3:3

34 0 0
                                    



Ganun pa rin naman niya ako tratuhin gaya noon. Pero feeling ko, nag-level-up na ako ngayon. Kasi nagkakaroon na kami ng medyo mahaba-habang conversations sa school, minsan ay hinahayaan na rin niya akong sumabay sa kanya sa recess at lunch break. Nakaka-ilang beses na rin akong nagha-hapunan sa bahay niya. At kahit alam kong hindi pa niya ako masyadong feel, hindi rin siya yung tipong nagsusungit at nananaboy. Actually nasanay na ako sa attitude niyang iyon. Bagaman, may isang araw na nagmadali siya sa pag-uwi. Tapos ay uma-absent rin siya. At sa tuwing bibisitahin ko siya sa mga araw na absent siya ay wala naman siya sa bahay niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya. Kung ano man ang ibang pinagkaka-abalahan niya, sana ay okey lang siya.

"Kylie?" namulat ako mula sa pag-iisip nang bigla akong tapikin ni Claire sa balikat. "Tulala ka, ah. Ano ba'ng iniisip mo?"

"W-wala naman.."

"Duh, i'm sure na yung geek na naman ang iniisip niyan!" sabat ni Barbara.

"Bakit ba masyado mong inaalala ang nerdy na yun ha? Hindi naman siya ganun ka-importante." Pansin ko ang pagka-irita talaga ni Barbara kay Penelope, kahit noon pang baguhan palang ito ay tila mainit na dugo ni Barbara sa kanya. Ano ba'ng problema niya Kay Penelope?

Nginitian ko nalang siya.

"I'm just wondering kung ano ang ginagawa niya. Absent kasi siya ngayon eh."

"Duh, like..what do you care about her? She's a wierd nerd. And we don't have anything to do with her. Alam mo, nagiging wierd ka na rin katulad niya!"

Napatingin silang lahat sa 'kin.

"I'm not being wierd, Barbara. I'm just worrying for my...friend." Ngumiwi ang mukha niya saka humalukipkip.

"Friend? Oh, c'mon Kylie..I know you. Hindi ka basta-basta nakikipag-kaibigan sa mga tulad niya!" Tumayo ako sa seat ko tapos ay tinapunan siya ng tingin.

"You know me? I don’t think so, Barbara." Tapos ay umalis ako sa classroom. Bakit ba napaka-big deal na lumalapit ako kay Penelope? Ano ngayon kung nag-aalala ako sa kanya? Wala namang masama ro'n, ah.

Ewan kung bakit ganto ako ka-affected. Naiinis ako sobra!

"Tssk. Nawalan tuloy ako ng gana. Buti pang mamasyal nalang muna ako.." Nag-cut class ako. First time ko itong gagawin. Kasi naman itong si Barbara eh, masyadong pakialamera. Feeling naman niya, siya ang best friend ko. Mag-isa akong pumunta sa plaza malapit sa school. Wala pang masyadong tao roon, may mga klase pa kasi ang mga estudyanteng kadalasang nakakapag-puno ng plaza sa oras ng uwian. Bumili ako ng ice cream, at mga junk foods tapos ay humanap ako ng magandang pwesto para pagkainan.

"Hi classmate!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa mismong likuran ko. Paglingon ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko. Pitong mga lalaki na pare-parehong naka-black jacket, may makukulay at stylish na mga buhok, at pamilyar na mga mukha.

Hazzards..

Napalunok ako. Si Nash Palermo, iyong may violet na buhok na classmate rin namin ang sumigaw sa 'kin. Pinalibutan nila ako at umupo sa mga bakanteng upuan malapit sa 'kin.

"Kumusta na?" ngiti niyang tanong sa 'kin, tapos ay inakbayan niya ako. Sanhi upang tuksuhin kami ng mga natitira pang miyembro nila.

"A-ayos lang naman.” Grabe, aura't hitsura palang nila, nangingilabot na ako. Lalo na ngayong nag-iisa lang ako't pinapalibutan nilang lahat. At inaakbayan pa ng isa sa kanila. Unti-unti akong nakararamdam ng takot sa presensiya nila.

"Oy Nash, wag ka namang harsh. Natatakot na sa 'yo yung crush mo o!" saway sa kanya ni Arthur Urdaneta. Kilala ko silang lahat. Hindi naman sila mahirap kabisaduhing lahat dahil pito lang naman silang miyembro ng grupo. And they sure are infamous at school.

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon