____CHAPTER 15____
【 KYLIE 】
"Is there any chance for a guy like me to be liked by...you?"
Namilog ang mga mata ko sa narinig ngayon lang mula kay Nash.
Seryoso ba siya?
Maliwanag kahit paano ang paligid ng daan kung saan kami naroroon dahil sa mga ilaw mula sa mga street lamps kaya nakikita ko ang mukha niya. Pero hindi ko parin masabi kung seryoso ba talaga siya o niloloko niya lang ako. Seryoso naman ang mukha niya, pero di'ba ganun naman talaga siya? O hindi.
Hindi ko talaga alam.
Narinig ko pa ang hiyawan, sipulan, at palakpakan ng mga hazzards sa may daan.
"IKAW NA TALAGA BRO!"
"WOOOH!! Way to go Nash!!"
"NAKAPAG-TAPAT KA RIN SA WAKAS! HAHAHA!"
Tinapunan naman sila ng tingin ni Nash, lalo na yung kambal. "MGA TUNGAK!! ALAM N'YO BANG KAYO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NGAYON LANG AKO NAKAPAG-TAPAT? Tss.." tumahimik naman sila sa sinabi niya.
Napaisip tuloy ako. Tapos, naalala ko bigla yung mga panahong tatanungin niya sana ako tungkol sa kung anong bagay pero laging hindi natutuloy dahil dumarating bigla sina Mike at Milo.
Ibig-sabihin..yung gusto niyang itanong ay...yun pala?
"Kylie?" napatingin uli ako kay Nash. Diretso lang ang tingin niya sa'kin at sobrang seryoso niya.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Kung totoo man ang sinasabi niya sa'kin, sa katunayan ay natutuwa ako at na-a-appreciate ko siya.
Pero ano bang sasabihin ko?
Tila na-blangko na lahat sa utak ko nang magtapat siya sa'kin ngayon lang.
"Uhm...ano kasi.." umiwas ako ng tingin. "Kuwan..ano..aah--"
"It's okay."
Napatingin ulit ako kay Nash. Seryoso parin ang mukha niya. But somehow, I felt his sincerity behind.
"Alam kong nabigla kita kaya...ayos lang kahit na hindi ka agad sumagot." aniya.
"Kasi naman..nabigla talaga ako sa'yo. H-hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko." kahit na sino naman sa sitwasyon ko, sigurado akong mapapa-isip din. Kung tutuusin, napakasimple lang dapat ng sagot dahil 'yes' or 'no' lang naman ang options. Ang kailangan ko lang namang gawin ay pakiramdaman ang sarili ko. Pero hindi ko alam kung bakit nag-blangko ang lahat sa utak ko nang tanungin niya ako nun, nakakainis tuloy. Para kaming mga timang doon.
Nagtaka ako nang bigla siyang natawa sa sinabi ko, pero sandali lang naman yun. Samantalang natigilan naman ako. Ang sandali niyang pagtawang yun kasi..ay tila nagkaroon ng bahagyang epekto sa'kin.
"Pasensya ka na sa'kin ha kung naging straight to the point ako. Kainis naman kasi sina Milo eh, lagi nila akong binabara noon."
"Pasensya naman pare, hindi namin alam na nagtatapat ka na pala noong mga panahong yun!! Hehehe.." sabat naman ni Milo.
"Oo nga. Kung sinabi mo lang agad sana sa'min.." dagdag naman ni Mike. Tapos ay narinig nalang namin na inaway na silang dalawa nung iba pang mga hazzards.
Samantalang nakita ko namang inikot ni Nash ang mga mata niya. At hindi ko naiwasang mapangiti dahil dun.
Tapos ay tinitigan ulit niya ako. Napalunok pa siya bago magsalita.
"Ahh..aalis na kami. At..tungkol dun sa tanong ko, kahit kalimutan mo nalang. Tinatanong lang naman kita kung maaari mo ba akong magustuhan. Hindi naman yun ganun ka...big-deal, di'ba?" Umiwas siya ng tingin. Tapos ay naglakad na siya patungo sa mga hazzards sa may kalsada, bagsak ang mga balikat. Isa-isa naring sinuot ng mga hazzards ang mga helmet nila. Ang tahimik sa paligid nang mga sandaling yun.
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Novela JuvenilTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...