Ivan pov
After work naisipan kong uminom. Hindi na nga ata ako umuuwi sa condo. Simula ng break up namin ni laureen nahirapan na akong magadjust sa buhay ko. Ang tanga ko kasi minahal ko siya ng buong buo. Wala na nga akong tinira para sa sarili ko. Kaya eto ako ngayon hira na hirap kung paano ko ulit mababalik ang dating ako. Nang makapasok ako sa loob ng bar umupo ako sa may pinakasulok. Mas gusto ko kasi malayo sa mga ilaw. Nang makaupo ako inasikaso kaagad ako. Kilala na kasi ako dito. Habang umiinom ako nilibot ko ang paningin ko. Wala namang nagbago. Hanggang sa may natanaw akong babae sa may stool. Parang kilala ko siya. Nang maalala ko kung sino siya. Aidea DelaCruZ. Yung magandang babae na nakabungguan ko. Napangiti ako ng maalala ko yun. Hanggang sa may naalala pa ako na pangyayari.Flashback
Abala ako sa pagbabasa ng documents ng may biglang pumasok na studyante sa opisina ko. Kaya nag angat ako ng ulo. Nakita ko siyang hinihingal. Tumakbo ata to.
"Why are you here?" tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang napalunok.
"Bakit may nangyari ba?" tanong ko ulit.
"Sir,may nagaaway po sa canteen. Nagkakagulo na po kasi si ms.Aidea pinapatanggal po yung damit ng isang studyante." sagot nya sakin.pero naguguluhan pa din ako.kaya pinaupo ko siya.pinagpaliwanag ko siya ng maayos.mayamaya naintindihan ko din. Iba rin pala ang paraan niya ng pagtatanggol sa kaibigan. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si dea at cloud. Hinahatak niya si dea. Mukhang may gumawa na ng dapat ako ang gagawa. Sa nasabi kong yun nakaramdam ako ng inis. Hindi tama to.
End of flashback
Napailing nalang ako ng maalala ko ulit yun. Tiningnan ko siya. Nakita ko siyang parang umiiyak. Hindi ako sure ang layo ko kasi. Then nag decide ako na lapitan siya. Nagulat siya ng nakita niya ako. Tiningnan lng niya ako. Ang lungkot ng mga mata niya. Kaya naisipan ko ng magsalita.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Pero mukhang wala ata siyang balak sagutin ako kaya inagaw ko yung iniinom niya.
"Ano ba akin yan! Wag ka ngang makialam!" sigaw niya sakin .mukhang may problema nga to.
"Ano bang problema? Makikinig ako." pagkatapos kong sabihin yun umiyak na siya. Hala ano bang ginawa ko? Iyak lng siya ng iyak. Hindi ko namalayan inaaangat ko na yung kamay ko at pinunasan yung luha niya. Nakita kung natugilan siya sa ginawa ko. Pero umiiyak pa din siya. Hanggang sa nagumpisa na siya magsalita. Nakikinig lang ako habang nagsasalita siya. Sa kwento niya halatang spoiled siya sa pamilya niya. Kung paano siya magreact. Ang cute lang. Fuck.! Sinabi ko bang cute? Hell no. Maganda siya. Anak ng pagong anong nangyayari sakin.? kinurot ko nalang ang sarili ko ng palihim para bumalik sa huwisyo ang utak ko. Tumingin ako sa kanya nagsasalita pa din siya. Nang maintindihan ko na yung sinasabi niya nagsalita na ako. Sinabi ko lang kung ano yung dapat. Then bigla siyang tumawa. Hala nabaliw na ata to. May sinabi pa siya alam ko tungkol sakin kaya lang masyado ako namangha sa tawa niya. Ang ganda niya kasi. Bumalik lang ako sa katinuan ng tinawag nya yung waiter. Humingi pa siya ng isa. Aba balak ba niya umuwi ng gumagapang? Pagkalapag ng baso na yun inagaw ko ulit. At hinatak na siya palabas ng bar. Nang makarating kami sa parking lot pinapasok ko na siya. Mukhang marami nga siyang nainum. Sumandal siya sa window ng kotse. Bubuksan ko na sana yubg makina ng mapansin ko na wala pa siyang seatbelt. Dahan dahan akong lumapit sakanya. Kaya lang bigla siyang nagising. Nataranta ako kaya sinabi ko nalang na magseatbelt siya. Ako na lang ang nag kabit. Hanggang sa kinuha ko na yung number niya.oo nga pala tawagan ko kaya?? Try lang naman.
Aidea pov
Maaga ako nagising. Balak ko kasi bigyan ng sorry surprise si kuya deo. Para makabawi naman ako sa ginawa ko. Napapansin ko lately hindi na masyado madaling uminit ang ulo ko. Sana nga talaga. Bumaba na ako nakita kong gising na si yaya kaya kinausap ko siya.
"Yaya, pwede ka bang magluto? Yung mga paborito ni kuya.?" sabi ko kay yaya. Why?? May dumi ba ako sa mukha? Naguumpisa na na naman uminit ulo ko. Relax dea. Para sa kuya mo. Huminga ako ng malalim.
"Are you deaf? I am trying to be a good person here, so please. Kilos na." sabi ko sa kanya. Nagulat pa ata siya sa ginawa ko.
"Ah, yes po ma'am. Magluluto na po ako." sabi niya. Umupo ako sa sofa. Naginternet muma ako ng may makita ako. Cakes. Nilapag ko yung phone ko at dumeretso sa kusina. Nagulat naman si yaya.
"May kailangan po kayo ma'am?" tanong sakin ni yaya. Umiling lang ako. I am busy. Hinalungkat ko yung mga drawer. Kinuha ko lahat ng kailangan ko para sa pag bake. Napansin yun ng isang katulong namin kaya tinulungan niya akong ilabas lahat ng kailangan ko. Mayamaya nagumpisa na ako. Alam ko nagtataka kayo. Im a culinary student. I love baking. Naghahalo ako ng dry ingredients, when my phone ring. At dahil nasa kusina ako inabot yun sakin ng katulong.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
"Hello. Ah, dea si Ivan to. Ano kamusta ka?" ah siya pala. Parang sabi nahihiya pa siya."Im okay. But Im busy right now. Can I call you later?" sabi ko sa kanya. Nagmamadali kasi ako.
"Oh, really? Sorry. Sige later nalang. Ingat." pagkatapos niyang sabihin yun pinatay ko na yung phone ko. Tinapos ko na yung ginagawa ko. Tinanong ko si yaya kung okay na lahat.
"Nakaayos na po lahat ma'am. Nakahanda na din po yung mga pagkain." sabi niya sakin. Inutusan ko siyang ilabas na sa ref yung cake na ginawa ko. After that umakyat na ako sa taas at ginising si kuya deo. Nang nasa tapat na ako ng room niya kinatok ko na siya. Tulog pa ba siya?? Pinihit ko yung doorknob bukas kaya pumasok na ako. I saw him laying on his bed. Sarap ng tulog niya. Tumabi ako sa kanya.
"Twin brother, wake up. I have something for you." I said. Inaalog ko pa siya. Then he moan.
"Kuya, bumangon kana dyan. Sayang naman yung surprise ko." pagmamaktol ko kunwari. Ah may naalala ako. I kissed him sa cheeks. Hindi ako nagkamali mayamaya bumangon na siya.
"Princess. What kind of surprise is that? Ang aga aga mo manggising." sabi niya pero tumayo din siya. Palabas na siya ng kwarto ng hilahin ko si kuya at lagyan ng piring sa mata.
"Ano bang pakulo to dea?? Ano na namang trip mo? Kilala kita." hay naku ang daming satsat ni kuya. Tinulak ko nalang siya pababa ng hagdan. Nang makarating kami sa baba untiunti kong inalis yung piring niya.
"Surprise!!" sigaw ko. Nakita ko naman na natulala si kuya. Hindi niya ata inaasahan na gagawin ko to.
"Anong okasyon at ang daming pagkain? Did I forgot something?" sabi ni kuya. Grabe hindi man lang niya naappreciate yung effort ko. Naglakad nalang ako papunta sa upuan at nagumpisang kumuha ng pagkain. Ako nalang ang kakain ng lahat ng to. Nakakainis. Nararamdaman ko na yung luha ko. Nanf may biglang nag back hug sakin. Alam ko si kuya yan.
"Im sorry princess. I was joking. Alam ko naman kung bakit mo to ginawa. Kaya wag kana magtampo dyan. And besides hindi mo mauubus lahat yan. At kung mangyari yun Im sure sa hospital ka dederetso." asar sakin ni kuya. Kainis pinalo ko nga siya. Aba gumanti pa kinurot ako. Ouch!! Tumayo ako at hinabol ko siya. The ending? Naghabulan kami. Nang mapagod kumain na kami. Gustong gusto ni kuya yung cake na ginawa ko. Biniro pa ako na magtayo ng cake shop. Hmm. Why not?? Para magamit ko din yung talent ko. Nawala yung pagmumuni muni ko ng tumunog yung phone ko.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
Roman d'amourAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.