CHAPTER 26

1.2K 18 0
                                    

CRIS POV

Pagkatapos ko bumili ng pagkain namin bumalik na agad ako sa upuan namin. Shocks!! Hindi parin ako makapaniwala na nakakausap ko na yung taong gusto ko. Kinikilig ako. Okay heart kalma. Wag ka magpahalata. Ay tanga alam na pala niya.!! Kainis hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Nang malapit na ako biglang tumayo si dea.

"Best, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Cr" maikling sagot niya sakin. Ang weird naman nun. Pagkaalis niya umupo na ako sa inupuan ni dea.

"Problema nun?" tanong ko kay cloud. Nag shrugged lang siya sakin isa pa itong weird. Anong problema ng dalawang ito? May naalala ako kaya nagsalita na ako.

"Ah, Cloud, balita ko may kapatid ka daw, close nga daw kayo sabi ni Dea, totoo ba?" tanong ko sa kanya. Nabanggit niya sakin eh. Ang daya nga eh. Kung hindi ko lang kaibigan yun magtatampo na talaga ako. Pero malaki ang tiwala ko dyan.

"Oo. Magkasundo sila. Bakit?" sagot niya sakin. Kita mo na ang daya talaga inunahan pa ako.!!

"Wala lang, parang gusto ko rin kasi siyang makilala. Pwede ba?" tanong ko ulit. Pero hindi niya ako pinansin.

"Ang sungit mo naman!! Gusto ko lang naman makilala yung pamilya mo." sabi ko sa kanya. Ang damot naman nito. Doon ko kasi balak magsimula. Hehe. Gagawin ko lahat magustuhan mo lang ako.

"Daig mo pa ang mamamanhikan. Ganyan ka ba kadesperado na magustuhan ko?" hirit pa niya. Bwisit talaga.!! Hindi ko maiwasan mamula.!! Pero hindi ako magpapatalo.

"Asa ka naman!! Pero pwede din diba? Advance?" sabi ko sa kanya tapos tiningnan ako.

"Pagiisipan ko pa" sabi niya. Hindi ko namalayan sabay na kaming tumatawa. Hayy cloud. Kelan ka kaya mapapasakin.?

IVAN POV

Nagbabasa ako ng files sa laptop ko ng may pumasok sa opisina ko. Nagangat ako ng tingin para makilala ko kung sino. Nagulat ako ng makita si dea na nakatayo. Mabuti naman at magaling na siya. Pero bakit parang may mali?

"Dea? Are you fine?" nagaalalang tanong ko. Tinitigan ko siya ng mabuti at tumayo. Lumapit ako sa kanya.

"Whats the matter? I know may problema ka. Im here. Spill it." mahinahon kong sabi sa kanya. Niyakap ko siya at hinagod ang  likod niyayaka"Kung ano man ang problema mo dont worry, maayos din ang lahat. " sabi ko sa kanya habang yakap ko siya. Hindi ko alam kung anong dahilan at nagkakaganito siya pero isa lang ang alam ko nandito lang ako palagi para sayo. Nagulat kaming pareho ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko siya. Anong ginagawa niya dito? Bakit pa siya bumalik? Napisil ko ng wala sa sarili yung kamay ni Dea.

AIDEA POV

Were shocked ng may biglang pumasok sa loob ng office ni Ivan. Tinitigan ko lang siya. Matangkad, makinis kagaya ko, in short maganda. Who is she? Mas lalo akong nagulat ng lumapit yung babae at halikan sa lips si Ivan!!!!  How dare she? Natulala si ivan sa ginawa nung girl. Tapos tumingin sakin yung babae. Ikinawit niya rin yung kamay niya sa braso ni ivan. Naningkit yung mga mata ko. Nakita kong napalunok si Ivan at tinulak ng kaunti yung babae. Mukhang naramdaman niya yung tensyon saming tatlo kaya ngumiti.

"Hi. Im laureen. Girlfriend ni Ivan." pakilala niya sakin. What? Girlfriend? But ang sabi sakin ni Ivan wala na sila. So ano to? Sila na ulit? Pero ang hindi ko maintindihan eh bakit parang niinis ako? At ang naiisip kong gawin ngayon ay ang sugurin ang babaeng ito sa harapan ko at sambunutan.!! Lumingon ako kay Ivan at tinaasan siya ng kilay. Nakita kong napalunok siya.

"Dea, let me explain please. Mali yung naiisip mo." sabi niya sakin. Oh, really?? 

"Really? Eh bakit nung sinabi niya yun proud na proud siya.?" tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik nakatingin lang siya sakin na parang nalilito. I grinned. So sila parin pala. So what am I doing here? Tumalikod na agad ako bago pa siya magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko masampal ko siya sa harap ng babaeng ito. Hahabulin ko pa sana niya ako pero inunahan ko na siya. Bwisit.

LAUREEN POV

Finally, Im home. Nasa pilipinas na din ako. Pagkababa ko agad nang eroplano sumakay na ako sa kotse na nagsundo sakin. At dumeretso sa University. Pagkababa ko pumasok agad ako sa opisina niya. There, I saw him hugging someone. Pinagmasdan ko yung babae. Isa lang ang masasabi ko maganda siya. Pero mukhang may ugali. But I dont care lumapit ako kay Ivan at hinalikan siya sa labi. Well, I dont care, magiging akin naman na siya. Tinitigan niya ako tapos lumipat kay Ivan yung tingin niya. Ngumiti ako at ikinawit yung kamay ko sa braso ni Ivan at nagpakilala sa kanya.

"Hi. Im Laureen. Girlfriend ni Ivan." pakilala ko sa kanya. Napansin kong nanigas si Ivan. Bakit? May something ba sa kanila? Well, wala akong pakialam. I saw her na sumama yung tingin niya sakin. Tss. Brat. Hindi na nakatiis si Ivan kaya nagsalita na siya.

"Dea, let me explain. Mali yung naiisip mo" sabi niya dun sa babae. What? Tinanggi niya talaga ako? Ano bang meron sila ng babaeng ito?

"Really? Eh, bakit nang sinabi niya yun proud na proud siya?" sabi niya. Tss. Bitter. Bakit akala mo hahayaan ko na makuha ang taong mahal ko? Never. Nakatingin parin siya. Tapos ngimisi siya at tumalikod na. Hahabulin sana ni Ivan yung babae. Pero mabilis kong hinawakan yung kamay niya. Nang makalabas na yung babae humarap siya sakin at sinamaan ng tingin. What? Anong ginawa ko? Hinablot niya yung kamay niya na hawak ko.

"What are you doing here?" he asked. May diin bawat salitang sinasabi niya. For the first time ngayon lang ako kinabahan sa kanya.

"I told you babalik ako para bawiin ka." its true. Babawiin ko siya.

"Really? Sa pagkakaalam ko matagal ko ng tinapos yung relasyon natin. Kaya wala ka ng babalikan." seryosong sabi niya. Nakikita ko na seryoso siya.

"Hindi mo pa din ba ako napapatawad? Pinagsisihan ko na lahat ng pagkakamali ko. Lumayo ako dahil akala ko you need space. Pero hindi ko na kaya Ivan. Hanggang ngayon mahal pa din kita." nahihirapang sabi ko sa kanya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na umiyak. Lumapit siya nang kaunti.

"Gusto mo malaman ang totoo? Fine! Oo. Hindi pa din kita napapatawad!! Bakit? Akala mo ba ganun kadali yun? Anong tingin mo sa feelings ko?! Toilet bowl?! Pagkatapos mong saktan at paglaruan pipindutin mo lang yung flush and BOOM!! Okay na lahat. Napatawad na kita agad. Hindi Laureen. Kaya tigilan mo na ako." sigaw niya sakin. Ramdam ko yung galit niya, yung sakit, hindi ako makapasalita. Tinalikuran niya ako at nagsalita.

"Hindi na kita mahal Laureen. May pumalit na sayo. Sa puso ko. At ang taong yun ang kasama ko kanina. Stop dreaming na babalikan kita. Tapos na tayo." after niyang sabihin yun iniwan niya ako. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Humagulgul na ako. Ang sakit. Sobra. Para akong pinapatay. Nanghihina ako. Hanggang sa napaupo na ako. Damn.

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon