Autumn
Pagdating ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Chaz. Saktong 10:00 PM nang dumating ako. Agad tumakbo si Chaz sa kinaroroonan ko at niyakap ako ng napakahigpit. Ginantihan ko rin siya ng isang yakap.
"Mommy, nahihirapan akong huminga," reklamo sa akin ni Chaz. Kumalas ako sa yakap at hinalikan siya sa pisngi.
"Sorry baby Chaz, na miss ka kasi ni mommy e," pa kyot kong sagot sa aking anak. Tumawa naman ito at ginantihan din ako ng halik sa pisngi. Ang sweet talaga nitong anak ko. Lahat ng pagod ko ay napapawi kapag nakikita ko siyang ngumingiti.
Pagkatapos naming magyakapan na mag-ina ay tumayo muna ako upang maghanda ng aking hapunan. Nakalimutan kong kumain dahil sa dami ng ginagawa ko buong araw, idagdag mo pa 'yung di ka nais-nais na nangyari kanina.
Pinakiusapan ko muna ang yaya ni Chaz na si Irene na ihatid muna siya kanyang kuwarto 'saka na ako susunod dahil kakain muna ako. Bago sila umalis ay may inabot sa akin ang yaya ni Chaz.
"Ma'am, nakalimutan niyo po pala 'yong cellphone niyo kanina sa dining table, ilang beses po 'yang nag ring, ni hindi ko na po mabilang. Hindi ko po nasagot 'yung mga tawag dahil kaninang hapon ko lang napansin na naiwan niyo pala 'tong cellphone sa lamesa," kuwento ni Irene sa akin. Tumango lang ako bilang sagot at kinuha ko ang cellphone.
Tumungo ako agad sa dining table at naghanda ng makakain. Nilagay ko muna 'yong cellphone ko sa lamesa, mamaya ko na titignan kung sino 'yong tumatawag. Baka kasi number lang ni Harris 'yong naka miscall diyan.
After 10 minutes at natapos na rin ako sa paghahanda. Tatlong piraso lang ng Bacon at dalawang piraso naman ng Ham ang niluto ko. Wala kasi akong ibang ulam na nakita sa aming fridge. Gutom na rin ako kaya wala na akong panahon para magluto ng ibang putahe.
Pagkatapos kong kumain ay sinulyapan ko ang aking cellphone. 4 missed calls galing kay Harris at 5 missed calls naman galing kay Wayne. Bakit kaya napatawag si Wayne? Hindi na ako nag dalawang isip. Agad kong tinawagan si Wayne. Mga tatlong ring muna ang inantay ko bago niya ito sinagot.
"Hello! Wayne? I'm sorry kanina hindi ko nasagot 'yong tawag mo, naiwan ko pala 'yong phone ko rito sa bahay kanina," Paliwanag ko kay Wayne.
"No worries Autumn, actually may importante sana akong sasabihin sa'yo. Puwede ba kitang ma imbitahan for dinner next week Monday?" tanong niya sa akin. Bahagya kong nakagat ang ibabang bahagi ng aking labi nang marinig ko ang sinabi niya tungkol sa importante niyang sasabihin. Ano kaya ito?
"Okay sure. Wala naman akong appointment this next Monday. Just text me the details." Mabilis ko namang sagot sa kanya.
"Thanks! Autumn, I will call you again tomorrow, Goodnight!" Paalam niya 'saka tuluyang binaba 'yong tawag ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang calendar sa cellphone ko kung anong araw ngayon. Wednesday na pala. Hindi ko napansin ang pagdaan ng mga araw dahil na rin sa dami ng ginagawa ko last week at this week.
Sinimulan ko nang ligpitin ang hapagkainan nang bigla na namang tumunog 'yong cellphone ko. Tinignan ko kung sino 'yong tumatawag. Si mommy Divine. Agad kong sinagot 'yong tawag.
"Hello Mom? Napatawag ka?" tanong ko kay Mommy.
"Autumn anak? Uuwi na kami ng Daddy mo next week, may mahalagang bagay kaming sasabihin ng daddy mo." Hindi ko alam pero para akong kinabahan bigla sa sinabi ni mommy. Napaka-seryoso ng tono ng kanyang boses. Tungkol kaya saan ito? Biglang tumahimik ng mga ilang segundo dahilan ay muling nagsalita ulit si mommy.
"Anak? Andiyan ka pa ba?" napapitlag ako nang tinawag ako ulit ni mommy.
"I'm sorry mom, yes mom, mag-papagawa ako ng schedule next week. Mag-iingat po kayo ni Daddy diyan," sagot ko sa kanya. Tatanungin ko pa sana si Mommy kung tungkol saan ba 'yong sasabihin niya ngunit pinutol na niya 'yong tawag niya.
Ba't napaka weirdo ng mga tao ngayon? Si Wayne may sasabihin din sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga 'saka ko pinagpatuloy ang pagligpit ng hapagkainan. Pagkatapos kong magligpit ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at nagbihis upang samahan ang aking anak.
---
Apat na araw na ang lumipas at dumating na ang pinakahihintay kong araw ngayon. Araw ng Lunes at mamayang gabi ko na malalaman ang mahalagang sasabihin ni Wayne sa akin.
Masaya ako dahil napagtuunan ko ng pansin ang aking anak nitong mga huling araw dahil wala akong appointment. Maayos at normal din ang takbo ng kompanya. Hindi ako na stress, 'di kagaya nung mga nakaraang linggo.
Unti-unti ko nang nasanay ang sarili sa pagiging CEO ng Norm AC Services. Masaya ako dahil binigyan ako ng oportunidad na mangasiwa sa aming kompanya. Habang busy ako sa pagperma ng mga papeles para sa advertising approval, bigla namang nag ring 'yong telepono.
"Yes, Stella?"
"Good Morning po Ma'am Autumn, pinapasabi po ng mommy at daddy niyo na mamayang 7PM daw po 'yong appointment niyo sa kanila." Paliwanag sa'kin ni Stella. Napaawang ang aking bibig nang marinig ko ang sinabi niya. Biglaan naman yata ang pagdating nina mommy at daddy? Ni hindi nga nila nabanggit sa akin na ngayon pala sila darating ng Pilipinas.
"Pero I have other plans tonight Stella," giit kong sabi sa secretary. May appointment ako mamaya kay Wayne. Nakakahiya naman kung ipagpaliban ko 'to.
"Urgent daw po kasi Ma'am Autumn. Pasyensya na po, napag-utusan lang po ni Madam Divine," Paumanhin naman ni Stella, wala na akong nagawa kundi ang sundin na lang ang iniutos ni mommy. Siguro ay napaka-importante ang sasabihin nila ni daddy. Mas importante pa kay Wayne kaya napagdesisyonan ko na icancel ko na lang ang appointment ko kay Wayne.
Tuluyan ko nang binaba 'yong telepono at napabuntong-hininga na lang ako. Pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa para matapos ako ng maaga.
Ano kaya ang sasabihin ni mommy at daddy sa'kin? Hindi ko maiwasang isipin dahil nakaramdam ako ng kaba. Siguro tungkol lang sa ibang bagay o di kaya may panibagong partnership na naman.
Tuluyan ko nang binaling ang aking atensyon sa pagperma ng mga papeles. Malalaman ko rin naman mamayang gabie 'yong totoo.
BINABASA MO ANG
Hiling ng Damdamin [ COMPLETED ]
General FictionIsang kahilingan na sana'y tuparin. Gagawin ang lahat upang makamit lang ang mithiin. Ngunit, aanhin mo naman ito kung ang ang nakatadhana sayo ay hindi na puwedeng bawiin? Anong gagawin mo? Kung ang taong para sayo ay unti-unting maglalaho? Haharap...