epilogue

3.7K 40 19
                                    

AIDEA POV

I stare in my luggage. Ngayon ang flight ko papuntang Canada. Bagong lugar bagong buhay. Mamimis ko ang lugar na to. Dati wala naman akong pakialam dun. Ngayon, pakiramdam ko ang laki ng mawawala sakin once na lumabas na ako ng kwarto ko. Gustuhin ko man na tawagan si Cloud hindi ko ginawa. Kailangan ko tong gawin para sa sarili ko. Parehas kami ni Ivan na nagparaya. Kung mananatili ako dito mas masasaktan lang ako. Kapag lumayo ako malayo na din ako sa sakit. Sana maging masaya silang dalawa. Yun naman ang gusto ng lahat ng mga nagmamahal diba? Ang maging masaya ang taong mahal nila. Hindi ko namalayan na naglandas na ang mga luha sa pisngi ko. Pain. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko hinahati ang puso ko sa dalawa. Ang dami ng nasaktan. Si Cris na bestfriend ko. Na wala na mang ginawa kundi ang magmahal lang. Si Ivan na minahal ako ng sobra pero nagawa kong saktan. Si Cloud na alam kong sobrang nahihirapan sa sitwasyon. Si Cloud na mahal na mahal ko. Si Cloud na unti unti ko na palang minamahal. Si Cloud ang nagparamdam sakin na hindi mahalaga kung mayaman ka o mahirap basta alam mong wala kang tinatapakan maging masaya ka lang. Na hindi lahat ng bagay makukuha mo. Palaging may kulang. Sabi nga nila. Walang perpekto sa mundo. Yes. Lahat ng bagay nakukuha ko. At ang kulang sakin ay SIYA. I sighed. Nagulat ako nang may kumatok sa pinto at bumukas yun. Nakita ko si Kuya Aideo.

"Are you ready?" tanong sakin ni kuya. I sighed. Then tumango ako. Kinuha na niya yung mga maleta ko at hinila palabas ng kwarto. Sa huling pagkakataon nilibot ko ang kwarto ko. Ngumiti ako at lumabas na ng kwarto. Sumakay na ako sa kotse ni kuya. Habang nagdadrive siya. Nakatingin lang ako sa labas. Sinasariwa lahat ng makita ko. Biglang nagsalita si kuya.

"Dont worry princess. Malalampasan mo din yan." sabi niya saka pinisil ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa labas.

I hope so.

Hindi ako aalis ng hindi nagpapaalam,

Malayo man ako
Mananatili ka sa puso ko.

Cloud Reyes.

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon