CHAPTER 18

1.3K 17 0
                                    

CLOUD POV

Sinandya ko talagang maagang magising para magluto. Nagiisip ako ng pwedeng lutuin ng makita ko yung natirang peanut butter sa lamesa. Nalala ko si Dea. Mabilis akong umakyat ng kwarto at hinanap yung pitaka ko. Binuksan ko yung wallet ko. Shit. 500 pesos nalang ang laman. Di bale may pasok naman ako mamaya sa bar. Simula ng rumaket ako sa birthday party na yun kinuha na nila ako na regular sa isang bar na pagmamayari ni Ivan. Araw araw ang pasok ko tuwing pagkatapos ng klase ko. Bumaba na agad ako ng hagdan at umalis. Papara na sana ako ng tricycle nang mahagip ng mata ko yung jeep. Napangiti ako kaya dun nalang ako sumakay. Nang makarating ako sa palengke binili ko na agad lahat ng kailangan ko. Pumunta ulit ako gulayan.

"Oh? Cloud. Ano atin?" tanong sakin ni ate. Tinuro ko na yung mga kailangan ko.

"Hindi mo ata kasama yung girlfriend mo?" tanong niya sakin. Tss. Napailing nalang ako nang maalala ko yung ginawa niya sa paa ko. Hanggang ngayon may pasa pa din ako.

"Si ate talaga. Malamang ang aga pa kaya. Tsaka hindi naman kami nakatira sa iisang bahay." sagot ko kay ate. Napangiti naman ako ng mapailing siya. Pagkatapos kong bayaran umalis na agad ako. Nag tricycle nalang ako. Sakto na kakilala ko pa yung driver.

"Aga aga ang saya mo ah? Ang lapad ng ngiti mo." sabi niya sakin. Anak ng magsalita tinapa.! Ano ba kasing nanayayari sakin? Sa tuwing naaalala ko siya napapangiti ako. Ngumiti nalang ako sa kanya tapos bumaba na ako. Pagkapasok ko ng bahay naabutan ko si aisa na papunta sa kusina. Napatingin siya sakin ng makita ang mga dala ko.

"Kuya? May sakit ka ba?" tanong niya sakin. Masama na ba ang gumising ng maaga ngayon.?

"Bakit bawal ba gumising ng maaga ngayon?" sagot ko sa kanya.

"Ang weird mo kasi. Tsaka ano yan?" bakit ba ang daming tanong nito?

"Malamang gulay." pilosopo kung sagot sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti. Anak ng.! Nahahawa na ako sa Dea na yun. Tsk tsk.

"Alam ko na. Ipagluluto mo si ate Dea no?" tanong niya ulit.

"Oo. Kaya wag ka nang magulo diyan. Baka sumama pa ang lasa nito." sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at dumeretso sa sala. Nagsimula na ako magluto. Mayamaya natapos din ako. Pinalamig ko muna bago ko ilagay sa topper ware. Naligo na ako nag bihis. Nang matapos ako bumaba na ako para ayusin yung niluto ko. Nagtira din ako para mamayang gabi. Marami naman akong niluto. Nang matapos ako umalis na ako. Nang nasa gate na ako nakita ko si Dea at Ivan na nasa loob ng kotse. Ano bang pinaguusapan nila at sa loob pa talaga? Lumapit ako ng kaunti para marinig ko. Alam ko masama ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Narinig kong sinabi ni Ivan na susunduin niya si Dea mamaya. Kahit hindi nila sabihin alam kom kong si Ivan din ang naghatid aa kanya ngayon. Hindi ko namalayan na naikuyom ko na yung mga kamay ko. Hanggang sa narinig kong pumayag si Dea na ihatid sundo siya ni Ivan. Shit. Bakit pakiramdam ko gusto kong manapak ng tao. Gusto kong sipain yung kotse sa harap ko. Naglakad na ako papunta sa room baka ano pa ang magawa ko pag nagtagal ako doon. Bago ako pumasok sa loob sumandal muna ako sa pader para pakalmahin ang sarili ko. Nakita ko si Dea na papalapit na sakin. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nagsalita ako.

"Kelan ka pa nagkaroon ng bagong driver?" tanong ko. Nakita kong bahagya siyang nagulat. Pero agad din nakabawi at tinaasan ako ng kilay.

"Lilinawin ko sayo. Hindi porket nagkaroon tayo ng time na magkausap o lets say bonding narin eh may karapatan kana na pakialaman ako. Hindi nga tayo friends." sagot niya sakin. Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilan na mapangisi at kagatin ang labi ko. So ganun lang pala yun? Tangina. Totoo pala yung mga sabisabi tungkol sa kanya. Ito pala yung babae na pinag alayan ko ng effort gumising ng maaga para ipagluto siya ng paborito niya. Yung babaeng dahilan ng pagngiti ko kanina. Exited pa naman ako sa magiging reaction niya. Tangina. Kahit puro away lang kami kahapon naramdaman ko kahit papano na pwede. Pero hindi pala. Hanggang sa pumasok na siya loob. I sigh bago sumunod sa kanya papasok.

Breaktime. Nakita ko sila ni Cris na papunta sa canteen. Nang medyo malayo na sila sumunod ako. Tsk. Sayang yung niluto ko. Iuuwi ko nalang. Nang papasok na ako nakasalubong ko si Ivan. Pinilit ko umakto ng normal kahit nahihirapan ako.

"Dude. Tara sabay kana sakin." alok niya. Tumango lang ako sa kanya. Napaangat ako ng tingin ng bigla siyang huminto. Shit. Sa dami ng upuan bakit dito pa. Umupo siya sa tabi ni Dea. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan. Wala ako sa mood para kausapin sila. Naiinis ako sa tuwing ngingiti siya kay Ivan. Mayamaya nakita ko siya naglabas ng plastic bag. Ano kayang laman nun? Bakit exited siyang ilabas yun. Nang mailabas niya yun nakita kong namilog yung mga mata ni Dea. Dont tell me paborito din niya yun.?kinuha agad yun ni Dea at kinain. Tss. Iniwas ko nalang yung tingin ko ng may maalala ako. Tumalikod ako para kunin yung niluto ko. Balak ko sana ipatikim sa kanya kaya lang war kami kaya humarap ako kay Cris at pinatikim sa kanya.

"Cris. Tikman mo nga tong niluto ko hindi kasi ako sigurado sa lasa. Nagaway pa kasi kami ng kapatid ko sa paghahalo." sagot ko. Pagkasabi ko nun napaubo siya. Nabulunan na. Pinigilan ko lang ang sarili ko na matawa. Agad naman siyang binigyan ng tubig. Nawala na yung ngiti ko. Bigla naman nagsalita si Cris sa tabi ko. Okay naman daw yung lasa hindi na ako kumibo hindi naman para sa kanya yan. Narinig kong inalok niya si Cris pero hundi naman kumain. Mas gusto pa niya talaga yung leche plan na yan. Mas lalo akong nainis ng biglang punasan ni Ivan yung gilid ng labi ni Dea. Oo alam ko na gusto niya yang babae na yan pero wag naman harap harapan. Nakakagago eh. Tumayo na ako ng malaman ko na oras na klase. Pahakbang na ako ng marinig kong magkikita pa daw sila mamayang uwian. Bwisit.

CRIS POV

Pagkatapos kong marinig lahat ng paliwanag ni Dea nakahinga ako ng maluwag. Malaki ang tiwala ko sa bestfriend ko. Sa lahat ng bagay na ginagawa niya lahat may dahilan. Ganun naman talaga diba? Habang naguusap kami biglang dumating Si sir Ivan. Kelan pa sila naging close ni Dea? Hmm. Mukhang merun pang hindi nasasbi sakin si best. Magtatanong na sana ako ng makita ko si Cloud na kasunod ni Sir Ivan. I smelled something but later na nandito na kasi ang love of my life. God hindi ko maiwasan ang pagngiti feeling ko mapupunit na yung pisngi ko. Hindi na ako nagtaka ng ilabas ni Sir Ivan yung dessert na nasa loob ng bag niya. Napangiti ako ng maalala ko kung paano niya ako kinulit kanina.

Flashback

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko ng biglang magvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Agad kong kinuha yun at binasa kong sino ang nagtext. Kumunot ang noo ko ng number lang nakalagay. Nagdalawang isip pa ako kung babasahin ko pero binasa ko na din.

Hey. Its me Ivan. May itatanong lang ako. Alam ka  ba ang paboritong dessert ni Dea? Mahilig kasi siya sa matamis right?"

Nagulat ako. I know him. Siya lang naman ang mayari ng school na ito. Nagtataka din ako paano siya nagkaroon ng number ko? Ah, baka naman sa mga files. Pero mas lalo akong nagtaka aa itinatanong niya sakin. Paboritong dessert ni Dea? Oh my god. Dont tell me type niya ang bestfriend ko.? Naku ako nga nauubusan ng pasensya sa babaeng yun siya pa kaya.?

Bakit? Anong kailangan mo sa bestfriend ko? Mayamaya nagvibrate ulit.

I like her. So please help me. I want to know her better. Can you?

Napangiti ako sa sinabi niya. Seryoso talaga siya. Tignan nati kung hanngang saan ka tatagal. Feeling ko may pagasa naman siya crush siya nun eh. Nagreply. Nalang ako.

Dessert.? Letche plan. Sabi ko nalang.

End of flashback

Kaya hindi na ako nagtaka ng nakita ko si Dea na napatulala I know nagtataka siya paano nalaman ni sir Ivan na paborito niya yun. Agad naman siyan napatingin sakin. Nagiwas nalang ako ng tingin. Paglingin ko kay Cloud nakatalikod siya may kinukuha siya sa bag niya. Nagulat ako ng buksan niya sa harap ko ang topper ware na naglalaman ng karekare. Sinabihan niya akong tikman yun. Kumakain ako nun pero hindi ko paborito yun. Tinikman ko nalang kasi sabi niya eh. Malakas siya sakin. Okay naman yung lasa masarap. Nang tumingin ako sa kanya nakita kong nakatingin siya kay Dea. Tss. Bakit hindi ko naisip yun.? Basta karekare kadikit niyan ang pangalang Dea. Ipinilig ko ang ulo ko at humarap kay best. Inalok ko siya pero tumanggi siya okay na daw siya aa kinakain niya. Napangiwi ako. Alam ko nahalata ni best yun. Alam niya kasi na type ko si Cloud. Mayamaya nagaya na si Dea na kailangan na namin punasok kaya sumunod na kami. Pagtalikod ko narinig ko si sir Ivan na susunduin niya si best.

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon