CHAPTER 32

1.3K 20 0
                                    

AIDEA POV

Nagliligpit na ako ng gamit ng may makita akong lumapit kay Ivan. Tumaas ang kilay ko. Anong kailangan ng babaeng ito sa boyfriend ko? Shit. Nung sinabi ko yun may part na okay. May part na mali. Tumayo ako hinatak si Ivan patalikod. Ayoko ng may ibang humahawak sa kanya.

"Dont you dare touch him." sabi ko sa kanya. I saw her shocked. But I dont care.

"Excuse me." sabi ko sa kanya at hinila ko na si Ivan palabas ng room. Dumeretso kami sa parking lot. Bakit ang tahimik ng lalaking to? Sinulyapan ko siya. Bakit ang pula nito?

"Are you okay? May sakit ka ba?" nagaalalang tanong ko sa kanya. Umayos naman siya at tumingin sakin.

"Im okay. Saan mo gusto kumain?" tanong niya sakin. Kumunot naman ang noo ko.

"Im fine." Pinaandar na niya yung kotse. Nang may makita kaming restaurant agad siyang nagpark. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkapasok namin sinalubong kami ng waiter.

"Table for two." sabi niya. Iginiya naman kami ng waiter kung saan. Pagkaupo namin umorder na kami. Habang wala pa yung pagkain namin bigla siyang nagsalita.

"By the way, nagpunta pala si Cris sa opisina ko kanina. She asked about cloud's address." nanlaki yung mata ko. Pero hindi ko pinahalata yumuko agad ako.

"Bakit naman daw?" inosenteng tanong ko. Im nervous. Baka anong sabihin ni cloud kay cris. Hindi ako mapakali.

"Ah, ilang linggo na daw kasi hindi pumapasok." sabi niya sakin. Oo. Hindi siya pumapasok. Wala kasi akong balita. Ang akala ko baka nagbakasyon. Gustuhin ko man na pumunta. Pinipigilan ko ang sarili ko.

"I see. Baka naman nasa bakasyon." sabi ko nalang. Tumango lang siya. Dumating na yung pagkain namin. Pinilit kong kumain ng maayos. Ayokong mahalata niya na may bumabagabag sakin. Gabi na ng matapos kami. Kaya hinatid na niya ako sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Goodnight D. See you sa monday." sabi niya sakin sabay halik sa noo ko.

"Goodnight din I." then I kissed him sa cheeks niya. Senenyasan niya ako na pumasok na sa loob kaya naglakad na ako. Nag shower muna ako bago nahiga sa kama. Nang biglang tumunog yung phone ko. Its aisa. Kinabahan agad ako. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko. I thought it was important so I answered it.

"Hello? Aisa? Napatawag ka?" I asked. Nataranta ako ng marinig kong humihikbi siya.

"Aisa? What happened? Why are you criying?" worried kong tanong sa kanya.

"Ate. S-si kuya, hindi ko na namin alam kung anong gagawin sa kanya. Hindi na siya lumalabas sa kwarto. Wala siyang ganang kumain. Inom lang siya ng inom. Hindi na namin siya kilala. Ate. Sinisira ni kuya yung buhay niya. Please ate. Help him. Nagmamakaawa ako. Kahit para sakin na lang." oh my god!! Anong ginawa mo cloud? Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Tumayo ako at nagayos. Pupuntahan ko siya. Nang makarating ako sa kanila agad akong kumatok. Pinagbuksan ako ni aisa. Bigla niya akong niyakap.

"Ate. Buti pumunta ka. Nasa taas po siya. Hindi pa siya kumakain." sabi niya sakin. Pumasok ako sa loob.

"Nasaan ang pagkain niya?" tanong ko sa kanya. Binigay naman niya sakin. Nagsimula na akong umakyat sa taas. Kinakabahan ako. I sighed before I knocked. Matagal bago may sumagot.

"Ayokong kumain." sigaw niya. Kumatok ulit ako. Mayamaya nakarinig ako ng yabag. Binuksan niya yung pinto.

"Ang sabi ko ayo-ko" nanlaki ang mata niya ng makita ako. Nang mabawi siya kumunot ang noo niya. Tinitigan ko siyang mabuti. God. Ang laki ng pinayat niya. Humaba na din ang buhok niya. My god. Si cloud ba to? 

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon