IVAN POV
Pagkarating ko sa unit ko. Nagulat ako ng may marinig akong maingay. Ano yun? Tv? May nakapasok dito? Pero paano? Dahan dahan akong naglakad papunta sa sala. May tao sa sofa. Sa tingin ko babae. Imposibleng si D. Kakahatid ko lang aa kanya. Humarapa ako para makilala ko siya. Nagulat ako ng makita ko si laureen. Shit. Hindi ko pa pala nababago yung pass code ko. Buti na lang at hindi ko pa nasasabi kay D yung pass code ko. Bigla siyang nagulat ng makita ako.
"Ivan. Nandyan ka na pala. Kanina ka pa ba?" tanong niya sakin. Ano bang ginagawa niya dito.?
"What are you doing here?" malamig kong tanong sa kanya. Natigilan naman siya sa ginawa ko. Bakit? Ano bang inaasahan niya? Na matutuwa ako?
"Ah, kumain ka na ba? Nagluto pala ako ng paborito mo." what? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
"Tapos na akong kumain. Umuwi ka na." walang gana kong sabi sa kanya. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Ivan, please wag mo naman gawin sakin to. Wag mo na man akong itaboy na parang wala ako sayo. Ivan. Please naman. Magusap naman tayo. Ayusin natin to." ramdam kong umiiyak na siya. Pero binaliwala ko yun. Hanggat maari iiwasan ko siya. Ayokong magaway kami ni D kapag nalaman niya to. Minsan na siyang nagalit sakin at ayoko ng maulit yun. Kaya hinarap ko siya.
"Tigilan mo na ako laureen. Alam kong mahirap tanggapin. Pero wala na. Tapos na. May mahal na akong iba. Kung mahal mo talaga ako hahayaan mo akong maging masaya sa piling niya." mahinahon kong sabi sa kanya. Ayokong maging harsh sa kanya kahit papano may pinagsamahan parin kami at minahal ko siya. Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Sorry laureen.
"Hindi ko kaya Ivan. Hindi ko kayang makita ka na may kasamang iba. Nasasaktan ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Marami akong pagkukulang sayo. Handa akong bumawi. Lahat ng gusto mo. Kahit mahirap. Wag mo lang gawin sakin to. Nakikiusap ako sayo." kulang na lang lumuhod siya. Naawa ako sa kanya. Ayoko siyang paasahin sa wala. Hinawi ko ang kamay niya.
"Im sorry laureen. Pero hindi ko yun magagawa. Ayaw kong umasa ka sa wala. Kaya please. Hayaan mo na ako." naglakad na ako papasok sa kwarto ng magsalita siya.
"Si aidea ba? Siya ba ang pinalit mo sakin? Ano bang meron sa kanya? Wala namang maganda sa kanya.!! Masama ang ugali niya. Maarte, makasarili, matapobre.at-" hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko na siya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan.
"Wala kang karapatan na sabihin yan sa harap ko!! At lalong lalo na wag na wag mong sasabihin sakin na makasarili siya! Dahil kumpara sa inyong dalawa ikaw ang makasarili!! Ang iniisip mo lang yung kaligayahan mo.!! Umalis kana baka ano pang magawa ko sayo." galit na sabi ko sa kanya. Nanggigil ako sa kanya. Ang lakas ng loob niya. Tumakbo siya palabas ng unit ko. Naglakad ako papunta sa kusina at tinapon lahat ng pagkain sa mesa. Uminom ako ng tubig dahil sumisikip ang dibdib ko sa galit. Nang mahimasmasan ako umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga.
AIDEA POV
Natapos ang weekend ng hindi ako mapakali. Palagi ko kasi naiisip yung nangyari nung friday. Gustuhin ko man ulit na puntahan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Papunta ako ngayon sa class ko ng may marinig akong nagsisigawan sa may canteen.
"God. Siya na ba yan?" sabi ng isang girl.
"Oo noh, mas lalo siyang gumwapo.!!" tili namn nung isa. Sino ba ang tinutukoy nila? Tss. Walang kwenta. Lalabas na sana ako ng canteen kaso pagtalikod ko may nakabangga ako. Shit.
"What the hell!!" itutulak ko na sana siya nang makilala ko kung sino siya.
"Cloud? Is that you?" tanong ko sa kanya. Shit. Kung gwapo siya noon. Mas lalo ngayon. What happened?
