IVAN POV
Ilang araw ko ng napapansin na wala sa sarili si Dea. Lagi siyang nakatulala. Malayo ang tingin. Tapos bigla nalang hihinga ng malalim. Kapag magkasam naman kami pilit lahat ng galaw niya. Lalo na ang mga ngiti niya. Hindi ko na kaya ang pananahimik niya. Binigyan ko na siya ng ilang araw para masabi sakin ang problema pero wala pa din. Kaya tinawag ko ang secretary ko.
"Dalhin mo dito si Cris. You know her right?" tanong ko sa kanya. She nodded. Kung ano man ang problema niya dapat ko yung malaman. Ilang minuto lang dumating na silang dalawa.
"Bakit mo ko pinatawag may problema ba?" tanong niya. Inayos ko muna yung mga papeles na pinirmahan ko bago ko siya hinarap.
"Dederetsuhin na kita. May alam ka ba na hindi ko alam?" tanong ko sa kanya. Alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Napaiwas siya ng tingin. Lumapit ako sa kanya.
"Cris. Please. Pati ba naman ikaw? Gagawin akong tanga?" hinanakit na sabi ko. Alam kong may mali.
"Hindi ako ang dapat na magsabi sayo. Sorry." nakayukong sabi niya. Shit. Napatayo ako. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Ang alam ko lang galit ako. Hinampas ko ng malakas yung mesa. Sakto namang dating ni Dea. Nagulat siya ng makita niya si Cris. Biglang tumayo si cris at tumakbo papunta sa pinto. Pero bago siya lumabas may sinabi siya kay Dea. Nakita kong napatingin siya sakin at napalunok. Tuluyan ng lumabas si Cris. Naiwan kaming dalawa dito. Hindi ko kayang pagsalitaan siya kaya tumalikod ako.
"May dapat ba akong malaman?" tanong ko. Naramdaman kong lumapit siya sakin. Hinaplos niya yung likod ko. Shit. Haplos pa lang niya natutunaw na yung galit ko.
"Ipapaliwanag ko lahat. But please. Kumalma ka muna." sabi niya sakin at iginiya ako sa sofa. Huminga siya ng malalim.
"Bago ako magsalita ng tungkol dun. Gusto ko munang sabihin sayo. Wala kang kasalanan. Wala kang pagkukulang, minahal kita. At ang totoo hindi ko alam kung paano nangyari." mukhang alam ko na. Kahit hindi pa siya nagsasalita. Makikipaghiwalay siya. Shit. Kung kelan mahal na mahal ko na siya. Pakiramdam ko ginamit lang ako. Pinipigilan ko yung mga mata ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan ang mukha niya. Ayokong magalit sa kanya. Ang unfair no.? Dapat galit ako pero bakit hindi ko magawa? Baliw na ata ako. She sigh then sinabi na niya lahat. Nakikinig lang ako. Siya naman iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung yung gaano ako nasasaktan. O kung gaano ako naawa sa kanya. Hindi ko namalayan na umiiyak na din pala ako. Ang sakit. Sobra. Yung akala mo na siya na. Pero may mahal pala na iba. Aaminin ko. Naramdaman ko naman na mahal niya ako. Pero hindi yun sumapat para mahalin niya ako ng totoo. May mas nakahigit. May mas nakalamang. Ang hindi ko matanggap kaibigan ko pa. Pinunasan ko yung luha ko at tumayo. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako.
"Im sorry Ivan. Promise hindi ko sinasadya. Please, wag ka naman magalit sakin." sabi niya sabay tayo at niyakap ako mula sa likuran. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Then hinarap ko siya. Pinunasan ko yung mga luha niya.
"Masakit. Totoo yun. Hindi ko alam kung magagalit o matutuwa ako. Magagalit kasi pakiramdam ko sinulot ka sakin." nahihirapang sabi ko.
"Ivan no please. Hindi totoo yan. Minahal kita. Alam kong alam mo yun." sabi niya habang hawak ang pisngi ko.
"Dea, mahal na mahal kita. Ang tanga ko kapag sinabi kong pinapalaya na kita. Isipin ko palang masakit na. Alam mo ba yung pakiramdam na parang pinipiga yung puso mo? Ganun yung pakiramdam." nagiwas siya ng tingin. Napansin kung tumulo yung luha niya. Shit. Hindi ko kayang nakikita siyang ganyan. Siguro kailangan ko na siyang bitawan kahit pakiramdam ko para na akong pinapatay. Matagal ko na itong gustong gawin. Dahan dahan kong itinaas ang baba niya. Unti unti akong yumuko para halikan siya. Sorry. Pero gusto kitang maramdaman kahit ngayon lang. Hindi siya tumugon. Doon palang alam ko na kaya humiwalay din agad ako.
BINABASA MO ANG
THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)
RomanceAIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras at pagkakataon. May hangganan ang lahat.