____CHAPTER 17____
【 KYLIE 】
Miyerkules. As usual, nasa school parin ako ngayon, particularly sa likurang bahagi ng campus. Dito lang kasi ang may magandang spot, mahangin at hindi ako naiinitan dahil sa mga puno. Nakaupo lang ako sa isa sa mga benches dito. At iniisip si Penelope. Pagkatapos nung nangyari last week, hindi ko alam, parang...wala akong ganang maging energetic at masayahin gaya ng nakikita ng nila sa'kin. Marami na ngang nakapansin sa pananamlay ko eh. Sino ba naman ang magsasaya kung malalaman nilang grabe ang kalagayan ng mahalaga nilang kaibigan?
Hanggang ngayon wala akong ideya kung kumusta na si Penelope ngayon at kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Ayaw sabihin sa'kin ni Cody ang totoo. Pero base du'n sa mga sinabi niya noong sabado, parang sinasabi niyang grabe talaga ang nangyari kay Penelope. Oh God, please..sana ok lang si Penelope, at sana ay makabalik na siya dito sa school.
"You're alone.."
Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang isang tinig mula sa likuran ko. Paglingon ko, natulala ako.
"Teka..." 'Totoo ba 'tong nakikita ko?' "Nash?" tanong ko sabay turo sa kanya. Nakangiti siya na tumango sa'kin. Samantalang napa-nganga naman ako sa kanya. "Your.....hair.." Parang namula naman siya nang tingnan ko ang buhok niya.
It's BLACK!
Kailan pa siya nagpa-kulay ng itim sa buhok niya?
Lumapit siya sa'kin sabay umupo sa kaharap na bench na inuupuan ko. Nang titigan niya ako, umiwas agad ako ng tingin. Grabe, ba't parang nahihiya ako?
"Hey..."
Kagat-labi ko siyang nilingon. "Bakit?"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay nagtaas lang siya ng dalawang-kilay niya at ngumiti sa'kin. Parang gusto niya yatang mag-comment ako tungkol sa...buhok niya. Teka, ano bang magandang compliment?
"Uh..nice hair!" ang engot mo Kylie!
"Gee, thanks." pero ang lapad ng naging ngiti niya.
Wow..I didn't know he's far more cute having a black, decent hair.
"Kailan ka nagpa-itim ng buhok mo?"
"Hmmm..that very night after you said you wanted to see me in black hair the next time we see each other, remember?"
Hindi agad ako nakasagot. Noong nagkita kami last saturday kina Penelope, hindi ko siya napansin dahil naka-helmet siya noon at never niya yung hinubad noong araw na yun. Ibig-sabihin... "You mean..you're serious with what you...said that night?"
"Yes."
Napanganga ulit ako't mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya talaga! Nakaka-bigla naman 'to, grabe!
"Now Kylie..." Napatingin ulit ako sa kanya. "Can I prove to you now my...feelings?"
".......Ha?"
"Pwede na ba akong manligaw?"
Natigilan ulit ako. Ba't parang ang bilis niya naman yatang magsalita?
"Aaah...ehh...ano.." ano nga ba?
Nang titigan ko siya'y tila parang nalungkot siya sa naging reaksyon ko. Tapos ay bigla siyang tumayo at mabilis nang naglakad na paalis.
"Teka sandali!" agad ko naman siyang hinabol. Pero patuloy parin siya sa paglalakad palabas ng back gate kaya nilampasan ko siya saka hinarangan. Buti tumigil naman siya. Pero ang OA niya ha, walk-out agad?
Pinamaywangan ko siya. "So hindi ka na interested sa sasabihin ko?"
Umiwas siya ng tingin. "Mukha namang hindi maganda yang sasabihin mo eh."
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...