AIDEA POV
Finally, tapos na lahat ng requierments ko this sem. After kong maipasa yun sa mga prof naglakad na ako papunta sa opisina ni Ivan. Kumatok muna ako bago pumasok. Nagulat ako ng hindi ko siya nakita dun. Sakto naman na dumating yung secretary niya.
"Ah,ma'am hindi po ba pumasok si Ivan?" tanong ko.
"Nagtataka nga din po ako eh." sabi niya. Yeah. Nakakapagtaka nga. Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas na. Dinial ko ang numero niya.
"Hello? Ivan? Where are you?" sunod sunod na tanong ko.
"Dea, ah may pinuntahan kasi ako kaya hindi ako nakapasok sorry." sabi niya. Mukhang kakagising niya lang. I sighed."Ganun ba? Sige pahinga ka na lang muna. Bye." after nun. Si kuya naman ang tinawagan ko.
"Hello kuya?" sabi ko.
"Yes baby?" sagot niya."Itatanong ko lang kung naayos muna yung mga kailangan ko" tanong ko sa kanya. Narinig kong nagexuse siya sa kabilang linya.
"Are you busy?" I asked.
"Not really. May kinausap lang ako about some deal. Ah, yeah. Okay na lahat. By the way gusto mo bang pumunta sa mall? Samahan kita." sabi sakin ni kuya. I agreed tutal matagal na din kaming hindi nagbobonding. Sinabi ko kay kuya na ako na lang ang pupunta sa kanya. Nang makarating ako sa lobby agad akong binati ng mga empeyado. Yumuyuko kapag nakakasalubong ako. Kung dati wala akong pakialam now ngumingiti na ako. Maraming nagtataka pero hinayaan ko na lang. Papaliko na ako papunta sa opisina ni kuya ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako para makita siya. Nagulat ako ng makita ko si laureen. Ngumiti siya bago nagsalita."Pwede ba kitang makausap sandali?" tanong niya. Nagaalangan man ako pero pumayag na ako. Makakapaghintay naman si kuya. Isa pa mukhang alam ko na kung bakit gusto niya akong makausap. Naglakad siya papunta sa mini garden nakasunod lang ako sa kanya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"I heared what happened to the both of you." she said. So alam na niya agad? Ang bilis naman ng balita.
"Really? Oo nga eh. Hindi ko alam na aabot kami sa ganito." sabi ko sa kanya.
"Yeah. Alam mo ba ang nangyari sa kanya kagabi?" napakunot ang noo ko.
"Im sorry hindi dapat ako ang nagsasabi nito. But alam kong alam mo kung gaano ko siya kamahal. Dont get me wrong ayoko lang siyang makita na nasasaktan." she said. I sighed.
"Im sorry. I know kasalanan ko. Hindi ko naman sinasadya. Minahal ko siya pero alam mo yung pakiramdam na parang may kulang? Alam ko nasaktan ko siya ng sobra hindi ko na yun itatanggi. Kahit mahirap para sa kanya nerespeto niya ang desisyon ko. Napakabuti niya. Sana alagaan mo siya para sakin. Wag mo na siyang iwan ulit." malungkot na sabi ko. Kailangan ka niya. Ngumiti siya sakin.
"Kahit hindi mo sabihin yun ng gagawin ko. Salamat sa pagaalaga mo sa kanya nung mga panahong wala ako. Thank you." she said. Then niyakap niya ako. I hugged her back.
"Your welcome. So pano I have to go. May lakad kami ni kuya." sabi ko sa kanya. She nodded so naglakad na ako papunta sa opisina ni kuya. Ang sarap sa feeling na nagkaayos kami. Si Ivan, si laureen. About kay Cris at Cloud hindi pa ako handa. Maybe someday. Pagkapasok ko sa loob niyakap agad ako ni kuya. Biniro pa siya ng mga katrabaho niya dahil sweet daw pagdating sakin. Umalis na kami ni kuya. Tinanong niya ako kung saan ko gusto sabi ko sa malapit na lang. Kumain muna kami bago mamili. Yes. Bibili daw kami ng damit para sa nalalapit na pagalis ko. Pumayag na lang ako. Mamimis ko ang lugar na to. Hindi na ako nagtaka na marami kaming bitbit ngayon. Grabe kulang nalang bilhin ni kuya ang buong mall. Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Nang makasakay na kami agad akong tinanong ni kuya.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.