CLOUD POV
"Tama na yan kuya. Kanina ka pang umaga dyan." kanina pa ako naiinis sa kapatid ko. Inaagaw niya kasi yung alak sa kamay ko. Ano bang pakialam niya kung kanina pa akong umaga umiinom. Wala namang magbabago. Kung pwede nga lang habang buhay na ako uminom. Para maging manhid na ako. Para lagi na lang tulog. Hindi ko na maramdaman yung sakit. Siguro nagtataka kayo kung anong itsura ko ngayon. Ang gulo ng kwarto ko. Nagkalat lahat gamit ko. Nagkalat din yung mga bote ng alak sa paligid ko. Tangina kanina pa ako dito pero bakit pakiramdam ko hindi pa ako tinatamaan? Nakaupo ako sa gilid ng kama ko.
"Iwan mo ako magisa." sabi ko sa kanya. Pero parang wala siyang naririnig. Tinitigan niya lang ako.
"Sa tingin mo ba magugustuhan ni ate dea yung ginagawa mo?" sabi niya sakin. Hindi ko napigilan ang mapatawa.
"Hahaha. Yun? Magaalala? Sa akin? Tss. Hindi niya alam ang salitang yan. Sigurado akong masaya yun ngayon dahil sa wakas nakuha na niya yung gusto niya." mapait kong sabi sa kanya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Naiisip ko pa lang na magkasama sila. Magkatabi, magkayakap. Sumisikip na yung dibdib ko. Tangina talaga. Hinagis ko yung bote sa dingding. Nagulat yung kapatid ko. Tss. Pagkalabas niya kinandado ko yung pinto. Ilang minuto lang may kumakatok na sa pintuan ko. Pero hindi ko pinapansin.
"Anak. Pakiusap kumain kana. Kagabi ka pa hindi kumakain. Wala ka bang balak pumasok sa school?" sabi ni mama. Wala akong ganang kumain. Wala na rin akong ganang pumasok. Para ano? Para itorture yung sarili ko? Tss. magpakasaya sila.
AISA POV
Nagulat ako sa ginawa ni kuya. Natakot din ako. Yun ang unang beses na nakita ko siyang galit. Pero naawa ako kay kuya. Nasasaktan siya. Gusto kong magalit kay ako ate dea. Pero alam kung may dahilan kung bakit. Ang hindi ko matanggap yung sinisira ni kuya yung buhay niya. Siguro kailangan niya lang munang magisip. Pero kapag nagtagal pa to. Tatawagan ko na si ate.
CRIS POV
Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi parin pumapasok si cloud. Nagaalala na ako sa kanya. Gusto ko na sanang tanungin si Ivan kung anong address nila para malaman ko kung okay lang ba siya. May nangyari kaya? Wala akong maisip na dahilan kasi wala naman siyang problema sa school. Din na ako nakatiis kaya nagpunta ako sa opisina niya para magtanong. Kumatok ako sa pintuan niya. Mayamaya lumabas yung secretary niya.
"May kailangan ka?" tanong sakin ng babae. Tumango ako at nagsalita.
"Yes. Nandyan ba si Ivan?" I asked. Tumango naman siya at niluwagan ang pinto para makapasok ako sa loob. Naabutan ko si Ivan na may kausap sa phone at nakakunot ang noo. Tumingin siya sakin at binaba yung phone niya.
"Cris. May problema ba?" nagaalalang tanong niya. Ngumiti ako at umupo.
"Yeah, itatanong ko lang sana kung pwede ko makuha yung address ni cloud. Ilang linggo na kasi siyang hindi pumapasok. Nagaalala na ako sa kanya" sabi ko sa kanya.
"Ganun ba? Wala na nga kong balita dun. Busy rin kasi ako sa trabaho ko" sabi niya. Ngumisi ako sa kanya.
"Ang sabihin mo busy ka sa kaibigan ko." nakangiti kong sabi sa kanya. Napailing na lang siya sa sinabi ko. Kinuha niya ang isang folder sa may cabinet at may hinanap na papel. Ilang minuto lang nakita na niya yun pinakita sakin. Nang maisulat ki na sa papel binalik ko na ito. Nagpasalamat ako at umalis na. Sumakay ako ng taxi papunta sa kanila. Nang makarating ako kumatok agad ako sa pinto. Pinagbuksan aki ng isang babae mama niya yata.
"Magandang hapon po. Nandyan po ba si Cloud?" magalang na tanong ko.
"Ah, iha sino ka ba?" tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.