Harris
Isang linggo na 'yong lumipas simula no'ng gabing 'yon, bigla na lamang lumamig 'yong pakikitungo ng asawa ko sa akin. Para na akong mababaliw sa kakaisip. Sa tuwing tinatanong ko siya, sinasabi niya lang sa akin na pagod siya at wala sa mood. Kahit ganito 'yong setup namin, hindi naman namin pinapahalata sa bata 'yong sitwasyon dahil ayaw naming magduda 'yong bata.
Simula nang inuwi ko siya pagkatapos no'ng Honeymoon namin, naging iritable na si Chazley sa akin. Hindi ko alam kung paano siya pakakalamahin. Ngayon napagtanto ko na ang lahat-lahat. Dahil sa ginawa ko sa kanya kaya siya nagkakaganito. Alam ko naman na ako ang dahilan kahit hindi niya sabihin sa akin.
Ako lang naman 'yong taong lumagay sa kanya sa ganitong sitwasyon. Sising-sisi ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang sabihin sa kanya ng harapan ang aking kasalanan.
Pero kahit na mag-iba man ang pakikitungo niya sa akin, gagawin ko pa rin ang lahat upang makalimutan niya ang kanyang naranasan sa akin. Palagi kong dinadasal na sana ay kaya kong ibalik ang nakaraan upang itama ang kasalanan na kahit kailan, hinding-hindi ko malilimutan.
Hindi ko kakayanin kapag dumating 'yong oras na iwan ako ni Chazley. Siya ang dahilan kung bakit ako nagmahal. Dahil sa kanya naniniwala ako sa isang tunay na pag-ibig.
Kailangan kong makaisip ng paraan upang bumalik ang pakikitungo ni Chazley sa akin. Namimiss ko na 'yong asawa ko. 'Yong mga ngiti niya at pang-aasar niya sa akin.
"Good Morning sir, Excuse me po," Napalingon ako sa pintuan kung sino ang pumasok. Ang aking secretary lang pala. May dala-dala siyang folder marahan na inabot ito sa akin.
"Kailangan ba 'to ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Yes po sir, kailangan na po kasi 'yan ngayon dahil may stock audit bukas," aniya.
Hindi ko mapigilang maikuyom ang aking mga kamay, plano ko pa naman sanang lumabas at puntahan si Chazley. Napabuntong hininga naman ako.
---
Buong maghapon akong nandito sa opisina dahil sa dami ng mga papeles na pinermahan ko. Sinulyapan ko ang aking relo, 5:00 PM na nang hapon. Tinawagan ko ang aking secretary upang umorder ng isang bouqet of flowers para sa asawa ko.
Susurpresahin ko siya sa kanyang opisina. Pagkaraan nang labinlimang minuto, dumating na 'yong secretary ko na dala-dala 'yong bulaklak na pinaorder ko sa kanya.
Dali-dali akong lumabas para puntahan agad siya. Swerte naman at hindi ako nadatnan nang mahabang trapiko kaya naman ay nakaabot ako nang hindi pa nag a-alas 6:00 PM nang gabi.
Dumiretso ako sa kanyang opisina at nadatnan ko na naman siyang nakatulog. Naaawa tuloy ako sa asawa ko. Siguro ay pagpapahingain ko muna siya sa trabaho. Napapansin kong madalas na siyang nakakatulog dito sa kanyang opisina.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bumulong...
"Love? Gising na, nandito na ako," hinawakan ko ang kanyang balikat. Maya-maya pa ay, nagising siya.
"Love, ikaw pala 'yan," sabi niya na may halong pagod sa kanyang boses. Napangiti naman ako dahil hindi siya iritable ngayon. Masaya na ako na ganito kami ni Chazley. Naiintindihan ko naman na hindi pa siya handang ibigay ang sarili niya sa akin.
Handa akong maghintay sa kanya, kahit gaano pa katagal 'yan. Sapat na sa akin ang tawagin niya ako sa endearment namin, sa kanyang mga ngiti, paglalambing at pang-aasar sa akin.
"Lets go?" yaya ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. Kinuha ko 'yong bulaklak na dala ko at inabot ko sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya nang makita ang mga bulaklak. Napatingin siya sa direksyon ko at nginitian niya ako. Tumayo siya at lumapit sa akin at binigyan niya ako ng isang nakaw na halik sa aking labi.
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko kasi inaasahan 'yon. Nakita niya akong nagulat kaya nama'y biglang kumunot 'yong noo niya.
"Ayaw mo?" inis nitong saad sa akin. Nginitian ko naman siya. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya.
"Gustong-gusto ko Love," isang malambing na boses ang tinuran ko sa kanya kaya nama'y napangiti naman siya.
Lumabas na kami sa gusali at dumiretso na kami ng bahay. Doon na kami mag d-dinner. Pagdating naman namin ay nadatnan pa namin si Chaz na gising pa. Mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan namin. Habang tumatagal, lumalaki na si Chaz.
"Mommy! Daddy!" masiglang bati naman nito sa amin. Binuhat ko si Chaz at pinandilatan naman ako ni Chazley. Ayaw niya kasi sanayin ko si Chaz na parating binubuhat. Hinalikan naman siya ni Chaz sa pisngi.
"Ngayon lang naman Love," saad ko sa kanya at inirapan niya naman ako bilang sagot niya. Napangiti na lang ako dahil sanay na sanay na akong iniirapan niya ako. Dumiretso na kami sa kusina upang mag hapunan.
Ang saya ko ngayon dahil naramdaman kong hindi malamig ang pakikitungo sa akin ng asawa ko. Siguro pagod lang talaga siya no'ng mga nakaraang araw, kaya irritable siya sa akin.
Pinapangako ko sa sarili ko na sasabihin ko rin kay Chazley 'yong totoo. Hindi man sa ngayon pero sa tamang panahon. Kung ano man ang magiging kahitnanan nito, tatanggapin ko ng maluwag sa aking puso.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
General FictionIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...