong wika ni Dad. Saglit ko naman tinignan si Harris at ganun din siya. He smiled towards at me. Ngayon ko lang nakita ang ngiting 'yon sa kanya. That smile of Him, parang inaakit niya 'yong utak ko na kilalanin ko siya. Parang dinidiktahan niya 'yong puso ko na pasukin ang buong pagkatao niya.
"That's not a problem for me Dad, how about you Chazley?" Agad naman akong bumalik sa aking wisyo nang magsalita si Harris. Sa di malamang dahilan, bigla na lamang akong tumango.
"Good, then everything is set up now," excited naman na tugon ni Daddy. Huh? Ano 'yon? Teka, Gosh. Ba't ako tumango. Bahagya kong napakamot ang aking ulo. I hate this feeling, sana man lang sinabi ko muna na pag-iispan ko. I breath deeply. Parang nararamdaman ko ang init na lumalakbay sa aking buong katawan.
7:30 PM na nang matapos kami. Ang dami kasing kinukuwento ni Daddy kay Harris. Madaldal kasi 'to si Daddy. Siya 'yong tipong hindi nauubusan ng kahit anong topic, mapa business related man o hindi. Naalala ko pa minsan, nakakatulog na lang si Mommy habang si Daddy naman, panay pa rin ang pagsasalita. Buti naman at hindi na b-bore si Harris sa kanya, mukhang komportable siya kay Daddy.
Umalis na rin si Daddy sa pagkakaupo. Nandito kami sa labas ng bahay kung saan may isang small cottage at ang sa pagitan naman ay isang malaking swimming pool. Naiwan na lang kaming dalawa ni Harris. Napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Parang gusto niya akong kausapin pero naduduwag siyang i-approach ko. Hindi ko napigilang matawa sa sarili.
"Chazley?" Natigilan ako sa aking pagtawa. Tinignan ko siya. Magsasalita na sana siya pero bigla namang tumunog 'yong cellphone niya. Sinenyasan ko siyang sagutin muna. Kinuha niya 'yong cellphone niya sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.
"Hello? Oh, Zed, napatawag ka?" sagot niya. Si Zed pala 'yong tumawag sa kanya. Mga ilang minuto rin ang kanilang pag-uusap.
"Okay, sige sure pupunta kami ni Chazley." Tumaas naman bahagya ang isa kong kilay. I don't have idea kung saan kami pupunta. Pagkatapos niyang patayin 'yong tawag ni Zed, binaling niya ulit ang tingin niya sa akin.
"Chazley, puwede ba kitang yayain? Gusto kasi ni Zed na puntahan natin 'yong isang rising Private na Resort na katabi lang sa kanyang bagong Resort." Ayoko sanang pumayag pero nakakaawa kasi tignan 'yong mukha niya. Wala naman sigurong masama kung papayag ako na sumama sa kanya. Naalala ko pala 'yong sinabi niya sa akin kagabi.
"Okay, magbibihis lang muna ako," sagot ko sa kanya. Tumayo naman ako para maglakad papasok sa loob ngunit pinigilan niya ako.
"No, you don't need to, you're already beautiful, kahit ano pang isoot mo." Kumunot naman 'yong noo ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yong sinasabi niya o binobola niya lang ako. I'm wearing a simple halter floral dress na hanggang tuhod 'yong haba.
"Really? Ang galing mo talagang bumola Harris," tugon ko sa kanya 'saka ko siya inirapan habang 'yong kamay ko naman ay nakahalukipkip.
Nasipatan ko siyang ngumiti sa sarili, 'yong ngiti niya kanina na pinakita niya sa akin. At eto na naman, nagsisimula na namang nagwawala 'yong puso ko sa loob.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
Aktuelle LiteraturIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...