Aidea pov
Nagmamaneho ako ngayon papaunta sa bahay nila cloud. Kaya pala tinanong ako ni Aisa kung uuwi na ako.
Flashback"Ate, uuwi kana?" tanong sakin ni aisa. Tumango lang ako. Ngumiti naman siya.
"Ate pwede ka ba pumunta sa amin? Hindi kasi tayo nagkapagbonding kanina." sabi niya sakin nang nakayuko. Ang cute niya talaga. I dont know why? Pero pumayag na din ako. Mayamaya dumating na si cloud.
"Kuya, pupunta satin si Ate Dea!" sigaw ni aisa. Parang nanigas naman si Cloud sa kinatatayuan niya. What's wrong?? Bawal ba bumisita sa kanila? Nakita kong hinatak ni Cloud yung kapatid niya. Parang nagaaway ata sila. Tapos biglang nag walkout si Cloud. Lumapit siya habang nagkakamot ng batok
"Dea, ano kasi, hindi naman sa ayaw ka namin papuntahin sa bahay. Kaya lang kasi.. ano..alam mo na? Mahirap lang kami baka hindi mo magustuhan yung lugar. Alam mo na masikip." tapos alanganin siyang ngumiti sakin. Nung sinabi niya yun parang ayaw ko na talaga tumuloy.naiisip ko palang yung lugar may naiimagine na ako kaya lang nung nakita ko si aisa na naghihintay ng sagot ko naawa naman ako. Kaya pumayag parin ako. Bahala na. Hindi naman siguro ganun kasama yung lugar nila.
End of flashback
Kaya nandito ako ngayon. Nang matapat kami sa may gate na red pinahinto niya ako. Siguro dito na yun. Bumaba na kami. Hinawakan ako ni aisa sa kamay at naglakad na kami papunta sa pintuan. Kumatok si cloud. Mayamaya may nagbukas ng pinto. Isang magandang babae. I wonder kung gwapo din yung papa niya.
"Oh, cloud. Andyan kana pala.ah, mukhang may kasama ka.?" sabi ng mama niya nung makita ako.
"Ah, mama si aidea po. Classmate ko." pakilala sakin ni cloud. Ngumiti ako sa mama niya
"Hello po. Nice to meet you po tita."sabi ko sa mama niya. Mukha namang mabait mama niya. Pagkatapos pinapasok niya kami sa loob. Ayos naman yung bahay nila. Kahit maliit lang malinis naman. Kumpleto naman sa gamit. Hinanap ko si aisa. May binili lang daw sabi ni cloud.
"Akyat muna ako. Magbibihis lang. Okay ka lang ba dito?"tanong niya sakin.
"Okay lang ako. Parating na rin naman si aisa." sabi ko sa kanya. Habang wala pa si aisa naglibot muna ako. May nakita akong frame si cloud ata to nung bata pa siya. Ang inosente naman niya dito. Hindi halatang mayabang. Nagulat ako ng may tumabi sakin.
"God!! Cloud papatayin mo ba ako sa gulat??" sabi ko sa kanya. Grabe naman kasi. Tumawa lang siya ng tumawa. Kainis. Pinagmasdan ko lang siya. Ang cute niya tumawa. Lumalabas yung dimple niya sa pisngi. Medyo singkit yung mata niya. Bagay sa kanya yung buhok niya. He had a red lips. Dumako naman yung mata ko sa katawan niya. Nakasando lang siya pero bakat yung abs niya. God! What's happenning to me.? Biglang uminit yung pakiramdam ko. Ramdam ko ding namumula yung mga pisngi ko. Kaya tumalikod na lang ako. Calm down dea. Mayamaya dumating na si aisa may dalang isda I think. I mean oo isda. But hindi ko alam kung anong klaseng isda. In short hindi ko kilala. Bigla akong hinila ni aisa paakyat sa taas. Pumasok kami sa isang kwarto. Nilibot ko yung tingin ko. I think its cloud's room. Base sa itsura ng kwarto. Tinanong ko si aisa kung bakit kami nandito.
"Wala lang, gusto ko lang ipakita sayo yung room ni kuya. Atsaka may gusto sana akong itanong sayo ate kung okay lang." sabi niya. Then umupo siya sa kama. Umupo nalang din ako.
"What question is that? Sabihin mo na basta yung madali lang ah." nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango naman sabi siya at ngumiti. Umayos siya ng upo at nagsalita.
"Ate, anong tingin mo kay kuya?" nagulat ako sa tanong niya. Napaisip din ako sa sinabi niya.
"I think mabait naman siya. Makulit siya. Minsan nga naiirita na ako sa kanya. Masayahin siya. Yung tipong badtrip ka tapos isang ngiti niya lang okay kana. Kaya lang mayabang." sabi ko sa kanya. Nakangiti lang siya sakin.
"Kung sakali ba ligawan ka ni kuya may pagasa ba siya sayo?" muntik na akong mahulog sa edge ng kama nung sinabi niya yun. Bigla akong namula. Kaya tumayo ako at nagkunwaring nagiisip. Ano bang dapat kung sabihin? Mas dapat sabihin yung totoo. Kaya humarap ako sa kanya.
"I dont think so. Hindi ko pa siya lubusang kilala. At kung mangyayari man yun, sa tingin ko meron naman kahit papano. Hindi naman siya mahirap mahalin." sagot ko sa tanong niya. Ngumiti lang siya sakin.
"Ikaw ha, ang bata mo pa pero yan na agad ang nasa isip mo." sabi ko sa kanya. Mga bata talaga.
"Ate last na.may nagugustuhan ka na ba?" sa sinabi nyang yun I remember Ivan.
"Yeah, but I dont know if he likes me too. Buts its okay. No big deal." sabi ko kay aisa. Napansin kong lumungkot yung mata niya. Biglang may kumatok sa pinto at bumukas. Si cloud pala. Tiningnan niya lang ako pagkatapos tumingin naman siya sa kapatid niya.
"Kakain na tayo. Bumaba na kayo. " bakit parang ang sungit niya ngayon? Okay naman kami kanina ah. Pababa na ako ng marinig kong tumunog phone ko. Si kuya deo pala.
From:my prince
Were are you? Im worried.
Si kuya talaga. I replied to him.
To:my prince
Im okay. Im here in my classmate house. Take a rest. Im fine.
Pagkatapos ko magtext bumaba na ako. Nakita ko sila nakaupo na. Tinawag ako ng mama ni cloud.
"Iha, halika na kumain. Pasensya na kung ito lang ang meron kami." sabi sakin ng mama niya. Tiningnan ko yung mga pagkain. My god! Ano to? I dont know what to say. Ayoko naman na sumama yung loob nila sakin. Ako na nga ang nakaabala. Nung napansin ni cloud na hindi ako kumakain tinanong niya ko.
"Are you okay? Ayaw mo ba ng pakain? Gusto mo ipagluto kita ng iba? " agad naman akong umiling. Ngumiti lang ako.
"Ah. Wag mo sana masamain cloud is that a fish?" tanong ko kay cloud. Tiningnan niya lang ako at biglang tumawa ng malakas. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Din n naman ako kay aisa halatang nagpipigil siya ng tawa. Is there anything wrong? Napansin kong wala na yung mama ni cloud kaya tumayo ako at binatukan ko siya.
"Aray!!! Ang sakit nun ah. Ang brutal mo talaga. Masama bang tumawa? Eh halos lahat ata ng tao sa mundo alam kung anong klasing isda yan. Ikaw lang hindi." sabi niya sakin. Kaya binatukan ko ulit siya. Kainis na to. Oo na ako na ang walang alam. Malay ko ba no. Hindi naman kasi ako namamalengke.
"Oo na ikaw na may alam. Eh ano ba kasi yan? Kinakain ba talaga yan?" tanong ko ulit sa kanya. Ang creepy kasi ng itsura. Si aisa naman nakain lang at malapit na siya matapos! Poor me.
"Malamang. Kaya nga andyan sa harapan mo diba? Galunggong ang tawag dyan. Ito naman ginisang ampalaya. " paliwanag niya sakin. What gunggung?? May isda bang ganun? I looked at tha other side. May nakita akong gulay I think. Ginisang ani daw? Its looked like a grass. Sheez.
"Wag mong titigan yan. Kumain na tayo gutom na ko." sabi niya tapos umupo na ulit siya. Inabot niya sakin yung rice. Kumuha naman ako. Sinandukan naman niya ako gulay at isda. Tapos kumaen na siya. I saw him. Hindi siya gumamit ng spoon and fork. He used his hands. Ang galing! Pano ba yun gawin? Kinalabit ko siya. Kumunot naman ang noo niya. Nakukulitan na siguro siya sakin. Magdusa siya. Quits na kami.
"Teach me. How to do that?" sabi ko sa kanya. Umayos siya ng upo at tinuruan ako. Sa una nahihirapan ako ang daming nahuhulog na kanin. Tawa kami ng tawa ni cloud. Hindi na namin napansin yung oras. Tinulungan ko nalang siya magligpit. Nang matapos kami nagpaalam na ako.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.