Sabi ni Monty ay miyembro nga ng diatryma ang dalawang nahuli ko. At iyong nakatakas ay isa sa mga nakatataas nila sa diatryma. Si Darius Esguerra. Ang ama ng hairdo gang leader. Nakita ko rin siya sa personal. Sayang nga lang at nakatakas. Pero bakit naman kaya nag-aksaya pa ito ng oras upang personal na makipag-transaksyon sa warehouse at dalawa lang ang dalang mga tuta?
Duh, wala na akong pakialam. Ang importante ay may nahuli narin kaming diatryma.
"Sinabi na rin nila kung saan sila namamahay at kung sino-sino ang pinaka-pinuno nila?" tanong ko.
"Iyon na nga, eh. Ayaw pang kumanta."
"Ano?"
"Mukhang nasanay yata ang mga ito sa torture kaya hindi umuubra ang simpleng interrogation namin sa-" Pinindot ko na ang 'end call' ng cellphone ko't dumiretso sa agency. Nagulat nga sila sa pagdating ko doon suot pa ang uniform ko. Dumiretso ako sa silid kung saan naroon si Monty at yung mga Suspect. Nagulat nga siya sa biglaan kong pagdating.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa-" hindi na siya natapos pa sa pagsasalita nang malakas kong hinampas ang lamesa sa harap ng dalawang suspek ang dalawa kong mga kamay sanhi upang lumikha yun ng dumadagundong na ingay sa loob ng buong silid. Matalim kong tinitigan ang dalawang mga bakulaw sa harap ko.
"Kung ayaw n'yong magsisi na ipinanganak pa kayo, better tell us everything you know." gigil kong saad sa kanila. Ngunit nagkatinginan lang silang dalawa saka malutong na nagtawanan.
"Ikaw pala ang dumale sa'min kagabi," sabi nung isa.
"Pero asa ka naman. Hindi nga umubra ang ginawa ng mga boss mo, asa ka pang magsasalita kami sa isang bata." sagot naman nung isa pa. Tapos ay nagtawanan ulit silang dalawa kaya ngumitngit pa ako lalo sa galit.
"Ah, ganun?" Kinuha ko si Michie mula sa bagpack ko't tinapat sa kanilang mga mukha.
"Remember this, boys?" pinakita ko sa kanila si Michie. “It’s got a name. Minchie.”
Nawi-wirduhang tinitigan naman nila si Minchie.
"Ginawa mo na sa'min yan at nabuhay naman kami." sabi ulit nung unang bakulaw.
"Kaya hindi na kami natatakot diyan." segunda naman nung isa pa. Tapos nilapit niya sa 'kin ang leeg niya.
"Mabuti pang kuryente-hin mo na lang kami. At least hindi na talaga kami makakapag-salita dahil nga, wala na kaming malay niyan." at nagtawanan na ulit ang dalawa. Tinaas ko naman ang isa kong kilay at nginitian sila ng makahulugan.
"Really.."
Gamit ang isang kamay ay binalibag ko ang bakal na lamesa sa harap namin at tumalsik yun sa gilid. Kaya natahimik silang tatlo. "At sinong may sabi na sa leeg ko kayo kukuryentihin?"
Tinaas ko si Minchie at tinitigan ko silang dalawa. Tapos ay bumaba ang mga tingin ko sa mga..'ano' nila, at pabalik ulit sa kanila. Nakagapos ang mga kamay sila sa silyang kinauupuan nila kaya hinding-hindi sila makakakasa sa gagawin ko.
"A-anong gagawin mo?" napangiti ako ng maluwang nang tila nagbago ang expression sa mga mukha nila. At mas lumuwang pa yun nang dinikit nila ang mga hita nila at nag cross-legs.
"Oy..," tinawag ko si Monty. "Hindi ko sila kaya. Kaya kumuha ka ng mga maton do'n sa labas na puwedeng magpa...alam mo na."
Tinitigan ako ni Monty. Tapos ay si Minchie naman ang tiningnan niya. Nakangiwi siya na tila nanginginig pa habang minamasdan si Minchie sa kamay ko. Tapos ay atubili na siyang lumabas. Hinarap ko ulit ang dalawang bakulaw.
"Ano...Hindi pa ba kayo magsasalita?" I evilly smiled at them. Sila naman ay mukhang nababahala na sa gagawin ko.
*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...