CHAPTER 29

1.2K 16 0
                                    

CLOUD POV

Nagdadalawang isip ako kong pupunta ba ako sa school. Ano ba kasing meron. Kainis. Sige na nga pupunta na lang ako. Pagkatapos kong magayos lumabas na ako ng  bahay. Hindi na muna ako papasok ngayon. Nang makarating ako sa school dumeretso ako sa gym. Napansin kong dim light yung ilaw. May napansin akong mga tao na nakapalibot sa gilid. Anong meron dito? Naglakad ako papunta sa likod ng stage. Madami akong nakitang mga tao. At lahat sila may kanya kanyang ginagawa. Nakita ko si Ivan sa may sulok kaya lumapit ako sa kanya. Nagsasalita siya magisa. Napano to?

"Dude! Anong nangyayari sayo? Nabaliw ka na ba?" tanong ko sa kanya. Kung ano ano kasi sinasabi niya. Mahina kaya hindi ko maintindihan. Mukhang nagulat siya hindi siya nakapagsalita agad.

"What are you doing here?" tanong niya sakin.

"Pinapunta ako dito ni cris. Nagtataka nga ako eh. Ano bang meron?" nagtataka kong tanong. Napailing naman siya sa sinabi ko. Tumayo siya at tinapik ako sa balikat.

"Nice dude. Tama lang ang dating mo. I need support." nakangiti niyang sabi sakin. Magtatanong pa sana ako ng biglang sumulput si cris. Ngumiti siya ng makita ako.

"Ah, cloud buti naman nakarating ka ngayon." nakangiti niyang sabi sakin.

"May okasyon ba? Wala naman akong maalala ma event ngayon." I heared Ivan chuckeled.

"Malalaman mo din mamaya. Dapat masaksihan mo to kasi kaibigan ka na rin ni Dea." masaksihan? Dea? So meaning nandito siya? Inikot ko yung paningin ko kailangan ko ng clue. Napatingin ako dun sa may lamesa. I saw a bouquet of red roses and a small box. Nanginig yung mga tuhod ko. Hindi ko matanggap yung naiisip ko. Dont tell me magtatapat na siya kay Dea? Fuck. Naninikip yung dibdib ko. Pero hindi ako nagpahalata kaibigan ko si Ivan kaya kahit nahihirapan ako mas pinili kong magstay. Isa pa magtataka siya kapag umalis ako. Mayamaya umalis na si cris. Narinig kong nagplay yung music. Naglakad si Ivan sa may gilid para silipin yung nangyayari sa labas. Sumunod ako dun. Nakita kong may tao sa labas ng gym. Kahit hindi ko lapitan alam kong si dea yun. Tindig palang niya, hakbang palang niya, kilalang kilala ko na. Ganun talaga siguro kapag mahal mo. Unti unti nakita ko siyang naglalakad papasok sa loob. Nilibot niya yung paningin niya. Siguro naghahanap siya ng idea sa nangyayari. Hanggang sa bumaba yung tingin niya. Kahit hindi ko nakikita alam ko na ang reaksyon niya. Narinig ko na yung boses ni cris kumakanta ng The gift. Shit. Mukhang alam ko na yung mangyayari. Naunahan na pala ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba ako? O magagalit. Basta ang alam ko ngayon, sumisikip yung dibdib ko habang nakikita kong papalapit si dea sa stage. Malapit ng matapos yung kanta na hindi ko naman masyado naintindihan dahil nasa dalawang tao lang yung paningin ko. At ang naririnig ko lang ngayon ay yung lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ng malalim si Ivan.

"This is it." sabi niya habang yung kamay niya nasa loob ng bulsa niya. Bago siya maglakad nahawakan ko siya.

"Aayain mo na ba siyang magpakasal?" stupid question.! Peri yun agad ang pumasok sa utak ko. Tumawa siya.

"Dude. Girlfriend lang. Ikaw naman masyado kang exited. Dont worry bestman kita kapag nangyari yun." anak ng tinapa!!! Nakukuha niya pa talagang magbiro? Tinapik niya yung balikat ko at naglakad na siya papunta sa may stage. Ako naman parang napako dito. Nang bumalik na ako sa katinuan ko timakbo ako papunta dun sa harap.

CRIS POV

Ang sarap pala sa pakiramdam ng kumakanta ka para sa bestfriend mo. Naiiyak tuloy ako. Nung nakita yung reaksyon niya nung tinaggal niya yung blindfold gusto ko siyang batukan. Haha priceless kasi yung itsura niya. Malapit na aking matapos sa pagkanta. After nito lalabas na si Ivan. Sana tanggapin ni dea yung iaalok niya. Im so very happy para sa bestfriend ko. Finally, mararamdaman na niya yung pakiramdam ng mahalin. Maranasan na rin niya yung mga kakornihan ko. Sana magtagal sila kung mangyayari man yun. Pagkatapos ko kumanta ngumiti ako at bumaba ng stage siya namang paglabas ni Ivan. Goodluck.

AIDEA POV

pinakikinggan ko lang yung pagkanta ni cris. May part na masaya ako. May part na nasasaktan ako. Lalo na nung nakita ko si cloud na nasa gilid ng stage. Pagkatapos kumanta ni cris bumaba na siya at tumakbo sa gilid. I saw cris na niyakap niya si cloud. Sumikip yung dibdib ko. Sila na ba? Tss. Stop dreaming dea. Si cris ay para lang kay cloud and me? For Ivan. I saw him na lumabas galing sa back stage. Nasa gitna ako ng gym. Nagaabang sa mga susunod na mangyayari. What I gonna do? Please give some clue. Kinuha ni Ivan yung mic at huminga ng malalim. Gustong gusto kong tumingin sa pwesto nila cris at cloud. But pag ginawa ko yun, Im sure magbabago yung isip ko. Oo. Nakapagdecide na ako. Para sa kaibigan ko gagawin ko to. And besides mahal ko rin naman si Ivan hindi nga lang katulad ng kay cloud. Im sorry cloud. I knowbkung gaano ka nasasaktan ngayon. Bakit kasi pumunta ka pa dito? Pinipigilan ko yung sarili ko na umiyak. Nagulat ako ng biglang magsalita si Ivan sa harap.

"Ah, nagulat ka ba? Na surprise? Pasensya ka na kinakabahan kasi ako ngayon." ha said. Tapos napakamot siya sa batok. Gusto kung matawa. Pero pinigilan ko lang.

"First off all, salamat cris kasi pumayag ka na kumanta para sakin." then tumingin siya sa gawi nila sa baba. Nag thumbs up lang si cris. Tumingin din siya sakin at ngumiti. I smiled back then binalik ko yung tingin ko kay Ivan. Nagsalita ulit siya.

"Dea, sorry. I want to say sorry sa mga nangyari kanina. Please sana maniwala ka sakin. Matagal na kaming tapos. At ikaw. Ikaw na talaga ang gusto ko, or should I say, mahal ko." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Malapit kasi ako sa unahan. Tumulo na yung luha ko. Ito. Ito naman talaga ang gusto ko dati diba? Ang mapansin niya? Ang mahalin niya. Dapat masaya ako. Kasi nakuha ko nanaman ang gusto ko. Pero bakit parang hinihiwa yung puso ko. Like there was a needle inside of it. Lalong umagos yung luha ko. Then biglang nagliwanag may nakita akong mga tao na nakapaikot sa paligid ng gym. May hawak silang malalaking board. Oh my god. Parang hindi na ako humihinga.

"Dea, sa mga panahong nagkasama tayo. Tinuruan mo ako kung paano magmahal ulit. Sayo ko rin natutunan yung pag gusto mo gagawin mo lahat makuha lang atleast kung hindi ka magtagumpay ginawa mo naman ang lahat. Thats the reason why Im here. Sumusugal ako para sayo." shit. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Basta iyak lang ako ng iyak. Nasa bibig ko na yung mga palad ko kasi any moment hahagulgul na ako. Nagulat ako ng biglang may pumutok, mag ilaw, then I realized it was fireworks. Fuck. Hindi ko alam na romantic pala siya. Then nagsalita ulit siya.

"The gift ang napili ko dahil para sakin isa kang regalo. Regalo na iingatan ko at aalagaan ko." sabi niya habang naglalakad pababa ng stage. Ang ganda ng langit. Pinaghandaan niya talaga lahat ng ito. Wala akong masabi nakatulala lang ako sa langit hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Ivan. Napatingin ako sa kanya. Tinitigan niya ako.

"Dea, alam kong mabilis lahat ng pangyayari pero sana maniwala ka sa lahat ng sinabi at sasabihin ko pa." he said. Then sumenyas siya sa mga taong nakatayo sa gilid ng gym. Inayos nila yung board na hawak nila. Napatingin ako sa gilid. I saw cris smiled widely. Then nilipat ko yung tingin ko kay cloud. Sumikip na naman yung dibdib ko. Nakikita ko sa mga mata niya yung sakit, yung galit, panghihinayang, at lungkot. Shit. Sorry cloud pero kailangan ko tong gawin. Kahit walang pagasa maghihintay ako. Mahal kita. Mahal ko siya. Magulo diba. Ewan hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bast ang alam ko, I need to do this. Lumuhod siya sa harapan ko. Fuck. This is it. Tinitigan niya ako sa mata. Then he grabbed my hand.

"Aidea dela Cruz. I love you. Now till the end. And now I ask you." sabi niya tapos biglang umilaw yung gilid ng gym. Bawat letra kaya kitang kita ko lahat ng bawat nakasulat.

"Can you be my girlfriend?" now I heared it. Hindi ko alam pero napahagulhul na ako. Sunod sunod na yung tulo ng luha ko. Napatakip pa ako sa bibig ko. God. Abnormal na ata ako kasi dapat hindi ako masaya ngayon. I mean posible pala to? Posible pala talaga na magmahal ka ng dalawa? Gusto kong tumingin sa gilid pero pinipigilan ko. Because I know if I do that, magbabago ang isip ko. Huminga ako ng malalim para sagutin ang tanong niya.

"Yes. Yes Ivan." sabi ko sa kanya. Lumapad ang ngiti niya at may kinuha sa bulsa niya. Ring. God. Nageffort talaga siya. Sinuot niya yun sa kamay daliri ko at tumayo. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you. I promise hindi mo to pagsisisihan. Gagawin ko lahat mapasaya lang kita." he said while still hugging me. Im happy. Yes I should.

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon