MARIECRIS POV
Nang matapos kong tawagan si Aidea, sumandal ako sa upuan ko. Kahit talaga kelan ang bagal niya kumilos. You know girls stuff. Pero hindi na niya kailangan yun. I admit it. Maganda talaga siya. Siguro nung nagpaulan ng kagandahan si lord sinalo niya lahat at tulog ako. Hindi man lang ako ininform edi sana kahit magandang balat meron ako. Sa totoo lang kapag kasama ko siya nanliliit ako sa sarili ko. Wala kasi akong panama sa kanya. But its okay. Kahit minsan hindi niya pinaramdam sakin na magkaiba kami. She always there for me. Sa hirap at saya magkasama kami. Mas inuuna niya ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya. Madaming nagsasabi na masama ang ugali niya. Pero hindi nila alam may mabuting puso si Aidea. Walang makakapag hiwalay samin. forever na kaming bestfriend. Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang bell. Hala!! Late na si Aidea. Hay naku kelan kaya to titino?
AIDEA POV
Alam kong bell na but I dont care. When I supposed to turn aroud to face my room, may nakita akong lalaki sa di kalayuan. I know nakita ko na siya somewhere. Pero hinayaan ko nalang. When I finally opened the door, lahat ng mata napunta sakin. Oh? Anong problema ng mga taong to? Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Cris. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"You're late Ms. DelaCruz" sabi ni Ma'am na nakataas ang kilay.
"I know Ma'am. Im not blind, and Im not deaf." Sagot ko sa kanya at pumunta na sa upuan ko. Nang makaupo ako tiningnan ko yung teacher ko sa harap. Tsk. Gross. Hanggang kelan niya balak tumunganga diyan? At dahil nabibingi na ako sa katahimikan sasagot na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto.
"Excuse me Ma'am." sagot ng kung sino man sa pintuan. Hindi na ako nag abalang tingnan kung sino yun. Then may naramdaman akong kumurot sakin.
"Ouch! Ano ba Cris, ano bang trip mo?" Galit na tanong ko. Ang sakit kaya, sensitive yung skin ko no. Tiningnan ko siya at nakita ko siyang nakangiti ng malapad. Kumunot ang noo ko. Mukhang may natitipuhan na naman siya. Ngumuso siya sakin at tinuro ang pintuan. Hilig niya talaga gawin yan. Tumingin nalang ako sa pinto. What? Bakit siya nandito? Dont tell me classmate namin siya? No this can't be happening. End of the world na ba? Nagulat ako ng siniko ako ni cris kaya napalingon ako sa kanya.
"Ang cute niya bestfriend! Totoo ba to? Classmate natin siya?" Sinasabi niya yan habang pumapalakpak. God. Kulang nalang maihi siya sa upuan.
"Try mong kurutin sarili mo para malaman mo kung nananaginip ka o hindi." Suggest ko sa kanya sabay irap. Napasimangot naman siya sa sinabi ko.
"Over react ka na kasi girl. Ano kung classmate natin siya? Fine. Classmate. But you reacted so much. I know you very much, so girl chill ka lang." I hope she knew what I mean.
"Yeah, right. Hindi ko kasi mapigilan eh." Sabi niya. Mayamaya lang nagsalita na yung teacher.
"You may sitdown Mr. Reyes." Professor said. Sinunod naman niya yung sinabi ng teacher. Pagkaupo niya lumingon siya sa gawi namin. Sumulyap siya kay Cris. At ang gaga kumaway pa. Hindi naman siya pinansin. Later sakin naman nalipat yung tingin niya. Tinitigan lang niya ko na parang may gusto siyang sabihin. Mayamaya kumunot ang noo niya at inirapan ako. Aba ang lakas ng loob! tusukin ko kaya ng ballpen yung mata niya? Lakas ng loob mang-irap.
CLOUD POV
Maaga akong nagising ngayong umaga. Unang araw ng klase kaya dapat hindi ako malate. Bumaba na ako para maligo. Naabutan ko si Mama na nagluluto ng almusal.
"Goodmorning Mama." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Oh, gising kana pala. Sige maligo kana at ng makakain. Baka mahuli ka pa sa klase mo." Sabi sakin ni Mama habang naghahain ng almusal. Pagkatapos ko kumain at mag-ayos paalis na sana ako ng may maalala ako. Dinukot ko yung pera sa bulsa ko.
"Mama, Ito na po yung kinita ko kagabi. Medyo malaki po yan. Kayo na po bahala." Ngumiti naman si Mama sakin. Ginulo pa niya ang buhok ko bago ako tinulak papasok sa banyo.
"Salamat anak ha. Mag-aral ka mabuti." Sabi ni Mama. Tumango naman ako at hinalikan siya sa pisngi bago tuluyang naligo. Nang matapos kumain ay tumayo na ako para pumasok. Palabas na ako ng pinto nang may sumigaw.
"Kuya, pwede ba sabay na tayo pumasok? " tanong ng kapatid ko. Ano kayang nakain nito? Hindi naman sumasabay sakin to pero sige pumayag na ko. Malakas sakin yan eh. Habang naglalakad kami ng kapatid ko bigla niya akong kinalabit.
"Kuya, kamusta yung trabaho mo kagabi?" Tanong ng kapatid ko. Bakit naman niya natanong? Mayamaya lumapad yung ngiti niya.
"Bakit ganyan ka makangiti? Naka drugs ka ba? Sabihin mo habang maaga pa para mapa rehab na kita. Maganda yung maagapan agad. Para konti lang gastos." Sabi ko sa kanya. Pero nagbibiro lang naman ako. Nang bigla niya akong batukan. Putek!
"Sobra ka naman kuya! Hindi ko gagawin yun no! Pero maiba tayo, may nakilala ka bang chicks kagabi?" Tinanong niya yan habang nakataas ang kilay.
"Ano bang gusto mo malaman? Deretsahin mo na ako. Alam kong may gusto kang sabihin." Sabi ko sa kanya. Magpapaligoy ligoy pa kasi.
"Kuya talaga!! Eh kasi pumasok ako sa kwarto mo kagabi para ayain kang kumain." Sabi niya ng nakangiti. Tinitigan ko lang siya. Kaya tinuloy niya yung sinasabi niya.
"May narinig akong sinabi mo. Hindi ko lang alam kong pagod ka kaya ka bumubulong, o kaya naman may nangyari talaga at napapanaginipan mo yun. Lumapit pa nga ako at kinapa ko yung noo mo baka kasi may lagnat ka pero wala naman." Ang haba ng sinabi niya. Pero Shet na malupit ano daw? Patay na ano kaya yun? Kelan pa ako nag sleep talk?
"Ano ba yun? Bakit hindi mo pa ituloy." Kunwari hindi ako naapektuhan. Chill lang cloud.
"Magkikita pa tayo" Yan ang sabi niya at ngumiti. Anong sinasabi nito? Malamang magkikita talaga kami. Iisa lang ang bahay namin eh.
"Tigilan mo na ang pag-inom ng kape. Nakakabaliw yan." Sabi ko sa kanya. kumunot naman ang noo niya. Hindi niya nagets kaya nagsalita ako ulit.
"Hoy Aiza, malamang magkikita pa talaga tayo ka-" At yun binatukan ulit ako. Sobra na to ah, physical abuse na to. Sino ba mas matanda samin? Pasalamat ka kapatid kita. Kausap ko sa sarili.
"Nakakarami ka na ah, hindi porket hinahayaan kita itutuloy tuloy mo yan." Banta ko sa kanya.
"Hindi yan ang sinasabi ko. Ang ibig kong sabihin. Magkikita pa tayo, yan ang sinabi mo kagabi." Paliwanag niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Nang maalala ko kong anong tinutukoy niya umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Parang umiikot din yung tiyan ko. Anak ng tinapa anung nangyayari sakin? Lbm?
"Hala! kuya, nag blush ka. Naku sinasabi ko na nga ba may nangyari talaga eh." Sa i niya at tinuturo pa ako. Iniwan ko na siya doon. Bahala siya.
Nang makarating ako sa campus naglakad na ako pa hallway. May nakita akong babae at lalaki. Mukhang nabangga nung lalaki yung babae. Wait? Si Ivan ba yun? Teka yung babae yun sa party ah! Anak ng, studyantd din pala yun dito?
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.