Ibinalita sa telebisyon ang tungkol sa nangyari kagabi. Bagaman, pinalabas na ang lokal na kapulisan ang nakahuli sa kanila at hindi ako. Hindi rin binulgar ang pagkakakilanlan ko bilang biktima. Kailangang mag-ingat, baka masira pa ang cover ko. Kaya nang sumunod na araw ay pumasok ako na parang walang nangyari. And as usual, maingay sa buong klase ko.
Sa lahat, ako lang yata ang tahimik at halos walang ginagawa. Busy ang mga kaklase ko sa kani-kanilang buhay, at hindi nila ako pinapakialaman. An advantage for me, actually. I can act freely, no 'friends' to waste my time and think about. And I can concentrate on my mission.
"Hey, Penelope!" Pero sa boses na iyon ay tumingala ako sa babaeng nakaupo sa desk ko. "May gagawin ka bukas?"
"Busy ako bukas," tipid kong sagot.
"Ano ba iyan! Lagi ka na lang busy. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, ha?"
"Marami."
"Gaya ng?"
"Pag-aaral."
Humalukipkip siya. "Boring naman! Bakit hindi ka naman gumimik nang konti?"
"Hindi ako interesado."
"Haay naku, sayang naman ang high school life mo kung hindi mo i-e-enjoy!" Tumayo na siya. "But if ever you change your mind, nasa mall lang kami, somewhere there. Hehehe," tapos ay umalis na siya.
She's Kylie Bernardino, 15. Anak ng isa sa mga may-ari ng eskuwelahang ito. Isang tipikal na bratinela, nasusunod palagi ang kapritso sa buhay, at mukhang walang ibang bukambibig kundi shopping at mga lalaki. Hindi ko nanaising makasama ang babaeng tulad niya. Pero mula pa noong mag-transfer ako sa skwelahang ito ay siya lang ang madalas na lumalapit sa akin at nakikipag-usap. Minsan nga ay nakukulitan na ako sa kanya. Pero at least hindi siya iyong tipong namimilit. Ang mga babaeng tulad niya ay maaaring maging target ng 'Diatryma' - isang notorious syndicate na gumagawa ng iba't-ibang mga ilegal na transaksiyon gaya ng drug-trade, sugalan, at pagbibenta ng mga armas at babae. Dahil sa kanila, laganap ang kidnapping sa mga batang estudyante ngayon. At dahil sa distritong ito pinaniniwalaang nakatayo ang punong-himpilan nila maging ang tirahan ng mga boss nila, nandito ako ngayon upang tuklasin, lutasin, at wakasan ang masamang gawain nila. Lalo na ngayong napapadalas na ang kidnapping ng mga high-school girls. Tila hindi ito alintana ng lokal na mga awtoridad sa distritong ito. Siguradong isa sa mga nakatataas nila ang kontrolado ng sindikato kaya tila pikit-mata lang nilang iniignora ang operasyon ng diatryma. What a dirty troupe of useless cops.
Except one.
Isang pulis na mula sa distritong ito ang lumapit sa agency namin at humingi ng tulong. Masakit man daw aminin para sa kanya na kinailangan niyang sumabay sa pagiging bulag at bingi sa mga nangyayari sa distritong binabantayan niya, wala siyang magawa dahil natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya at sa pamilya niya sa oras na kinalaban niya ang diatryma. He informed the agency that it's their district where the big bosses of the said syndicate nests. Buti na lang at may isa pang tulad niya na mabuti ang nananatili sa lungsod.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong lumabas ng classroom at dumistansiya sa mga estudyanteng nasa malapit.
It's my Intel.
"Pasensiya na hija, pero ordinaryong mga rapist lang pala ang nadale mo."
Na-dismaya ako sa balita niya. Pero tumango na lang din ako't binaba ang linya. Tapos ay tumalikod na ako upang bumalik na sana sa room ko. Ngunit pag-ikot ko'y nabangga ako ng kung sino't napaatras. Inayos ko ang salamin ko't tiningnan ang taong nakabangga ko.
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...