"Nagulat ka ba? Ako to. Ano okay ba yung opening ko?" nakangising sabi niya sakin. Parang may iba sa kanya. Inirapan ko na lang siya.
"Really? Konti na lang pwede na magkaroon ng rally dito." nakangising sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman sakin.!! Diba sabi mo ayusin ko yung sarili ko. Ito na nga oh," nagtatampong sabi niya. Kainis. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede. Naglakad na ako para pumasok. Sumabay siya sakin.
"D, date tayo mamaya." napahinto ako sa sinabi niya. Hindi dun sa date. Sa tawag niya sakin. Parehas sila ni Ivan.
"What's wrong?" takang tanong niya sakin.
"Ah, nothing." I said then naglakad na ako. Tahimik ako habang nagtuturo yung prof namin. Nagulat ako ng kalabitin ako ni cris. Kaya napalingon ako sa kanya.
"Nakita mo na ba si Cloud? Ang gwapo niya noh? Aayain ko siya mamaya na lumabas.tingin mo papayag yun" nakanguso niyang tanong sakin. Binaling ko na lang yung tingin ko sa blackboard. I felt nervous. I dont know. I think because Im guilty. Siniko niya ako.
"Hoy! Tulala ka na naman dyan. Ano? Iniisip mo si Ivan? My god best, ang lapit niya lang oh? Miss mo agad?" di makapaniwala niyang tanong. Ngumiti na lang ako. Nang matapos ang klase inaya ko si cris na kumain bago pumunta sa opisina ni I. Nang makaupo kami omorder na siya. Nang may marinig akong nagsalita sa gilid ko.
"Ang landi talaga niya no? Akalain mo sila na nga ni sir Ivan nilalandi niya pa si Cloud. Di na nahiya!!" sabi ng mga insecure sa gilid ko. Tiningnan naman ako ni Cris. Tinaasan ko siya ng kilay. Lumingon siya sa mga naguusap. Tatayo na sana siya ng hilahin ko yung braso niya.
"Stop. Hayaan mo na sila." tamad na sabi ko. Tiningnan niya ako ng nagtataka. I sighed.
"May sakit ka ba?" lumapit pa siya para kapain ang noo ko. Napailing na lang ako sa ginawa niya.
"Wala akong sakit. Its just that na naisip ko lang nakakapagod din makipagaway." walang gana kong sagot. Tumango naman siya. I want to ask her but iniisip ko baka magalit siya.
"Can I ask you some questions?" I said. She nodded.
"Your weird. Pero ano ba yung tanong mo?" nakakunot niyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Kung sakaling may gusto ako kay Cloud, okay lang ba sayo?" I asked. Okay. Ang kapal ng mukha ko. But I want to know.
"Are you kidding me?" tanong niya sakin. Nagiwas ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa pagkain ko. Nagulat ako ng magsalita siya.
"Wala naman akong magagawa kung talagang ikaw ang gusto niya.pero tatapatin na kita. Kung sakaling mangyari man yung sinasabi mo masasaktan ako ng sobra. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto diba? Wag ka sanang maoffend sa sasabihin ko sayo ngayon. Lahat na ng bagay na sayo. Kung tutuusin wala ka ng mahihiling sa buhay. Kung sakaling humiling ako sayo ngayon tutuparin mo ba?" alam kong seryoso siya sa sinasabi niya so I nodded.
"Alam mo naman na gagawin ko yan basta kaya ko. Totoo yun. At alam ko kung ano yun. Natawa siya ng mahina tapos huminga ng malalim. I saw her crying so napatayo ako bigla.
"Oh, shit. Cris. What's wrong?" worried kong tanong. Ngumiti naman siya ng pilit.
"Nothing, Im just happy and overwhelmed." she said. Kahit naguguluhan ako hinayaan ko na lang.CRIS POV
Nang narinig ko yun kay Dea sobrang natuwa ako. At the same time nalungkot. Ang mas malala nasasaktan ako. Nasasaktan ako na malaman na ang taong mahal ko may mahal na iba. Ang hirap pala talaga. Lalo na bestfriend ko pa yung karibal ko sa puso niya. Minsan naiingit ako, kasi nasa kanya na talaga lahat. Alam mo yung pakiramdan na natutunaw yung galit mo lalo na kung ginagawa niya lang yun para sayo. Kahit alam ko yun hindi ko parin maiwasan na magalit. Ngayon hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Ang bestfriend ko o ang taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.