AIDEA POV
Nang nasa tapat na ako ng gate, nagbusina ako. Ang tagal naman ni yaya. Mayamaya may nagbukas na. Pinark ko na yung car. Pumasok na ako sa loob. Wait?? I smelled someting. Then nagpunta ako sa kusina. What's happening here?? Ang daming pagkain. Nung may lumabas na katulong sa kitchen tinanong ko siya.
"What the hell are you doing? What's this? Are you numb? Ang konti lang natin dito tapus ang dami mong niluto!! " Sigaw ko sa kanya. Magsasalita na sana siya kaya lang may nagsalita mula sa likod ko.
"Princess. Dont shout. Good to see you again. Gumaganda ka ata?" he said while smiling. Oh my god. Si kuya nandito na sa pilipinas!! Sa sobrang tuwa ko tumakbo ako sa kanya at niyakap siya. Finally nandito na ang kakambal ko. After hugging each other niyaya na niya ako kumain. While eating, i asked him.
"Kuya, are you staying here for good? Or bakasyon ka lang." Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"For good." he said. Lumapad ang ngiti ko. Sobrang saya ko. Nang matapos kami kumain tinanong ako ni kuya.
"Princess. You dont have to do that." he said. Wait narinig ko na din yan a while ago.
"What do you mean kuya??" I asked him back.
"That thing. Kaninang umaga. I saw some spill coffee on the floor. And why did you do that? Nagkaroon tuloy siya ng sugat." he said. Ah, now I remember what he was saying. Pati ba naman si kuya pagsasabihan ako ng ganyan??
"Uso ba ngayon ang salitang yan? Narinig ko na kasi kanina yan eh." walang ganang sagot ko. Humarap sakin si kuya. At bumuntung hininga.
"Dea, you need to change. Hindi na tama yung mga ginagawa mo. Nakakasakit ka na. You are old enough to be like that. Isipin mo rin yung nararamdan nila." paliwanag sakin ni kuya. Bakit ba pakiramdam ko lagi akong mali. Laging ako yung dapat magadjust. Tumayo ako mula sa upuan. Maglalakad na sana ako nang hawakan ni kuya ang kamay ko.
"Hindi pa tayo tapos magusap. Dea, ano ba? Wala ka na ba talagang balak makinig? Sabagay, kasalanan naman namin kung bakit ka nagkakaganyan. Masyado ka namin minahal. To the point na handa kaming ibigay lahat sumaya ka lang. Pero sabi nga nila lahat ng sobra masama. Kaya ka nagkaganyan." so lumabas din ang totoo? Ganun pala ako kahirap mahalin. Bago pa may tumulong luha sa mga mata ko umakyat na ko sa kwarto ko. Ilang saglit lang may kumatok sa pinto. Hinayaan ko nalang. Shit. Hindi ko mapigilan yung luha ko. Tumayo ako at nagbihis. I need some air. When I opened my door, ang daming paper bags. Ah, pasalabung ni kuya. Kung wala lang nangyari kanina Im sure nagtatatalon na ko. Iniwan ko nalang yun dun at bumaba ng hagdan. Sumakay na ako sa kotse at nagpunta sa isang bar. Pumasok ako sa loob wag na kayong magtaka kung bakit ako nakapasok matangkad kasi ako. And Im already 18. Umupo ako sa isang bar stool. Tinawag ko yung waiter.
"Tequilla please." I said. After a couple of minutes his back. Pagkalapag niya sa harap ko ininom ko agad. Nakaka limang shot na ako ng may tumabi sakin. Paglingon ko, wait parang kilala ko to. San nga ba kami nagkita?
"What are you doing here?" he asked. Ah, I remember him. Si Ivan. Gusto ko sanang kiligin. Kaya lang wag nalang. Wala ako sa mood. Hindi ko siya pinansin at ininom ko nalang yung alak ko. Nagulat ako ng inagaw niya sakin yun. Ano bang problema nito? Nananahimik ako dito susulpot siya.
"Akin na yan! Wag ka ngang makialam." sabi ko sa kanya.
" Ano bang problema? Sabihin mo na makikinig ako." sabi nya sakin. Nang marinig ko yun, hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha ko. Mayamaya naramdaman ko yung palad niya sa pisngi ko. Tiningnan ko siya. Ayan nanaman yung luha ko. Itininuon ko nalang yung atensyon ko sa baso ko.
"Bakit ba sobrang big deal sa inyo ang ugali ng isang tao? Hindi ko kasi maintindihan. I mean kung ano ka, dapat yun ka. Sa tingin ko kasi hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para lang sa iba." magulo ba? Kayo na ang bahalang umintindi. Lasing na ata ako eh. Tinignan niya ako ng seryoso.
"To be honest. May point ka. But I think may point din sila. Minsan kasi, may mga bagay tayong nagagawa na akala natin ayos lang sa kanila. Hindi natin namamalayan nakakasakit na pala tayo. Oo nagiging totoo lang tayo sa sarili natin. But of course we need to accepted the fact na hindi lang satin umiikot ang mundo. Kailangan din natin iconsider ang nararamdaman nila." si Ivan ba talaga to?? Baka naman nahilo na ako. Pero hindi siya talaga to. Kahit marami na akong nainom alam kung siya to. Hindi ako makapaniwala na nasabi niya yun. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya lumingon siya.
"What??" he said. I chucked. Baliw na ata ako. Umiiyak tapos tatawa.
"Nothing. Its just that, hindi ko alam na may alam ka pala sa mga ganyang bagay." sabi ko kay Ivan.
"Yeah, your'e right." sabi niya at ininom ang alak sa baso niya.
"By the way, how about you? Bakit ka nandito?" tanong ko din sa kanya. Binaba niya yung baso niya at tiningnan ako.
"Nagpapalipas lang oras. Relax, ganun. Stress kasi sa work." paliwanag niya. Oo nga pala hindi ko pa natatanong kung san siya nag tatrabaho. So I decided to asked.
"Ah, pwede malaman kung san ka nag tatrabaho? I mean saang lugar?" tiningnan niya ako ng nakakaloko. Bakit may mali ba sa tanong ko?
"Mukhang wala kang alam tungkol sakin ah, bago yun. Halos lahat kasi kilala ako. CEO ako ng isang hotel sa makati and ako din ang nag mamayari ng skwelahan na pinapasukan mo." oh my god.!! Seryoso siya dun?? Nagulat talaga ako. Bakit hindi ko alam yun. Ganun na ba ako kawalang pakialam sa paligid ko? Nang nakita kong dumaan yung waiter tinawag ko siya.
"Hey, give me another one. " sabi ko sa kanya. Binigyan naman noya ako. Nang dadamputin ko na yung baso inagaw niya sakin. What the hell.!
"Hey, that's mine." sigaw ko kay Ivan. Bakit ba kasi siya nang aagaw.
"That's enough. Marami ka ng nainom. And besides gumagabi na din. Mabuti pa ihatid na kita." he said. Then he grabbed me palabas ng bar. Dinala niya ako sa parking lot at pinasakay sa kotse niya. Wala na akong nagawa kaya pumayag na din ako. Sinandal ko nalang yung ulo ko sa bintana ng kotse. May sinabi pa siya kaya lang hindi ko na naintindihan kaya hinayaan ko nalang. Then may naramdaman akong nakatitig sakin kaya inangat ko yung ulo ko at binuksan ko ang mata ko. Nakita ko si Ivan nakatitig sakin. Pakiramdam ko namula ako. Ang lapit pa ng mukha niya sakin. Hindi na ako nakagalaw. My god!! Dea, relax. Nagtitigan lang kami about 5 seconds ata. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Then nakita ko siya tumingin sa mga labi ko. Wait! Dont tell me hahalikan niya ako. Oh, noes!! Bakit ba ako natataranta.?mayamaya nagiwas na siya ng tingin.
"Seatbelt please." sabi niya at inayos ang seatbelt ko. God! Bakit pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. Pagkatapos niya gawin yun umayos ako ng upo. Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Mayamaya nakarating na din kami. Bababa na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Aidea, can I get your number?" tanong niya sakin pero hindi tumitingin. Wala naman sigurong masama kaya binigay ko yung phone ko. Kinuha naman niya yung phone niya at nagtype. Nang matapos siya binigay din niya sakin.
"Here. Thank you. Pasok ka na. " sabi niya sakin.
"Thank you din sa paghatid." sabi ko sa kanya.
"Your welcome." tapos umalis na siya. Pumasok na din ako sa bahay. Sarado na lahat ng ilaw. Hindi na ako nagabalang buksan kabisado ko naman ang daan. Umakyat na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko napansin ko yung mga paper bag nasa kama ko na. Meron din akong nakitang note sa table.
Princess, Im sorry. I hope you understand. Im doing this for you. You know how much I love you dear. You are the only girl to me. Please dont mad at me. My twin. It hurts.
His so sweet. I love him too. Babawi ako bukas twin brother.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomantiekAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.