AIDEA POV
Maaga akong nagising kahit tinatamad akong tumayo. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos laging bumabalik yung imahe ng bwisit na lalaki na yun. Naligo na ako baka malate pa ko sa school. My god, I hate monday. Papunta na sana ako sa cr nang mag-ring ang phone ko. Hindi ko na sana sasagutin pero naisip ko baka importante. So I decided to answer it.
"Hello? Who are you? Ang aga aga mo naman mambwisit, ano bang kailangan mo?!" sigaw ko sa tumawag hindi na kasi ako nag abala na tingnan kung sino yung caller.
"Hoy best ang aga aga ang init ng ulo mo. Ano ba nangyayari sayo? Ano may topak ka na naman ba?" My god si Cris lang pala, ano ba kailangan nito?
"Why did you called me?" tanong ko nalang. Kahit kelan ang daldal talaga niya.
"Highblood ka na naman dyan Early in the morning. Bad mood ka? May topak ka na naman ba? Iniwan mo kaya ako kahapon." nagtatampong sabi nito. Feeling ko nakanguso pa yan. Hobby na talaga niya yun. Oo, sa sobrang inis nakalimutan kong wala palang dalang car si Cris.
"Im sorry best, nawala na sa isip ko. Sino sumundo sayo? Tanong ko.
"Ah, nagpahatid nalang ako sa driver ni Tito. Dun na nga ako pinapatulog kaso sabi ko may pasok tayo bukas." paliwanag niya. Buti naman ligtas siyang nakauwi.
"Ok bye na see you later. Take care." Paalam ko dahil kapag nagtagal pa ang usapan namin siguradong malalate ako.
"Ok bye best."sabi niya pagkatapos ng tawag ay bumaba na ako ng hagdan. Im hungry hindi ako nakakain ng ayos kagabi. Aahh..!! Pag naaalala ko yun sumasakit ang ulo ko. Pagkababa ko wala akong nadatnan na pagkain. Usually ganitong oras may pagkain na ah. Nasaan ba si yaya?
"Yaya! Bakit wala pang pagkain? My god! Ano bang pinaggagawa mo? Ano, tutunganga ka lang diyan? Bigyan mo nalang ako ng kape! Lakad, ano ba! tatanga tanga ka talaga kahit kelan!" Sigaw ko sa katulong namin. Wala na sira na talaga ang araw ko. Mayamaya dala na niya ang kape at dahil tanga nga siya natisod siya at ang landing? Sa legs ko.
"Fuck! Are you crazy?! Aahhh! Lumayas ka nga sa harapan ko!Kahit kelan talaga ang tanga mo!" Tumayo ako at kinuha yung tirang kape sa tasa at tinapon ko sa kanya. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng natapunan ng kape. Pagkatapos kong gawin yun umakyat na ako sa kwarto ko at nag ayos para pumasok. Kung mamalasin ka nga naman talagang ang ganda ng araw na to.
CLOUD POV
Kanina pa ako nakatambay dito sa coffee shop. Tinawagan kasi ako ng kaibigan kong si Ivan Gabriel. Kanina pa din ako naiilang dahil kanina pa panay ang tingin sakin ng mga tao dito. Nakakahiya tuloy. Mayamaya may narinig akong bumulong.
"Ang gwapo naman ng guy!" Bulong ng babae na naka-mini skirt. Kaunting galaw nalang may makikita na.
"Oo nga. Sana magka-boyfriend din ako ng kagaya niya." hay mangarap kayo girls. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng kulang nalang ibenta ang katawan. Ang tagal naman ni Ivan. Saan ba nagsususuot tong lalaki na to? Nambabae na naman ata. After a while,
dumating din ang ungas. Tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako."Hey, dude kanina ka pa ba dumating? Tanong ni Ivan bago umupo at tinawag ang waiter.
"Oo dude. kanina pa ako naiinip balak ko na nga mag walkout sa date natin eh". Kunwari nagtatampo ako. Ppff.. Mayamaya may lumipad na tissue. Hahaha nainis na ata.
"Siraulo ka talaga sa tingin mo papatulan kita.? Mas preferred ko ang magaganda at sexy na babae. And for your information may girlfriend ako. " mahabang paliwanag niya. Oo na siya na may Laureen Ramirez. Sabagay parehas naman silang mayaman at may maipagmamalaki. Hindi katulad ko sa eskwater lang nakatira. Raket lang ng raket para makakain at makapag-aral. Mabuti nalang may kaibigan akong kagaya ni Ivan. Natulungan niya akong makapasok sa isang University. Kaya kahit papaano kaunti nalang ang gastusin ko. Bumalik ang diwa ko ng magsalita siya.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.