Harris
Isang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang 'yong nangyari kong pagpapakulong. Hanggang ngayon, naalala ko pa rin kung gaano ka-galit sina Mommy at Daddy sa aking ginawa.
Nakapagdesisyon na ako nung mga panahon na 'yon. Iyon lang ang tanging paraan upang mapag-bayaran ko ang kasalanang ginawa ko kay Chazley. No'ng unang araw ko pa lang sa kulungan, bugbog agad ang inabot ko sa kapwa preso ko, pero hindi ako nanglaban dahil alam ko naman ang aking kasalanan.
Halos tumagal pa nang tatlong buwan ang panggugulo at panggugulpi nila sa akin hanggang sa nagsitigil na rin sila. Sa tuwing may bagong presong dating, 'yon ang pagdidiskitahin nila na bugbogin. Halos araw-araw akong binibisita ni Mommy dito at halos araw-araw na lang siyang umiiyak.
Pinagsabihan ko na siya na buo na ang desisyon ko at wala na silang magagawa ni Daddy. Hanggang ngayon galit pa rin si Daddy sa akin. Ayaw niya akong bisitahin. Nahinto na rin ang pag-merged nang Normand at Luther Company dahil sa issue na nangyari sa pagitan namin ni Chazley. Almost three months akong laman ng balita gabi-gabi. Sina Brent at Damon naman, tatlong beses sa isang linggo naman nila ako dinadalaw dito. Galit din si Wayne sa akin. Alam ko na mahal niya si Chazley kaya galit na galit siya sa ginawa ko at naintindihan ko naman siya.
Bumisita siya rito pero mga dalawang beses lang. Ang sabi sa akin nina Brent at Damon, nagpapalamig lang daw muna si Wayne. Sa kabila nang lahat, isa pa rin siya sa mga pinakamalapit kong kaibigan. Siguro nasa ibang bansa na siya ngayon. Hindi na rin siya mahagilap nina Brent at Damon.
At ang masakit, ni anino ni Chazley at Chaz hindi ko na nakita. Wala na akong balita kung nasaan na siya ngayon. Ayaw din magbigay ng impormasyon ang kanyang pamilya niya tungkol sa kanya, pero ayon kay Thews, bigla na lang daw lumayas si Chazley nang hindi nila alam. Narinig niya raw kay Vanessa ang balitang 'yon. Parehong Law Firm na pinagtrabahuan sina Vanessa at Thews kaya naman ay minsan nakakakuha siya nang malilit na impormasyon tungkol sa aking asawa.
Isang lugar lang naman ang alam kong pinuntahan ni Chazley, ang Alaska. Sigurado akong baka nandoon lang siya.
"Harris, sinubukan kong kumuha ng impormasyon tungkol kay Autumn pero ikinalulungkot ko, 'yon lang ang nakalap nang aking private investigator," Paliwanag naman ni Thews. Nasa visiting area ako ngayon, binabalitaan ako ni Thews sa aking kaso.
"Sa Alaska, baka nandoon lang siya, nabanggit niya sa akin na tumira siya roon sa Alaska nung nag-aaral pa siya," masiglang tugon ko naman kay Thews ngunit umiiling-iling lang siya bilang ganti. Bigla naman akong nalungkot. Where are you Chazley? Bakit hindi ka na mahagilap ngayon?
"Harris, I need to go, babalitaan na lang kita ulit, huwag kang mag-alala, hindi ako titigil sa paghahanap ng impormasyon tungkol kay Autumn," may paninindigan niyang sabi sa akin. Tinapik niya ako sa balikat. Ngumiti at tumango ako sa kanya bago siya tuluyang makaalis.
"Mr. Luther, may bisita ka pa," Nagulat naman ako sa sinabi nang officer. Nang sinundan ko ang tingin kung saan lumabas si Thews, tumambad naman si Zed. Nagulat ako dahil ngayon ko lang siya nakita ulit.
"Harris!" Mabilis na lumapit si Zed sa akin at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap. Hindi ko maiwasang maluha at maiyak. Si Zed ang aking tunuturing na kapatid dahil sabay kaming lumaki.
"Kumusta? Pasyensa ka na at ngayon lang ako nakadalaw," kumalas siya sa yakap at umupo sa kanyang upuan. Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti siya sa akin nang mapait.
"Ang laki nang pinayat mo," malungkot niyang sabi sa akin. Pilit ko namang ngumiti sa kanyang sinabi.
"Bakit mag-isa ka lang? Si Roxy?" nagulat siya sa tanong ko. Bahagya namang nag-iba ng hugis ang kanyang mukha.
"Wala na kami, iniwan niya ba naman ako pagkatapos niyang malaman 'yong tungkol sa issue niyo ni Autumn? Kaya sinundan ko siya sa Las Vegas, kaya nga matagal akong nakabalik dito dahil hindi ko siya mahanap-hanap," Paliwanag niya sa akin. Nalungkot ako nang malaman ko ang pinagdaanan niya dahil sa akin. Napakawalang kuwenta ko talaga kahit kailan. Pati pinsan ko nadamay dahil sa aking kagagawan.
"Patawad Zed," aniko. Mangiyak-iyak ang boses ko habang nagsasalita sa kanyang harapan.
"Ano ka ba, wala kang kasalanan, choice niya 'yon, pero hindi pa rin ako titigil sa paghahanap sa kanya," turan niya. Bakas sa mukha ni Zed ang lungkot. Alam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari pero hindi niya lang pinapahalata. Kilala ko si Zed, basang-basa ko na ang katangiang meron siya.
Nagtagal lang nang mga isang oras si Zed. Bago siya nagpaalam sa akin nang tuluyan, dinalhan pa niya ako nang maraming pagkain. Pagbalik ko sa loob ng selda, binigay ko lahat nang mga pagkain sa aking kapwa preso.
"Oy! Ang sarap nito a! Salamat boy! Iba talaga kapag anak mayaman," pang-aasar naman nang isang kasamahan ko. Nginitian ko lang siya at sinenyasang kainin na ang aking binigay na pagkain. Kahit papaano naging malapit na rin ako sa kanila. Napagtanto ko kasi na ang hirap mabuhay sa loob nang bilangguan lalo na't wala kang pamilya na dumadalaw sa'yo.
Ma-suwerte pa rin ako at nandito ang mga kaibigan ko at ang Mommy ko na palagi akong binibisita. Kaya sa tuwing may dala silang pagkain sa akin, binibigay ko lahat sa mga kasamahan ko rito.
"Anong problema Harris?" napalingon naman ako sa aking katabi. Si Manong Oscar. Isa siya sa pinakamatagal na nakulong dito sa bilangguan. Pareho kaming nakaupo sa higaan at pinagmamasdan ang mga kapwa preso namin na kumakain nang mga dala kong pagkain.
"Wala manong, naalala ko lang dati 'yong pinagagawa ko noong ako'y malaya pa sa aking kasalanan," mapait akong napangiti sa matanda.
"Alam mo Harris, lagi mong tatandanan, hindi lahat nang kahilingan mo ay makukuha mo sa pera. Hindi porke't mayaman ka ay kayang-kaya mo nang bilhin ang lahat," payo sa akin ni manong. Matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko. At tama nga siya, hindi lahat ay nakukuha mo sa pera. Hindi lahat nang bagay ay kaya mong bilhin.
--
Kinabukasan ay maaga aking pinagalmusal. Magkasabay kami ni manong Oscar na kumakain ngayon. Habang kumakain kami, may tumawag sa aking pangalan.
"Mr. Harris Jet Luther, malaya ka na."
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
General FictionIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...