CLOUD POV
Nakahilata lang ako dito sa kama habang nakapikit. Hanggang ngayon hindi pa din maalis ang sama ng loob ko sa babaing yun. Ang masaklap pa wala naman akong karapatan na maramdaman to. Nawalan na ako ng gana na pumasok sa trabaho hindi din naman ako makakapagfocus. Magpapaliwanag nalang ako bukas. Papikit na sana ako ng biglang may kumatok. Sino naman kaya to? Ah, baka si aisa. Pagbukas ko ng pinto natulala ako. Si Dea ba talaga to? Bigla siyang nagsalita. Parang hindi siya mapakali.
"Ahm. Hi? May I come in? " parang nahihiyang sabi niya. Natutuwa ako sa reaksyon niya kaya nagkunwari akong galit.
"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi magkasama dapat sila ni Ivan ngayon.
"Pwede ba tayo magusap? " she asked. Huminga aki ng malalim bagi siya pinapasok sa loob ng kwarto ko. Malinis naman yun kaya okay lang. Umupi siya sa mahabang silya sumunod na din ako. May nilabas siyang ice cream sa plastic at nagulat ako dahil paborito ko yung flavor ng na avocado. Tss. Alam ko na kung kanino niya to nalaman. Kanino pa edi sa magaling kong kapatid. Tumingin ako sa kanya.
"Ahm. I just want to say sorry for what I've done. Hindi ko sinasadya na sabihin yun. I mean hindi kasi ako sanay napinakikialaman na pinapansin lahat ng kilos ko. Kaya sana you understand me. " paliwanag niya sakin. Nakita kong napakagat siya sa labi niya. Mukhang hindi nga siya sanay. Napangiti ako. Naibaba niya yung pride for me. Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mata niya. Shit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Dont cry. Ayokong nakikita ka na umiiyak lalo na kung dahil sakin." pagkatapos lumapit ako sa kanya at pinunasan yung luha niya. Masyado siyang maganda para umiyak. Napatingin ako sa ice cream. Natawa ako. Kinuha ko na yun at sumubo.
"Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman na paborito ko to. Alam ko na kung sino ang nagsabi sayo. " sabi ko sa kanya ng nakangiti. I saw her na nagiwas ng tingin nakita ko din na untiunti siyang namumula.
"Hahaha... Ang pula mo para ka ng kamatis hahaha.. " sabi ko habang tumatawa. Bukod dun masaya din ako kasi ako dahilan ng pamumula niya. Shit. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito. Nagulat ako ng hampasin niya ako ng bag.!
"Aray!! Masakit ah.! Kainin mo na nga yang ice cream mo. Wait anong flavor niyan? Woah. Paborito mo yan? Tanong ko sa kanya. Mahilig pala siya dyan? Ngayon alam ko na. Inalok niya ako pero tumanggi ako. Bakit ba hindi ko type ang lasa nun. Kumain lang ako ng kumain sarap kaya. Napatigil ako ng parang may nakatingin sakin.napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa pagkain ko.
"Bakit ang sama ng tingin mo sa pagkain ko? " tanong ko sa kanya. Mayamaya ngumiti siya. Oo ngiti. Tangina alam kong ngiti yun pero kakaiba lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti na yun. Bumalik ako sa katinuan ko ng magsalita siya.
"Pwede patikim? " she asked. Kumunot ang noo ko tapos tumayo ako at nilayo ang pagkain ko. Ayoko nga. Nang medyo malayo na ako hinabol niya ako. Grabe seryoso talaga siya. Sinasabihan ko lang siya ng ayoko habang nakain ako. Mayamaya huminto siya at tumawa.
"Hahahahahah.. Ang pangit ng itsura mo.. Ahahaha.. " sabi pa niya habang tumatawa. Ako pangit? Aba hindi ba niya alam kung gano kadaming babae ang napapatingin sakin in public? Humanda ka sakin.
" ah. Ganun ha. Pangit pala ako ha.?" sabi ko sa kanya habang untiunting lumalapit nang malapit na ako inabot ko siya at kiniliti. Akala niya ha. Naghabulan lang kami dun hanggang sa mapagod. So ano na? Itatanong ko ba? Siguro nga.
"So ano ng status natin? " tanong ko. Tama naman diba? Baka mamaya magassume na naman ako mahirap na. Nakita kong nagtaka siya.
"What do you mean status? " nakakunot na tanong niya. Bakit ano ba ang pagkakaintindi niya? Ah, alam ko na. Binatukan ko nga. Haha ayos. Nakabawi din ako.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.