AIDEA POV
Nang maramdaman kong wala na sa harap ko si Cloud napahiga na ako sa kama. Sa totoo lang wala naman sa kanya ang problema nasa akin. Hindi ko naman gusto yung nangyari kanina. Kahit ako nahihirapan. Ayokong mamili sa kanilang dalawa. Parehas silang mahalaga sakin pero mas mahalaga sakin si Cris. Mas matagal ang pinagsamahan namin kumpara ni Cloud. Kilala ko si Cris. Kapag nagkagusto siya sa isang lalaki gagawin niya ang lahat. For short magkaugali kami. Isa pa iba ang pakiramdam ko kapag nasa paligid ko si Cloud. Yung feeling na slow motion ang lahat. Yung siya lang ang nakikita ko. Sa tingin ko masamang senyales na yun. Kapag si Ivan naman ang kasama ko masaya naman ako yung feeling na magaan ang loob ko. Yung pakiramdam na sana hindi na matapos yung araw na kasama ko siya. Argg!!! Ang hirap. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko kailangan ko lumayo kay Cloud kung gusto ko pang tumagal ang friendship namin ni Cris. Sa dami ng inisip ko sumakit yung ulo ko kaya naisipan ko ng matulog.Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Tumayo na ako. Nagugutom na ako kaya bumaba na ako at pumunta sa kitchen.
"Gising na po pala kayo ma'am. Ano pong gusto niyong kainin? Ipaghahanda ko na po kayo." tanong sakin ng maid. Wala akong ganang kumain kaya pasta at milk na lang. Tumango lang siya at nagsimula ng ihanda yung pagkain. Umupo muna ako sa sofa. Biglang nag ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yun si Cris. I sigh before I answered.
"Hello." I said.
"How are you? Im sorry hindi na ako nakapunta diyan ako na kasi ang nagasikaso ng lahat dito." she explained."Relax. Im fine. Papasok na ako bukas. Dont worry."I answered.
"Are you sure? Baka mabinat ka pa." sagot niya sakin. Napailing na lang ako. Ang oa niya.
"Im fine, so stop worrying. Okay." I said.
"Okay.pahinga kana.goodnight." she said.then binaba ko na yung tawag. Napalingon ako ng tawagin ako ng maid para kumain. Habang kumakain ako hindi ko maiwasan na isipin yung nangyari kanina.hindi ko gustong maoffend siya. Ayoko lang ng gulo sa pagitan namin. Nang matapos na ako kumain umakyat na ako para matulog.papasok na ako bukas. Bukas ko na iisipin kong paano ko haharapin si Cloud.
CLOUD POV
Hindi ako pumasok ngayong gabi.panigurado kasi na hindi rin ako makakapagfocus sa trabaho.pagkatapos ko kumain umakyat na ako sa taas at nahiga sa kama ko. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung sinabi niya. Ano bang problema? Inalala ko lahat ng mga nangyari samin. Inalala ko lahat pati yung pakiramdam baka sakaling may malaman akong sagot. Hanggang sa may naramdaman akong mali. Yung mga naramdaman ko nitong huli. Yung pagkainis ko kapag magkasama sila ni Ivan. Confirm. Pero kailangan kong makasigurado. Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa sobrang pagiisip ko.
Kinabukasan maaga akong nagising hindi dahil sa kailangan kong pumasok ng maaga kundi dahil hindi ako talaga ako nakatulog sa pagiisip. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana. Pagkarating ko sa school hinanap ko agad yung babaeng yun. Pumasok na ako sa room. Nilibot ko yung paningin ko pero wala siya. Napaaga ata ako ng pasok. Ilang minuto lang nakitanko na siyang papasok. Tatawagin ko na sana siya kaya lang nakita ko si Cris sa likod niya. Nakita kong tumingin siya sakin pero sandali lang. Mayamaya nagsimula na yung klase. Hindi ako nakikinig wala akong pakialam ngayon sa grades ang gusto ko matapos na yung klase para makausap ko siya. Nakita kong naguusap silang dalawa tapos biglang natigilan si D at tumingin sakin. Nagiwas din siya agad ng tingin. Sa wakas natapos na din yung klase namin. Nakita ko na palabas na silang dalawa kaya tumakbo ako para sumunod.
"Hey, sa canteen ba kayo pupunta?" tanong ko. Biglang humarap si Cris.
"Cloud.! Ah, oo gusto mo ba sumabay?" tanong niya sakin. Tumingin ako kay D tapos binalik ko din yung tingin ko kay Cris. Sorry kung gagamitin kita para makausap at mapalapit sa kaibigan mo.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomansAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.