Kabanata 40

153 19 6
                                    

Harris


Natigil ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi sa akin ng Police Officer. Totoo nga ba? Makakalaya na nga ba talaga ako? Napatawad na ba ako ni Chazley? Ibig sabihin nandito siya?

"Ito na ang pagkakataon mo, Harris." Tinapik ako sa balikat ni manong Oscar. Napakasaya ko. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ngayon dahil makakalaya na rin ako sa wakas. Niyakap ko nang mahigpit si manong. Napaiyak ako dahil sa sobrang saya.

Hindi ko na tinapos ang aking pagkain dahil sa sobrang excited ko nang makalabas. Tinawag ako ulit ng officer at dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan at tumungo sa pintuan. Pagdating ko sa visiting Area ay sinalubong naman ako nina Mommy, Daddy at ni Thews.

Bakas sa mukha ni Mommy ang galak at sobrang kasiyahan. Mabilis akong tumakbo at niyakap si Mommy. Hindi ko maiwasang maluha-luha dahil hindi ako makapaniwala. Worth it naman ang aking paghihintay. Napadako naman ang tingin ko kay Thews. Ngumiti siya sa akin. Kumalas ako sa yakap ni Mommy at nilipat naman ito kay Thews at kay Daddy. Ramdam na ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Daddy nang napakahigpit.

"Sa wakas at nakalaya ka na rin Harris, ngayon na ang panahong upang magsimula ka muli," wika niya sa akin. Napatawad na rin ako ni Daddy at naiintindihan ko ang galit niya sa akin dahil alam ko na naapektuhan ang aming kompanya simula nang kumalat ang aking kaso. Pero ngayon handa na ako. Handa na akong ibangon muli ang kompanya.

"Anak! Sa wakas at nakalaya ka na! Ang saya-saya ko ngayon, maari ka nang makabalik sa kompanya," masayang saad naman sa akin ni Mommy. Natutuwa rin ako dahil makakapagsimula na ako muli. Tinignan ko ulit si Thews.

"Thews, ibig sabihin ba nandito rin si Chazley? Napatawad na kaya niya ako?" seryoso kung tanong sa kanya ngunit mapait na ngiti lang ang ginanti sa akin ni Thews. Malakas ang pakiramdam ko. Parang mayroong hindi tama sa mga ngiti na pinapkita niya sa akin.

"Nagbigay si Vanessa ng isang letter. Nakasulat doon na makakalaya ka pagkatapos nang isang taon. Nakalagay doon ang lagda at thumb mark ni Autumn bilang isang katunayan na pumapayag siya na makalaya ka. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakuhang impormasyon tungkol sa kinaroroonan niya, wala ring binibigay sa akin si Vanessa ni kahit katiting na impormasyon," malungkot na pahayag naman sa akin ni Thews. Masaya naman ako kahit papaano pero nalulungkot pa rin ako dahil ang buong akala ko ay nandito si Chazley. Walang araw na hindi ko sila inisip ni Chaz. Na miss ko na sila nang sobra. Halos araw-araw akong hindi nakakatulog nang maayos dahil sa kakaisip kung okay lang ba silang dalawa.

---

Tatlong buwan na ang lumipas simula nang makalaya ako. At ngayong araw na 'to ay ang pagbabalik ko sa aming kompanya. Itataguyod ko ang aking kompanya at sisiguraduhin ko na hindi palalaguin ko ito gaya nang dati. Nabalitaan ko ring iba na pala ang humawak sa kompanya nila Chazley anim na buwan na ang nakaraan. Ngayon ko lang din nalaman sa aking sekretarya.

Nagpagawa muna ako nang meeting para sa lahat ng aking mga staffs. Gusto kong ianunsyo sa kanila ang aking pagbabalik at gusto ko ring magpaliwanag sa kanila. Nandito na ako sa conference room at handa na akong harapin silang lahat. Gusto kong magsimula ulit.

"Good Morning Everyone! I guess you already know what happened to me from the past year. Alam kong marami sa inyo ang hindi makapinawala. Gusto ko lang sana malaman niyo na pinagsisihan ko lahat nang aking nagawa at makikiusap lang sana ako sa inyo na kung maari tulungan niyo ako na maibalik natin sa dati ang katayuan ng ating kompanya. Maaasahan ko ba ang mga tulong niyo?" pakiusap ko sa kanila. Kailangan ko ang tulong ng aking mga empleyado. Hindi ko maiwasang kabahan dahil kababalik ko lang.

"Maasahan niyo po kami sa Marketing Department sir Harris! Maligayang pagbalik po! Hindi ba guys?" Isang masiglang tugon naman ang pinakita sa akin nang isang empleyado na naka-assign sa Marketing Department. Unti-unti namang tumayo ang mga nasa ibang department hanggang sa lahat sila ay masaya akong sinalubong nang kanilang mga ngiti. Masayang-masaya ako at binigyan ako ng ganitong pagkakataon.

Pagkatapos nang meeting ay nagsibalikan na kami sa aming mga trabaho. Nagpahanda rin ako ng konting selebrasyon pagkatapos ng aming trabaho. Habang pinagmamasdan ko ang picture frame namin ni Chazley na nasa aking lamesa, hindi ko maiwasang maluha. Naalala ko pa ang mga panahong masaya kami. Noong mga panahong pumupunta kami sa iba't-ibang lugar upang magbakasyon. Noong mga panahong nagkakaroon kami ng konting tampuhan, ngunit napapawi naman ang lahat ng iyon kapag nilalambing ko siya.

"Harris?!" Napalingon naman ako sa may pintuan at nasilayan ko na naman ang mukha nina Brent at Damon na halatang masayang-masaya na makita ako. Sabay silang umupo sa may sofa.

"Now you're back, wanna celebrate?" panghihikayat naman sa akin ni Brent. Siniko naman siya ni Damon at pinandilatan.

"Alam niyo, ayoko munang uminom, 'saka, ayoko nang bumalik sa nakaraan," tugon ko sa kanila sabay balik sa picture frame namin ni Chazley sa aking lamesa.

"Sige na, hindi naman natin lalaruin 'yong Truth or-"

"Brent?! Ano ba? Pinag-usapan na natin 'to hindi ba?" hindi na nakatapos nang pagsalita si Brent dahil sinaway na siya ni Damon. Bahagya naman akong napangiti sa kanilang dalawa.

"Guys, Alam ko, maybe some other time, but not now," tanggi ko sa kanila. Ayoko munang uminom. Bakas naman sa mukha ni Brent ang pagkalungkot habang si Damon naman ay tumango sa akin. Tumayo na silang dalawa at nagpaalam na sa akin. Inayos ko na rin ang ang mga papeles na nakalapag sa aking lamesa dahil aalis na rin ako. Alas 7 na nang gabi nang sinulyapan ko ang aking relo.

Paglabas ko sa aking opisina ay nahagip pa ng aking mga mata ang aking mga empleyado na masayang kumakain. Niyaya naman nila ako pero tinanggihan ko sila sa kanilang alok dahil uuwi ako nang maaga ngayon. I decided to stay in my condo unit muna dahil malapit lang naman ito sa aming kompanya.

Mga labinlimang minuto lang nang aking pagmamaneho ay nakarating na ako sa condo. Nasa ikatlong palapag naman ang aking condo unit. Ang tagal ko nang hindi nakabalik dito. Pagdating ko sa aking condo unit ay agad kong binuksan ang pintuan. Pagpasok ko naman ay nagulat ako dahil may isang babaeng nakatalikod sa aking harapan.

Parang huminto 'yong mundo ko nang makita ko ang babaeng matagal ko nang hinihintay. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagbalik. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nakangiti siya sa akin. She's still the most beautiful woman I ever known. Mas lalong humaba ang kanyang buhok at mas lalo siyang gumanda. She's wearing an off-shoulder long sleeve dress that is above the knee in length.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa aking pangungulila sa kanya. Mabilis ko siyang nilapitan at mabilis ko siyang sinunggaban ng halik. Ang mga halik na matagal ko nang hinahanap at hinihintay. Isang malalim at marahas na halik naman ang kanyang ginanti sa akin. Ramdam na ramdan ko rin ang kanyang pangungulila sa akin. She kissed me like there's no tomorrow. She fastly wrapped her arms around my neck while my hands were tightly wrapped around her waist too.

Were both starting to walk while deeply kissing until we reached into my bed. Halos malagutan kami nang hininga dahil sa lalim nang aming paghahalikan. Marahan naman akong kumalas sa aking paghalik. I stared at her and she gave me a sweet smile.

"Harris."

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon