Kabanata 33

150 23 6
                                    

Harris

Isang taon na ang lumipas simula nung maikasal kami ni Chazley. At sa isang taon na 'yon, mas lalong tumibay ang samahan namin. Mas lalo rin akong nahuhulog sa kanya. Siya lang ang nagpapasaya sa akin. 

Lahat ng mga katangiang meron sa isang asawa ay nasa kanya na. She's always share her beliefs with me, she's reliable and very trustworthy, and very responsible, kahit na pagod sa trabaho, nakaya niya pa rin kaming alagaan ni Chaz. 

Lahat nang mga 'yon ay naipakita niya sa akin sa loob ng isang taon, kaya naman ay masasabi ko na she's really a perfect wife for me, pero hanggang ngayon, patuloy ko pa ring kinikimkim at tinatago ang kasalanan ko sa kanya.

Sa tuwing naghahanap kasi ako ng tiyempo na kausapin siya, parang akong na-pi-pipi. Ni isang salita tungkol sa ginawa ko sa kanya, hindi ko kayang ilabas sa aking bibig. Gusto ko sanang kalimutan 'yong nangyari pero napaka imposible. Ang hirap, hindi ko kaya. Minsan gabi-gabi akong binabangungot.

May mga pagkakataon na nagtataka na si Chazley sa aking mga kinikilos, kaya naman ay hindi ko pinapahalata sa kanya dahil ayokong magduda niya sa akin. Sinasabi ko na lang sa kanya na okay lang ako at stress lang ako sa trabaho. 

Sa tuwing nag-si-sinungaling ako sa kanya, para ko na ring pinapatay 'yong puso ko sa sobrang sakit. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang iwan siya, at iwan niya ako.

"Love? Andiyan na yata sina Brent at Damon." Bumalik ang tingin ko sa mukha ng aking asawa habang inaayos niya ang aking necktie. Meron kasi kaming event na pupuntahan ngayon. Napangiti ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ang nakasimangot niyang mukha.

"Ang ganda mo pa rin Love kahit nakasimangot ka," pang-aasar ko sa kanya. Nilipat niya ang tingin niya sa akin at bahagyang natawa. Sa lahat ng kinaiinisan niya ay ang mag-ayos sa aking necktie kasi minsan, nagkakamali siyang ayosin 'to. Alam ko naman kung paano maglagay sa aking necktie e, pero pinipilit niya na siya ang mag-ayos dahil gusto niya at isa pa asawa ko raw siya kaya responsibilidad niya pagsilbihan ako. Kaya mas lalo akong na-i-inlove sa kanya e, dahil napakalambing niya.

"Ayan, tapos na Love, ba't napaka gwapo mo Love?" Nakangisi niyang wika sa akin sabay hawak sa aking magkabilang pisngi. Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya naman ay binigyan ko siya ng isang nakaw na halik.

"Ikaw din naman Love, ba't napakaganda mo?" ganti ko rin sa kanya. Pareho na lang kaming natawa. Tuluyan na kaming lumabas sa bahay dahil kanina pa kami inaantay nina Brent at Damon.

Papunta kami ngayon sa isang Sponsored Fashion Event na gaganapin sa Pasay, Manila. Kinuha kaming special guest nina Brent at Damon dahil napaka importante sa kanila ang event na 'to. Pagdating namin ay bumungad naman sa amin ang mga iba't-ibang news anchor at reporter sa labas ng Event Hall. Dali-dali kaming naglakad nina Chazley, Brent at Damon papasok sa loob.

Ayaw kasi naming magpa-interview muna, our companies are one of the top leading Advertising and Marketing Industry this year at ang laki ng pasasalamat ko dahil napalakad namin ng maayos ang aming mga kompanya. 

Hindi madali ang humawak ng isang kompanya lalo na't maraming ka- kompetensya. And thank God, Chazley is always there to support me and remind me sa lahat ng mga bagay na gagawin para sa ikalalago ng aming kompanya.

We are now standing at the round table sa harap ng stage while Brent and Damon went to the stage naman para magbigay ng isang maikling mensahe. After their short message, bumalik ulit sa aming table sina Brent at Damon. Nagsimula na 'yong event. Ang daming special guest, may mga international at local models din na dumalo.

Habang nag-ku-kuwentohan kami, nagpaalam muna si Chazley na pupunta muna siya ng CR. I want to go with her but she insisted na siya na lang para daw makapag-usap pa kaming tatlo. Matagal na rin kasi kaming huling nagkausap nina Brent at Damon. Si Wayne naman, pa balik-balik ng Canada. Mukhang busy din siya sa kanyang career as Film Maker kaya bihira na lang siya nakakadalaw dito sa Pilipinas.

"Kumusta naman sa pakiramdam 'yong may-asawa Harris?" tanong sa akin ni Damon na may halong pang-aasar sa kanyang mukha. 

"At isa pa, okay lang ba ang relasyon mo sa anak niya?" komento naman ni Brent. Ngumiti naman ako bilang sagot. Chaz is already 5 years old, kakatapos lang din naming mag-celebrate sa kanyang birthday three weeks ago. Habang lumalaki si Chaz, mas lalo siyang naging makulit. Ang daming tanong. 

Minsan nga tinatanong niya sa akin kung bakit daw wala ako nung baby pa siya. Wala rin naman kasing nabanggit si Chazley sa akin tungkol sa ama ni Chaz. I didn't bother to ask her baka pag-awayan pa namin and I believe what she told me before we got married.

"Well, we are both happy, habang tumatagal, mas lalo akong na-i-inlove sa kanya," nakangiti ko namang wika sa dalawa. 

"Ooh, talagang nagbago ka na nga Harris," pang-aasar naman na turan sa akin ni Damon.

"Eh, paano 'yong 4 years ago? 'Yong tungkol sa babaeng nakuha mo?" Nabigla ako sa tanong ni Brent kaya naman ay mabilis ko siyang pinandilatan.

"Shh! Walang alam si Chazley tungkol doon," pabulong kong saad sa kanya. Napalingon ako sa paligid dahil sa takot na marinig ni Chazley 'yong pinag-usapan namin. Thank God at hindi pa siya dumating. Agad namang tumahimik si Brent. Biglang tumahimik ang aming paligid at maya-maya ay dumating na si Chazley.

"Love? Gusto ko ng umuwi, bigla kasing sumama 'yong pakiramdam ko, pasyensa kana natagalan ako bago bumalik," Bakas sa mukha ni Chazley ang pagkangiwi. Napahawak din siya sa kanyang tiyan kaya naman ay napagdesisyonan ko na uuwi na kami. Tuluyan na kaming nagpaalam sa dalawa.

Habang nag-d-drive ako, tahimik lang si Chazley. Ayokong isipin 'yong sinabi ni Brent kanina dahil sigurado naman akong hindi ko siya nakita kanina nung tinanong ako ni Brent. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang akong kinabahan.

Nakatingin lang siya sa bintana kaya hindi ako mapakali. Gusto ko sana siayng tanungin kaso natatakot ako. Pinangungunahan na naman ako ng duwag sa sarili. Dahil kanina pa siya hindu kumikibo, naglakas loob na lang akong tanungin siya.

"Love? Okay lang ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pinapahalata sa kanya ang kabado kong boses. Saglit naman siyang napatingin sa akin at bahagya na ngumiti. Nakahawak pa rin siya sa kanyang tiyan. Siguro nga ay masama lang talagang pakiramdam niya.

Tumango lang siya bilang sagot niya kaya naman ay hindi ko na siya tinanong pa at nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho hanggang sa nakarating kami ng bahay.

Pagdating namin sa aming kwarto ay nagulat na lang ako dahil isang napakalakas na sampal ang tumama sa aking kaliwang pisngi. Nabigla ako sa kanyang ginawa.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. Galit na galit siya na nakatingin sa akin. Nagtama ang aming mga paningin. Nararamdaman ko ang galit niya. Ibang-iba 'yong aura niya ngayon. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. Magsasalita na sana ako pero nagulat na lang ako sa biglaan niyang tanong.

"May tinatago ka ba sa akin, Harris?"

Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon