____CHAPTER 12____
Ibig-sabihin, nasa Alpsburry parin pala kami. Hindi ko nga lang alam ang eksaktong lokasyon. Pero...
Tatakas si Darius?
"Imposible yan. Masyadong secured ang bawat daanan na maaari niyang lusutan."
"Except one."
Kunot ang noong tinitigan ko siya. "What one?"
"Isang underground tunnel ang pinagawa niya matagal na. At sigurado akong tapos na yun, at yun ang magiging daan niya upang makatakas dito sa Alps."
"Shoot. Why didn't you tell me that earlier?" tumayo ako't tinungo ang pinto.
Pero hinawakan niya ang isa kong kamay. "Wala kang gagawin."
Hinarap ko siya. "Ano?"
"Sigurado akong maghihinala sila pag nakita nila tayong pagala-gala tayo gayong gabi na. At isa pa, nasa labas rin si Vlad. Madali yung magduda."
Natigilan ako. Mukhang tama nga siya.
Napatingin ako sa mga kamay namin.
"Bitaw."
"Oh, sorry."
Lumakad ako patungo sa kama at naupo doon.
What now? Alangan namang hayaan ko lang na lumipas ang gabing 'to na walang ginagawa? Hindi pwede yun dahil bukas, tatakas na si Darius, at babalik ulit kami sa umpisa.
"Sa'n ang terminal nung tunnel?" tinanong ko ulit siya.
"Sa Mayhem district. One hundred seventy-three kilometers mula dito."
"Talaga?" Shoot. Walang dudang makakatakas nga siya!
Shoot!
Kailangan kong mag-isip ng paraan. Relax, Cinth. You can do something. Just breathe and think. Kainis, wala akong maisip! Ang lamig-lamig pa.
"Hey." napatingin ako sa kanya. "What?"
Bigla naman siyang nag-alangan, tapos umiwas ng tingin. "N-nothing."
Nag-isip ulit ako. "Uhm, anong oras raw aalis yung papa mo rito?"
"Tomorrow, after lunch."
Lumiwanag ang mukha ko. "Really?"
"Y-yes."
"Magaling! Akala ko kasi, bukas ng maaga ang alis." Maganda yun. Mas magkakaroon pa kami ng pagkakataon para humingi ng tulong. Napayakap ulit ako sa sarili ko. Kahit sarado ang bintana't pintuan, malamig parin. Sa tingin ko'y nasa isang mataas na lugar kami.
Sa isang bundok marahil.
Nabigla ako nang may tumamang itim na jacket sa mukha ko.
"Suotin mo yan." Napatingin ako sa kanya. Nakasuot lang siya ng T-shirt, yung suot niya rin kanina.
"Pero-"
"Sige na, matulog ka na." humiga siya sa sofa at tumalikod sa'kin.
Napataas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya.
May makapal na kumot sa kama, pero binigay parin niya ang jacket niya sa'kin, engot.
Tumayo ako't nilapitan siya.
"Hoy." nang hawakan ko ang isang braso niya'y nagulat siya.
"Ano ba? Huwag ka ngang manggulat diyan?"
"Tabi na tayo."
Natigilan siya sa sinabi ko saka umikot siya paharap sa'kin. "Anong sabi mo?"
"Tabi na tayo. Ang laki nung kama o. At tsaka baka lamigin ka diyan, kawawa ka naman."
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...