Kabanata 49.1

151 11 3
                                    

Autumn

December 18, 2022 

10:00 PM

I still don't get it. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang lahat-lahat. Tatlong buwan na nga ang lumipas pero patuloy ko pa ring iniisip 'yong nangyari sa akon. Ang kuwento sa akin ni mommy, bumagsak daw 'yong eroplanong sinakyan ko papuntang Alaska. Pagkatapos no'n, nabalitaan na lang nila sa news na isa daw ako sa mga survivor na nakaligtas sa plane crash. At do'n nagsimula ang comatose state ko na umabot ng walong taon.

Sinubukan kong alalahanin kung ano nga ba talaga ang nangyari sa akin bago ako na aksidente pero wala talaga akong maalala. Nandito kami ngayon sa paborito naming bar dito sa Batangas. Dito kami nag-iinuman ng mga kaibigan ko noon. 

But this time, wala akong ganang uminom. Sinamahan ko lang sila. Nandito kami sa second floor kung saan may mga sofa set. Wala rin masyadong tao rito dahil para lang naman 'to sa mga VIP.

"Autumn?! Kanina ka pa tulala diyan? Iniisip mo pa rin ba 'yong panaginip mo? Gosh! Sinabi na namin sa'yo na hindi 'yon totoo! Girl! 3 months na, hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-move on sa handsome mong husband?" Mahina akong tinampal sa noo ni Roxy.

"Yeah. I felt that was so real girls. Para kasi akong nalagay sa isang sitwasyon. And you know what? Iba 'yong pagktao ko do'n," wala sa sarili kong turan naman kay Roxy. Totoo naman kasi. Ibang-iba 'yong pagkatao ko. 

I was born as mean, inconsiderate, hypocritical, arrogant, rude and etc. Lahat na yata ng worst quality of a woman na sa akin na. Kung tutuusin, hindi na yata mabilang lahat ng mga kasalanan na nagawa ko at naming magbabarkada no'ng kami ay nag-aaral pa. Pero sa loob ng panaginip na 'yon, para akong nilagay sa isang buhay ng isang babae kung saan nakaranas siya nang isang malupit na tadhana. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin lahat ng pinagdaanan ko. Biglang nagbago 'yong pagkatao ko sa panaginip kong 'yon.

"Baka kinarma ka sa ginawa mo kay Ethan? Naalala mo siya? 'Yong baliw na baliw sa'yo! Haha!" wika naman ni Martha sabay halakhak. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Ethan. It was him! 

Siya 'yong huli kong taong nakausap ko bago ako umalis papuntang Alaska...

"Autumn! Mahal na mahal kita! Ginawa ko na ang lahat para sa'yo! Hindi pa rin ba sapat lahat ng pagsisikap ko?" Mahigpit siyang humawak sa aking braso. Nandito kami sa isang party ng isa sa mga classmate ko no'ng college. Nasa labas kami ng building. Masugid na manliligaw ko si Ethan pero hindi ko siya gusto. Pinaglaruan ko lang naman ang kanyang damdamin.

Hindi ko na kasalanan kung bakit nahulog siya sa akin. Hindi ako 'yong babaeng tipong nag-aanghel-anghelan. Malakas kong hinawi ang kanyang pagkakahawak sa aking braso. Napayuko siya at nagsimula nang umiyak.

"Puwede ba? Hindi mo ba nakikita? Pinaglalaruan lang naman kita. Hindi ko na kasalanan kung bakit nagpapa-uto ka sa mga utos ko sa'yo. You're so patethic Ethan!" sigaw ko sa kanya.

"Pero Autumn, ikaw  lang 'yong gusto ko. Siguro nga pathetic ako dahil may sakit ako Autumn. May sakit ako sa puso. Kaya nga kahit konting panahon lang ang ilaan mo sa akin, sapat na sa akin." pagmamakaawa niya sa akin. Humagulgol siya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Fuck? The hell I care sa sakit niya! Nagsalubong ang aking kilay.

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon