CHAPTER 35

1.4K 14 0
                                    

AIDEO POV

Nasa kalagitnaan ako ng meeting ng magtext sakin ang kapatid ko. Nagreply na lang ako na hintayin niya ako. Panay ang tingi ko sa relo ko. Nang hindi na ako makatiis tumayo na ako. Isa pa kanina pa ako hindi mapakali. Nagulat sila ng bigla akong tumayo.

"Exuse me. I have to go. Importante lang." I said. Then kinuha ko na lahat ng gamit ko. Agad akong lumabas ng conference room at nagpunta sa parking lot. Nang makarating ako sa school hinanap ko agad siya. Then I saw her. Nakaupo sa damuhan at iyak ng iyak. Nataranta ako kaya tumakbo ako para lapitan siya. Nang makita niya ako agad niya akong niyakap.

"What happened?" I asked. Habang hinahaplos ko yung likod niya.

"Kuya, please go somewhere. Sa bar sige na kuya please." what? Iinom siya? Now I know may nangyari talaga. Weird pero alak lang ang kailangan niya para kumalma. Matagal na simula ng huli siyang uminom.

"Okay princess. But please calm down. Nagaalala na ako sayo eh." huminga siya ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Dahan dahan ko siyana itinayo at dinala sa sasakyan. Pagkapasok niya sa loob agad niyang sinandal yung uli niya sa bintana. Naikuyum ko ang mga palad ko. Nang makarating kami sa bar agad siyang dumeretso sa high stool chair at umorder na ng alak niya. Nakakailan na siya ng bigla siyang magsalita.

"Tss. Bakit ba kasi nagmamahal pa ang tao." wala sa sarili niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko.

" ang sakit pala kuya. Na yung taong mahal mo kailanman hindi mapapasayo." hindi ko na masyado maintindihan ang sinasabi niya. Mayamaya tumulo na yung luha niya. Walang tunog. Umaangat din ang balikat niya pero tahimik lang siya. Mapahawak na siya sa dibdib niya kaya lumapit ako.

"Kung ano man ang problema mo iiyak mo lang. Makakatulong yan para kahit papaano gumaan ang pakiramdam mo." yan na lang ang sinabi ko. Wala akong alam sa mga ganito. Nung sinabi ko yun umiyak lang siya ng umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang bunso ko. Imiibig na. Naalala ko si cris. Dinial ko ang number niya. Pero out of coverage yun. Kung kelan naman kailangan siya ng kaibigan niya hindi makontak. Nabaling ang atensyon ko ng biglang magring yung phone ni Dea. Kinuha ko yun at sinagot.

"Hello Dea? Nasaan ka? Please sabihin mo magusap tayo." inunahan pa talaga ako magsalita. Base sa mga sinasabi niya mukhang siya ang dahilan ng pagiyak ngayon ng kapatid ko. Shit. Ang lakas ng loob niya. Sinabi ko kung nasaan kami. Nagulat pa siya na ako ang nakasagot. Lasing na si Dea kaya hinila ko na siya palabas ng bar. Ang balak ko mamuti ang mata ng cloud na yun. Kaya lang paglabas namin andun na siya. Sinalubong niya kami. Lalapit sana siya kay Dea ng itaas ko ang kamay ko.

"Dont you dare to touch her. Amg kapal ng mukha mong paiyakin ang kapatid ko. Wala kang karapatan." mariin kong sabi sa kanya habang hawak ko si Dea.

"Nagkakamali ka. Please, maguusap lang kami." nagmamakaawa yung mga mata niya. Nakita kong nagtaas ng ulo ang kapatid ko ng marinig niya ang boses ng Cloud na ito. Tinitigan niya ito ng matagal bago umiwas ng tingin.

"Umalis kana Cloud. I need space. Napakarami ng nangyari pagpahingahin niyo naman ako." sabi niya habang nakayuko. Hindi na rin siya makatayo ng maayos. Napayuko nalang yung Cloud at binigyan kami ng daan. Binuhat ko na si Dea papunta sa kotse at pinaandar ito. Sumandal ulit si Dea sa bintana at tahimik na umiiyak. Napahinga ako ng malalim. Malalampasan mo din to. Kahit hindi niya sabihin sakin alam kong boyfriend niya si Ivan. I have my ways. Isa pa nagiisa ko siyang kapatid. Nang makarating na kami sa bahay. Binuhat ko ulit siya papunta sa room niya.

"Thank you kuya." sabi niya sakin na hindi tumitingin.

"Magpahinga kana. Papasok ka ba bukas?" tanong ko sa kanya. Napayuko siya.

THE SPOILED BRAT PRINCESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon