Harris
Wala nang kuwenta 'tong buhay ko ngayon. Tuluyan na akong tinaboy ni Chazley. Akala ko sasama siya sa akin ngayon pero nagkamali ako. Galit na galit na ang buong pamilya niya sa akin.
Hindi na ako magtataka kung susugodin ako nila Mommy at Daddy ngayon dahil sigurado akong nalaman na nila ang ginawa ng kanilang bastardong anak.
"Iho, itigil mo na ang pag-inom mo ng alak," pag-aalalang wika ni Manang Glenda. Kagabi pa ako walang tigil sa paginom ng alak. Pagdating ko galing Batangas, dumiretso ako rito sa Mini-bar station upang ipagpatuloy ang aking pag-inom.
"Harris?!" Bumungad naman ang sigaw ni Daddy sa akin at mabilis akong sinuntok sa mukha. Nawalan ako ng balanse kaya naman ay bumagsak ako sa sahig.
"David?! Tama na!" pagpipigil naman ni Mommy sa kanya. Galit na galit si Daddy. Alam ko nang alam na nila. Marahil ay sinabi na ni Daddy Matteo ang lahat-lahat. Napahilamos siya sa mukha. Hindi maipinta 'yong mukha niya dahil sa pagkadismaya.
"Harris? Son? What have you done?" segunda naman sa akin ni Mommy. Lumapit siya sa aking kinaroroonan at hinahaplos naman ang aking mukha.
"Alam mo bang galit na galit si Matteo ha?! Akala ko ba matino kang lalaki ka?! Matagal mo na bang alam?!" halos nag b-bounce na 'yong boses ni Daddy sa loob dahil sa lakas ng kanyang pagkakasigaw. Napayuko naman ako habang sinisigawan niya ako. Hindi ko kayang harapin si Daddy. Ni hindi ko nga siyang magawang tignan sa kanyang mata.
"Anak? Sumagot ka? Totoo ba 'yong sinabi sa amin ni Matteo?" Naiiyak na rin si Mommy. Bakas sa mukha niya ang pagkalito dahil ang laki ng tiwala sa akin ni Mommy. Naniniwala siya na hindi ko kayang gumawa ng gano'ng kasalanan. Akala mo lang 'yon Mom.
"I-m so sorry Mom and Dad," tanging 'yan lang ang lumabas sa aking bibig. Hindi ko na ring mapigilang umiyak. Niyakap ko ng mahigpit si Mommy. I felt like all my tears were gone already because of what happened last night. I just can't accept that Chazley left me already.
Binalot nang katahimikan ang aming paligid. Napabuntong-hininga naman si Daddy bago nagsalita ulit.
"Kailangan natin ng magaling na Abogado. Hindi ka puwedeng mabulok sa kulungan," panimula niya. Hindi naman ako sumagot. Inaamin ko, ayokong makulong, pero kung 'yon ang kailangan para mapatawad ako ni Chazley, gagawin ko. Handa akong magpakulong para sa babaeng mahal ko.
"Tawagan mo si Damon, sabihin mong kailangan natin 'yong kapatid niya, magaling na Abogado 'yon diba? Si Thews," turan ni Mommy. Tumango naman si Daddy at walang alinlangan na hinugot ang kanyang cellphone upang tawagan si Damon.
--
Kinabukasan ay nag-file ako ng leave. Si Vincent muna ngayon ang mangangasiwa ng kompanya. Masyadong magulo ang sitwasyon namin ngayon ni Chazley. Sigurado rin naman akong hindi siya pumasok ngayon sa opisina.
"I have good news," bumungad si Thews sa aming harapan na kagagaling lang sa kanyang opisina. Nandito kami guest living room ng aming bahay ngayon kasama sina Daddy at Mommy upang pag-usapan ang tungkol sa kasong maaring isampa sa akin ni Chazley.
"What was the good news Thews?" seryosong tanong naman ni Daddy sa kanya.
"I just reviewed both of your case, ayon sa Article 266-C, In case it is the legal husband who is the offender, the subsequent forgiveness by the wife as the offended party shall extinguish the criminal action or the penalty: Provided, That the crime shall not be extinguished or the penalty shall not be abated if the marriage is void ab initio."
"Ibig sabihin, pansamantala ka munang makukulong. Hangga't hindi ka mapapatawad ng Asawa mo, hindi ka makakalaya. Swerte ka at kinasal kayo bago pa niya malaman 'yong totoo," Napabuntong hininga naman si Daddy at Mommy habang ako naman ay napaisip sa kung anong posibleng mangyari kung sakaling pansamantala lamang akong makukulong. Paano kung mag file ng annulment si Chazley laban sa akin?
"Paano kung mag file ng annulment case sa akin si Chazley?" nag-aalala kong tanong kay Thews.
"That's not possible, narinig ko si Vanessa, 'yong abogado ng asawa mo, narinig ko sinabi niya na hindi kaya ng asawa mo makipag anull sa'yo, sa tingin ko mahal ka pa rin ni Autumn sa kabila nang lahat, kailangan lang nating hingin ang kapatawaran niya Harris." Napahilamos naman ako sa aking mukha. Masaya ako sa nalaman ko pero nananaig pa rin 'yong kalungkutan ko. Alam kong galit na galit si Chazley sa akin. Sigurado akong hindi niya ako basta na lang mapapatawad.
"Simulan na natin ngayon, kakausapin natin ang pamilya niya," sambit naman ni Daddy. Tumayo ako at pinigilan ko si Daddy.
"No Dad, hayaan mong ako ang umayos sa gusot na 'to, problema naming mag-asawa 'to Dad. Mas lalong gugulo 'yong sitwasyon kapag makikisali pa kayo," Paliwanag ko sa kanya. Umiiling siya. Halata sa kanyang mukha ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Oo nga naman David, hayaan na natin si Harris. Sigurado naman akong mapapatawad din siya ni Autumn, siguro hindi pa ngayon," pinakiusapan naman siya ni Mommy. Tinignan ko si Mommy at nginitian. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan pa rin sila sa tabi ko kahit na ang laki ng kasalanan ko.
"Thews, maari ba akong pumunta sa Batangas ngayon?" Gusto kong siguraduin kung puwede ba ako makadalaw doon.
"Yes, as long as hindi pa sila kumikilos, maari mo pang mabago ang isipan niya," seryoso niyang sagot sa akin. Hindi na ako magpa ligoy-ligoy pa. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa habang si Thews ay pinakiusapan ko na samahan ako. Pumayag naman siya at tuluyan na kaming umalis.
Sana naman ay mabago ko ang isipan mo Chazley. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo mapatawad mo lang ako. Hindi ako susuko, hindi ko susukuan ang pagmamahal ko sayo. Hindi ko kayo susukuan ni Chaz.
*Note: Bago ko sinulat ang chapter na 'to, nag-research ako tungkol sa Case na maaring harapin ni Harris so ayan, hindi ko ginawang Fictional 'yan. Salamat kay -IndieWriter- sa tulong! Haha! Sorry sa Author's Note. *
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
Fiksi UmumIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...