CHAPTER 27

1.2K 15 0
                                    

AIDEA POV

How dare he? Wala na daw sila. Pero nagpahalik naman siya. Sa labi pa talaga.!! Argh!!! Naiinis ako. Sa dami ng nangyari hindi ko namalayan na gabi na. Ganun na ba ako katagal sa opisina ni Ivan? Tss. At dahil masama ang loob ko napadpad ako sa isang bar. Hindi ko na pinagaksayahan ng oras na tignan ang pangalan ng bar. Pumasok na agad ako sa loob at naupo sa high chair. I called the bar tender.

"One vodka please." utos ko sa kanya. Ilang minuto lang binigay na niya sakin yun. Tinungga ko yun straight. Nakaramdam ako ng hapdi but hell!!!  I dont care. Hindi ko alam kong anong nangyayari sakin basta ang alam ko masakit. I dont know if ego ko lang yung nasaktan o nasaktan talaga ako. Shit.!! Lasing na ba ako agad? Gusto ko magpakalasing ngayon. I dont care kung paano ako makakauwi mamaya. Omorder pa ako ng tequila. I have 5 shots but shit. Pero hindi pa din ako lasing. Then may naramdaman akong tumabi sa upuan ko. Guy. Nakangiti siya sakin. Tss. Alam ko kung ano ang gusto niya. Preo wala akong pakialam. I saw everyone dancing on the stage. Parang gusto ko ring sumayaw. Kaya naglakad ako papunta dun. Hindi ko namalayan sumasayaw na ako. Umiikot na din yung paningin ko. Then there naramdaman kong may humawak sa bewang ko at pinaikot ako para makita ko siya. Siya yung guy kanina sa upuan. I saw him grinning and dance gracefully kaya nakisayaw nalang ako. Nageenjoy na ako sa pagsasayaw ng may humatak sakin palayo sa kasayaw ko. Masyadong mabilis yung mga pangyayari kaya hindi ko na nagawang lingunin yung kasayaw ko. Pilit kong inaaninag kung sino yung humahatak sakin pero nanlalabo na yung paningin ko. The last thing I know nasa sofa ako ngayon at nahihilo. May naaaninag akong tao sa harapan ko na nakahawak sa ulo niya. Pumikit ako para kahit papaano mabawasan yung hilo ko. Untiunti kong minulat yung mga mata ko and there I saw him. Shit. Sa dami ng hahatak sakin bakit siya pa? Damn. Iniiwasan ko nga diba? Small world talaga. Kainis. Baliw ba siya? Kanina pa siya ikot ng ikot.

"Stop. Nahihilo ako sa ginagawa mo." I said. As if naman may mapapala siya dyan. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano bang problema mo?! Gawain ba ng babae yan?" sigaw niya sakin. Gusto kong ngumiti dahil nagaalala siya para sakin pero alam kong hindi pwede kaya pinigilan ko ang sarili ko at nag roll eyes. Nakita kong mas lalo siyang nainis.

"What do you care?" sabi ko sa kanya. Mahilig kasi siya makialam. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na yakapin siya. Ewan ko kong bakit siguro lasing lang ako.

"Dea!! Nakita mo ba kung paano ka tignan ng lalaking yun? Kung paano ka niya hawakan? Binabastos ka na wala ka pang alam!! Tapos ganyan pa ang sasabihin mo sakin?" sigaw niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ano naman sayo kung may humahawak sakin, kung maraming tumitingin sakin!! Bakit akala mo hindi ko alam? Ha!! Pwede ba Cloud layuan mo na ako!! " inis kong sigaw sa kanya. Bakit ba kasi hindi nalang niya ako lubayan. Kapag nalaman to ni Cris hindi niya to magugustuhan. Sorry pero mahal ko ang kaibigan ko. Ayokong masira kami ng dahil lang sa lalaki. Kaya kahit may n
Kakaiba akong feeling sa kanya pinipigilan ko. Ganyan lang talaga ako.

"Kung sabihin mo yan parang napakadali lang sayong gawin. Bakit? Sabihin mo nga sakin Dea, may halaga ba ako sayo kahit konti? Kahit konti lang?" nahihirapang sabi niya sakin. Pero mas pinili kong hindi sagutin. Mas mabuti yun. Tumagilid ako ng kaunti para hindi ko makita yung mukha niya. Kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sakit. Ang sakit na makita siya na nahihirapan dahil sakin.

"Ano bang kailangan mo sakin? Sabihin mo na para makauwi na ako." I said. I heared him sigh. Sorry, I need to do this. Tanga na kung tanga.

"Were not done here. Pero hahayaan kita ngayon. Ihahatid na kita." sabi niya sakin. No.! Hindi pwede. Kinuha ko agad yung phone ko. Kahit medyo malabo yung paningin ko nagawa ko parin na itext si Ivan. After ko magtext hinarap ko siya.

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon