CLOUD POV
Pagkatapos ko mag cr lumabas na ako at nagpunta na ako sa sala para makauwi na kami ng kapatid ko. Nang makarating ako dun nakita ko silang naguusap. Hindi parin ako makapaniwala na close na agad sila ng kapatid ko. Anong ritwal kaya ang ginamit ng kapatid ko para makasundo niya yun.lumapit sakin si aisa at sinabing pupunta daw sa bahay si dea. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko yun. Hindi naman sa ayaw ko siyang papuntahin sa bahay. Kaya lang kasi hindi naman kami sa subdivision nakatira. Normal na lugar lang I mean mayaman siya. Malayo ang agwat namin kaya baka hindi niya magustuhan. Hinatak ko si aisa at binulungan.
"Ano bang sinasabi mo? Nakakahiya. Alam mo naman na hindi kagandahan yung bahay natin. Hindi ka talaga nagiisip. Hindi siya sanay sa mga ganung lugar." sabi ko sa kapatid ko. Kahit kelan talaga hindi siya nagiisip. Anong ipapakain ko dyan? Hindi nga ata to kumakain ng delata eh. Anak ng tinapa talaga! Pero ang tigas talaga ng ulo niya kaya wala akong nagawa natuloy pa din. Nang dumating kami agad akong bumaba. Kinakabahan ako. Baka mamaya magulo yung bahay. Nakakahiya. Kumatok na kami. Pinagbuksan kami ni mama ng pinto. Pinakilala ko si dea kay mama. Pagkatapos pumasok na kami. Nagpaalam lang ako sandali kay Dea para magbihis.pagkatapos ko magbihis bumaba na ako. Nakita ko si Dea na seryosong tumitingin sa mga litrato. Kaya tumabi ako sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Natawa ako sa reaksyon niya. Mayamaya napansin kong nakatitig na siya sakin. Bakit may mali ba sa itsura ko? Then nakita ko siyang namula. Napatingin ako sa damit ko. Bukid sa nakasando ako wala na akong nakikitang mali sa katawan ko. Mayamaya dumating na si Aisa na may dalang isda. Naglakad na ako para iluto yun. Paglingon ko nakita king hinila ni Aisa si Dea paakyat. Ano na naman kaya ang naisipan gawin ng batang to.?hay nako makapagluto na nga lang. Habang nagluluto ako iniisip ko kung anong pinaguusapan ng dalawang yun. Napatingin naman ako sa niluluto ko. Kumakain kaya siya nito? Lalo na tong ampalaya. Naiimagine ko na yung mukha niya. Haha. Nang matapos ako umakyat na ako para tawagin sila. Hawak ko na yung doorknob ng marinig kong naguusap sila.
"Ate, anong tingin mo kay Kuya?"narinig kong sabi ng kapatid ko. Pasaway na bata. Lagi nalang niya ako sinusuway. Kapatid ko ba talaga to? Ampon lang ata to eh. Pero sa kabilang banda gusto ko din naman malaman ang sagot. Narinig kong nagsalita si dea.
"I think mabait naman siya. Makulit siya minsan naiirita na ako sa kanya. Masayahin siya. Yung tipong badtrip ka tapos isang ngiti niya lang okay kana. Kaya lang medyo mayabang." nang marinig ko yung sinabi niya napangiti ako. Napapansin din niya pala ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Narinig ko ulit nagtanong si asungot. Hehe sorry naman.
"Kung sakali na liligawan ka ni kuya. May pagasa ba siya sayo? " yung mabilis na tibok ng puso ko kanina. Biglang huminto. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko.
"I think so. Hindi ko pa siya lubusang kilala. At kung mangyayari man yun sa tingin ko meron naman kahit papaano. Hindi naman siya mahirap mahalin." when I heared that nagtatalon ako. Nakalimutan ko na may plywood sa gilid kaya nauntog ako. Arayy! Kainis. Andun na eh kinikilig na ako eh. Panira ng moment. Habang hinihimas ko yung ulo ko nagulat ako sa narinig ko. May nagugustuhan na siya. Yung kilig ko kanina biglang nawala na parang bula. Hindi pa nga naguumpisa talo na agad. Inayos ko nalang yung sarili ko at kumatok. Hindi ko na hinintay na sumagot sila binuksan ko na agad yung pinto.
"Bumaba na kayo. Kakain na tayo."sabi ko sa kanila. Pagkatapos tumalikod na ako. Naiinis ako sa sagot niya. Mayamaya nakita ko na sila.tinawag na sila no mama para kumain. Nagumpisa na kumain si aisa. Napansin ko na nakatingin lang siya sa pagkain. Ah, mukhang alam ko na. Tinanong ko siya kong okay lang siya. Sabi ko ipagluto ko nalang siya perk mukhang ayaw niya kaya hinayaan ko nalang. Mayamaya tinanong niya ako king among klaseng isda daw yun. Nung narealized ko kung ano yung sinabi niya Hindi ko na napigilang tumawa. Hahaha. Any sakit ng tiyan ko. Naasar na at a siya. Binatukan ba naman ako. Aray ha! Pasalamat siya babae siya. Saang lupalop ba to nanggaling? Inaasar ko nalang siya. Pikon eh.
"Oo na ikaw na may alam. Ano ba kasi yan? Kinakain ba talaga yan?" Nakakunot pa ang noo niya. Pinipigilan Kung tumawa. Sinabi ko nalang kung anong klasing pagkain yung nasa harap niya. Tapos kumain na ako. Napansin Kong nakatitig parin siya. Ano bang problema nitong babae na to.?
"Wag mong titigan yan. Kumain na tayo. Gutom na ako" sabi ko sa kanya. Daming arte ng babae na to. Hirap sa mayayaman eh puro imported lang alam. Sinandukan ko nalang siya ng kanin at ulam tapos kumain na ako ng nakakamay. Nakita ko siyang namamangha. Ano ba naman yan Hindi ako makakain ng maayos! Ang kulit ng babae na to. Sabi niya turuan ko daw siya kung paano kumain ng nakakamay. Sabagay sanay to sa kutsara at tinidor. Para makakain na kami tinuruan ko nalang siya. Natatawa ako sa kanya Hindi kasi niya madampot yung kanin. Nahuhulog lang palagi. Ang dungis narin niya. Kaya tawa kami ng tawa. After so many years natapos din kami. Masyado ng late kaya umuwi Marin siya. Hindi na nga siya nakapagpaalam Kay mama. Nang makaalis siya umakyat na ako sa kwarto ko. Hang makaupo ako naalala ko nanaman yung mga nangyari kanina. Hindi ko namalayan nakangiti na ako. Possible ba? Possible ba na magkagusto agad sa isang tao? Love at first sight. Tss. Hindi naman ako naniniwala dun. Pero pano kung possible nga? Bahala na.
Aidea Pov
Nagising ako ng tumunog yung alarm clock ko. Bumangon na ako para makapagayos. I'm going to Cris house again. Dadalawin ko ang lukaret na yun. When I'm done bumaba na ako ng hagdan para makapagalmusal. Tinawag ko yung maid.
"Yaya, igawa mo ko ng soup." Utos ko sa kanya. Bigla naman nagsalita si Kuya.
"Para kanino?" Tanong ni kuya.
Ngumiti ako sa kanya. "Kay Cris. "
Tumango lang si kuya sakin. Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako Kay kuya. I kissed him sa cheeks. Then I left. Sumakay na ako as kotse nang makarating ako agad akong pumasok at umakyat sa taas. I saw her watching tv. Then lumapit ako at tumabi sa kanya."Hey," pagagaw pansin, ko, rito. Nagulat pa siya ng makita niya ako.
"Kanina ka pa ba dyan?" Napailing na lang ako sa kanya. Nilabas ko nalang yung dala kong pagkain.
"You came here just to feed me?" What kind of question is that?
"Nawala lang ako ng isang araw ang weird mo na. Kumain kana nga papasok pa ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin. I know what's the meaning of that smiled. Na touch yan. Kumain lang siya ng tahimik.
"Kamusta kana? Makakapasok kana ba bukas?" I asked her.
"Yes. I hope so. Thank you bestfriend. Your the best." Sabi niya sakin.
"Let's stop this drama. I have to go. Just call me If you need me okay?"sabi ko sa kanya. Kailangan ko ng pumasok. Tumango lang siya. The way I looked at her I know she is not yet okay.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.