Aidea Pov
Nagsimula na yung class namin. Nakikinig lang ako sa Prof nang mapatingin ako sa tabi ko. I missed her. Hindi ako sanay ng walang nangungulit sakin.
"Class dismiss. Review your Research Paper pagkatapos dalhin niyo nalang sa faculty." Sabi ng Prof. Nakakainis bakit Hindi pa niya kunin kailangan pa dalhin. Sayang sa oras. Hindi ko na siya pinatapos lalabas na sana ako ng tumabi sakin si Cloud. Siniko niya ako. Problema nito? After nung nangyari kagabi naging ganyan na siya. Sobra makadikit sakin. Bahala nga siya. Nung hindi ko siya pinansin siniko niya ulit ako.
"What? Ang kulit mo?" Tanong ko sa kanya. Ayaw pa kasi sabihin kung ano kailangan niya. Ngumiti lang siya sakin.
"Kain na tayo. May baon ka ba?" Tanong niya sakin. Seriously may baon siya? Ano siya elementary? Tinaasan ko siya ng kilay baka kasi joke lang. Mayamaya nilabas niya yung baon niya. I saw a sandwitch. Nakabalot pa. Nung napansin niya na nakatingin ako inalok niya ako.
"Gusto mo?" Pero nakatingin lang ako sa kanya. "Ah, hindi ka ba mahilig dito?" Hindi na ako sumagot hinila ko siya palabas sa room. Nakasunod lang siya. Hang makapasok kami sa loob wala ng vacant table. Mayamaya nagsitayuan yung mga studyante sa sulok. Umupo kami dun.
"Stay." sabi ko sa kanya tapos naglakad ako sa counter. Nagorder ako ng pagkain. Bahala na. When I'm done bumalik na ako sa table.
"Kakain tayo dito?" Malamang. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.
"Ano ba sa tingin mo?"iritang balik tanong ko sa kanya.
"Mahal ang pagkain dito. Wala akong budget." Nakayukong sabi niya. Akala niya siguro siya ang magbabayad. Mayamaya dumating na yung pagkain. I saw him shock. Hindi ko alam kung tatawa ba ako.
Tinapik ko siya. "Let's eat. Don't worry ako magbabayad niyan. Kumain kana. Sa isang tulad mo hindi bagay ang tinapay lang." Sabi ko sa kanya. Nagsimula na kami kumain. Napansin kong parang ang tahimik. Nilibot ko yung tingin ko. Lahat nakatingin samin. Problema nila? Tinaasan ko sila ng kilay. Para naman silang nakakita bang multo halos matumba sila sa upuan.
"Hahahaha. Grabe ang intense." anong nakakatawa? Nalipasan ata ng gutom to.
"Why are you laughing? Kumain ka na nga lang. Kasalanan ko ba kung bakit ganyan sila makatingin satin." Sabi ko sa kanya.
"Para ka naman kasing kakain ng tao kung makatitig ka." Sabi niya sakin. Inirapan ko nalang siya. Kumain nalang ako. Gutom na din pala ako. Nang matapos kami binayaran ko na yung kinain namin. Habang naglalakad kami my phone rang. Si Ivan pala. I answered.
"Hello." narinig ko siyang may kausap, kasama niya data.
"Sorry. May kinausap lang ako. Ahm, may gagawin ka ba after class?" Tanong sakin ni Ivan.
"I think wala naman. Why?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, dinner sana?" Wait. Inaaya ba niya ako? My heart beating fast. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Then kinabit ako ni Cloud. Tinanong niya kung okay lang ako. Tumango lang ako.
"Hello Dea? Still there?" Shit. Natataranta ako.
"Yeah. S-sure." Pumayag na ako. Chance ko na to. Napangiti ako.
"Okay. Sunduin kita sa room mo later." Sabi niya. No he can't.
"No. Puntahan na lang kita sa office mo." Sabi ko sa kanya. Ayoko ma issue no. Mahirap na. Pagkatapos ko siyang kausapin tinago ko na yung phone ko. Naglakad na kami ni Cloud papunta sa last class namin. Napansin Kong tahimik lang siya.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.