Kabanata 22

190 30 2
                                    

Autumn


Nandito kaming apat ngayon sa isang magarang restawrant at kasalukuyang hinihintay ang aming mga pagkain.

Habang nililibang ko muna si Chaz, panay naman ang sagutan nitong si Harris at Wayne. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Inaamin kong, nawalan talaga ako ng oras kay Chaz, paano ba naman kasi, halos isang buwan akong may schedule na meetings at appointment. Idagdag mo pa 'yong Current Project namin kay Zed which started last month.

Isang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado kung itutuloy ko ba ang kasalang 'to. Harris seems not the perfect man for me, pero napaisip ako kay Chaz. He's already close to Harris.

Sa tuwing agahan kasi, si Harris lang ang nakakasabay ni Chaz na kumain samantalang ako, maagang umaalis para maagang matapos sa trabaho ngunit ganoon pa rin 'yong nangyayari. Kahit maaga akong pumapasok, hindi pa rin ako maagang natatapos.

Pakiramdam ko tuloy, nagiging walang kuwenta na akong ina. Kaya siguro nagtampo sa akin si Chaz, kaya naisipang puntahan ako sa opisina.

"May problema ba?" sambit ni Wayne sa akin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Bumalik naman ako sa aking ulirat at tinignan si Wayne. Nginitian ko lang siya bilang sagot.

Kung ikukumpara ko si Wayne kay Harris, mas pabor ako kay Wayne. Bukod pa sa mabait, guwapo at maalalahanin. Ilang taon na rin ang pagiging magkaibigan namin ni Wayne, pero kahit anong gawin ko, ni kahit katiting, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.

He already confessed to me that she like me and she want me to be his girlfriend but then I refuse his offer. I told him about our Harris marriage at kitang-kita ko sa mukha niya ang panglulumo. I know I hurt him but, ayokong magsinungaling sa kanya. I also told him about Chaz, pero hindi ko inamin na na-rape ako. The same reason lang ang sinabi ko sa kanya. Kung anong reason na sinabi ko sa parents ko, kay Harris ay kapareho lang sa sinabi ko kay Wayne.

Ayoko nang iungkat pa ang nakaraan. Ayoko nang balikan ang taon na 'yon. Ang taon na 'yon kung bakit nandoon ako at na-rape ako nang gabing 'yon.

"Here's your order Ma'am and Sir." Natigil ako sa aking pag-iisip nang magsalita ang waiter sa aming harapan. Dumating na pala ang aming pagkain.

Sabay naman inabot ni Harris at Wayne ang aking pagkain. Kumunot 'yong noo ko. Nasa pagitan ko kasi sila. Magkatabi kami ni Chaz, samantalang si Harris at Wayne naman ay magkatabi.

"You don't need to serve me, I can get my own food," Nakakunot-noo kong saad sa dalawa. Kinuha ko naman ang food para kay Chaz. Isang chicken fillet at isang pasta spaghetti. Paborito niya kasi 'yong spagetti. Manang-mana lang sa akin.

Binaling ko naman ang tingin ko sa dalawa, tahimik naman silang kumakain. Pagkatapos naming mag dinner ay dumiretso na si Wayne sa kanyang condo. Hindi ko alam kung patuloy pa rin ba ang alitan nila ni Harris. Kung tutuusin, wala namang karapatang magalit si Harris kay Wayne. Kung maka asta kasi siya, e parang kasal na talaga kami.

Pagdating namin sa bahay ay agad naman kaming sinalubong ni nanay Glenda upang bihisan si Chaz para matulog. Pahakbang na sana ako para papunta sa guest room ngunit hinawakan ni Harris ang aking braso.

"What's the problem Harris?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ko sa mata. Halata sa mata niya ang pagka irita. Kanina ko pa rin siya napapansin na wala siyang kibo. Pero hindi ko siya pinansin.

"May gusto ka ba kay Wayne?" sinamaan ko siya ng tingin sabay tanggal ng kamay ko sa pagkakahawak niya.

"No. We're friends only." tipid kong sagot sa kanya 'saka tuluyan siyang nilagpasan. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako hanggang Guest Room.

"Ganyan ka na ba talaga kalandi?" Sinbilis nang kidlat nang dumapo ang kamay ko sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang kanang pisngi kung saan ko inilapat ang aking buong palad.

"Hanggang kailan mo ba ako pagdududahan, Harris?" galit kong sabi sa kanya. 'Yan ang problema ko sa kanya, masyado siyang mapanghusga. Akala niya kung sino siyang Diyos para husgahan ang pagkatao ko.

"Ba't mo pa siya sinama kanina, alam mo bang napaka awkward nang ginawa mo kanina? Pinagtitinginan tayo ng mga tao!" This time, pinagtaasan na niya ako ng boses. Napapikit ako sabay hinga ng malalim.

"Harris, puwede ba? Ayokong makipag-away sa'yo ngayon, pagod ako," sagot ko sa kanya. Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi at sa leeg.

"Ano ba Harris?! Nasasaktan ako! Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko sa kanya. Kinulong niya ang mga kamay ko sa kanyang mga bisig at hinahalikan niya ako sa aking leeg. Pagod ako ngayon at wala akong lakas na awatin siya. Maya-maya'y may namumuong luha na dumadaloy sa aking mukha. Napahikbi na lang ako sa kanyang ginawa hanggang sa tumigil siya.

Nararamdaman kong unti-unting lumuwag ang kanyang pagyakap sa akin at isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking balikat habang nakayakap siya.

"Nagseselos ako, Chazley." Bulong niya sa akin. Tama ba 'yong narinig ko? Hindi ako kumibo sa kanya.

Unti-unti niyang inangat ang kanyang mukha at hinarap niya ako. Nagtama ang aming mga mata.

"I didn't saw you for almost one month. I tried to hide my feelings, but Fvck, Chazley, you're not just getting into my nerves, but you're getting into my mind and my heart. And it's driving me crazy sa tuwing hindi kita nakikita sa paningin ko."

I don't understand him, is he confessing to me right now? O baka naman drama niya lang 'to para paniwalain ako. Magaling pa naman siyang magpanggap.

Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ko namalayan ngunit parang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Hindi puwede Harris. Sa tingin ko mali 'to. Mali na pumayag ako. Maaring pagsisihan ko lang sa huli kapag matutuloy ang kasalang ito.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magtama ulit ang aming mga mata.

"I think we should end this Harris."

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon