Aidea pov
Sumakay na ako sa kotse ko. Nagtext na sakin yung isa kong classmate. Don't ask me paano nila nalaman number ko. Hindi ko din alam. Maybe sa files. Shit!! Traffic pa. Buti nalang may alam akong short cut. Wait. Parang kilala ko siya?? Si cloud. May kasama siya. I think kapatid niya. Kamukha niya kasi. Ang cute niya. Naglalakad lang sila?? Eh layo pa ng bahay ng classmate namin.!! Nang malapit na ako sa kanila bumusina ako. Nakita ko na napatalon sila parehas. At dahil good mood ako ngayon, balak ko na silang isabay. Kaya binaba ko na yung window.
"Need a lift?" tanong ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako parehas. May mali ba sa sinabi ko? Mayamaya kinabit nung bata si Cloud. Kaya napatingin siya dito. Tapos umiling. Wow. So tatangihan niya ang alok ko? Don't try. Dahil hindi ako papayag.
"Hop in. Malayo pa ang bahay nang classmate natin mula dito. Kaya sumakay na kayo. And you little girl. What is your name?" sabi ko dun sa bata. Napalingon siya sakin. Nice. Hindi man lang siya natakot sakin. Ngumiti pa siya.
"Ako po si Aisa. Kapatid ni Kuya Cloud." sabi niya sakin ng nakangiti. Ang gaan ng loob ko sa kanya.
"I see. So pasok kana mukhang walang balak sumakay ang kuya mo. Gusto ata niya mag alay lakad." sabi ko sa kanya at nginisihan ko siya. Nakita kong kumunot ang noo niya. Sumunod sakin ang kapatid niya kaya pumasok narin si Cloud. Papasok din pala ang dami pang arte. Wala pang humihindi sakin. Lahat nakukuha ko. Kahit sa mga simpleng bagay na kagaya nito. Pinaandar ko yung sasakyan. Mayamaya kinalabit ako ng kapatid ni Cloud.
"Ate. Anong pangalan mo?" tanong niya sakin. Ang cute niya.
"Aidea Dela Cruz. You can call me ate Dea." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sakin.
"Ilang taon kana Ate Dea?" tanong niya ulit.mukhang madaldal siyang bata.
"20 na ako." sagot ko ulit. Actually, mabilis ako mairita sa mga madaldal. But pagdating kay Aisa hindi ko magawang mairita. She looked innocent. And bubbly.
"Ah, so magkaedad lang pala kayo ni kuya? May boyfriend ka na ba?" tanong niya ulit. Hindi ko pinahalata na nagulat ako. Biglang sumigaw si cloud.
"Enough!! Aisa. Tama na ang tanong daig mo pa ang reporter." saway niya kay Aisa. Tumahimik naman siya. Ilang minuto lang nakarating na kami. Bumaba kami ng sasakyan. Sinalubong kami ng iba pa naming kagroup mates. Inaya nila kami na pumasok na. Pumuwesto kami sa may sala. Nilabas na nila yung mga laptop nila. Napansin kong tahimik lang silang magkapatid. Hinayaan ko nalang. Nagsimula na ako magtype. Nangagalahati na ako ng may part na hindi ko maintindihan. I need a book. So nagtanong ako kung sino ang meron.
"Sinong may dalang book?"tanong ko. Nagangat nang ulo si Cloud.
"Meron ako." sabi niya. At dahil malayo ako si Aisa ang nagabot sakin. Tapos umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang siya. Kaya pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Minutes passed. Nakaramdam ako ng uhaw kaya tumayo ako.
"Tapos ka na?" biglang tanong ni Cloud.
"Oo." sagot ko.
Lumapit siya sa laptop ko. Pumunta na ako sa kusina at binuksan yung ref. Nakialam na ako. Paki ko ba kung hindi ko bahay to. Ako naman ang magluluto. Mayamaya nakita ko si Cloud nakasandal sa pader. Anong drama nito? Edward Cullen lang ang peg? Tss. Mayamaya nagsalita siya.
"Magluluto ka?" tanong niya. Hindi ba obvious? Nasan ba ang utak ng taong to. Kung meron man. Hundi ko nalang siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Lumapit siya sakin.
"Ako na. Tutulungan na lang kita." sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kumuha nalang ako ng bowl. Balak ko magbake. Lumapit siya ulit sakin. Bakit ba ang kulit nito.
"Ano na naman ang kailangan mo? Itatanong mo kung magbabake ko? Yes!" tuloy tuloy kong sabi at kumuha ng harina. Hindi naman ako nahirapan maghanap organize kasi.
"Hindi naman yun yung itatanong ko. Ang itatanong ko kung ano pang hihiwain. Tapos ko na kasi hiwain yung bawang at sibuyas" sabi niya. God!! Nag prisinta siyang magluto tapos hindi naman pala niya alam kung anong lulutuin. Tss.
"Tss. Bakit kasi nakikialam ka hindi mo naman pala alam ang gagawin." inis kong sabi sa kanya.
"Ikaw na nga tinutulungan ang sungit mo pa."nauubos na ang pasensya ko sa taong to.
"Fine! Carbonara ang lulutuin ko. Siguro naman alam mo yan? Now, gawin mo na." sabi ko sa kanya at pinagpatuloy na yung ginagawa ko kanina. Nakita kong nagpainit na siya ng tubig. Then nakita ko yung classmate namin na kumuha ng chips sa drawer.
"Nice. Sarapan niyo ha. And wait. Try nyo din magusap. Sayang nga laway niyo." sabi niya. Binato ko siya ng foil. Sayang nakaiwas!!Sa ulo pa naman sana tatama yun. Hindi na siguro siya nakatiis kaya lumapit na siya sakin.
"Ah, nga pala. Bakit hindi mo kasama si Cris?" tanong niya. Ako ang nasa harap niya iba ang hinahanap niya?? God!! Anong sinabi ko? Erase!!
"May sakit siya. Kaya hindi siya makakapunta." sagot ko sa kanya. Gutom na ata ako. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko.
"Kaya pala. Ahm, gusto ko sana humingi ng sorry sa nangyari sa party. Hindi ko naman sinasadya gusto ko lang naman makipagkilala." nahihiyang sabi niya.
"Okay lang. Matagal na yun kaya hayaan mo na." sabi ko sa kanya nang hindi tumitingin. Alam kong nakatitig siya sakin kaya tinaas ko yung ulo ko.
"Wala ka bang balak tignan yung niluluto mo?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi nakulo yun. Agad naman siyang tumakbo papunta sa stove. Natisod pa siya. Kaya hindi ko naiwasan na tumawa. Pagkatapos niyang mailuto yung carbonara ako naman ang kinulit niya. Panay ang tanong kung anong flavor na ginagawa ko. Kung may toppings daw. Kung lalagyan daw ba ng icing. Nung nagsawa siya. Ako naman ang pinagdikitahan. Mahilig daw ba ako sa chocolate. Hindi ba halata? Hayy, sumasakit ang ulo ko sa kanya. Mayamaya sumeryoso siya.
"So pwede ba tayo maging friends?" seryoso ba siya? Sa tingin ba niya matatagalan niya ang ugali ko.? Malabo yun.
"Are you serious? Hindi ka tatagal sa ugali ko. Kaya kung ako sayo wag mo na ituloy. " sabi ko sa kanya.
"Try me." sabi niya sakin. Napabuntung hininga na lang ako. Bahala siya sa buhay niya. Feeling ko lagi lang kami magaaway nito.
"Fine. Pero walang sisihan." paalala ko sa kanya. Hinanda ko na yung mesa para makakain na kami. Habang nagaayos si cloud pumunta ako sa sala at tinawag na sila. Hinanap ko si Aisa. Nakatulog na pala siya. Ginising ko na siya para makakain. Habang kumakain kinukulit ako ni Cloud. Gustong gusto na niya kumain ng cake. Sabi ko mamaya. Pati yung mga kasama namin naiinis na din. Tapos sasabihan niya lang ng wala kayong paki. My god! Dinaig pa niya ang babae sa kulit! Si Aisa naman tawa lang tawa. Ganun na daw talaga yun. Pagkatapos namin kumain kinalabit na naman ako ni Xloud. Alam ko na kung bakit kaya nagpunta na ako ng kusina at kinuha yung cake sa ref. Nang makita niyang dala ko yun kinuha niya agad sakin at naghiwa.
"Ang sarap! Dea pwede ka ng magtayo ng Cake Shop." sabi niya sakin. If I know bolero tong tao na to. But for me. Ang sarap pala sa feeling na may nakaka appreciate ng gawa mo. Kumain narin yung iba. Pagkatapos since tapos na namin yung research nagsiuwian na kami. Late na rin eh. Biglang lumapit si aisa sakin.
"Ate, uuwi kana po?" tanong niya sakin. Bakit kaya niya tinatanong.?tumango lang ako sa kanya. Tapos nginitian niya lang ako.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.