1 : 2

163 5 0
                                    

Recess.

Nasa cafeteria ako ng school at kumakain nang pumasok ang hairdo gang. At mula sa maingay na kainan ay natahimik bigla ang lahat. Sabi ni Kylie, pito lamang silang miyembro ng grupo. Pawang mga barumbado at mahilig sa gulo. Walang away na inuurungan. Walang gulong hindi pinapasukan.

'Seven members, huh. Parang rainbow lang, may pitong kulay. Gaya rin ng mga buhok nilang wirdo. Mukhang bagay din sa kanila ang 'rainbow gang'.

Basta-basta na lang silang kumuha ng mga pagkain nang hindi nagbabayad saka naghanap ng mauupuan. Pinaalis pa nila iyong mga magka-kaklase na kumakain sa isang table. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng matiwasay. Tapos ay umalis na nang tumunog ang cellphone ko.

"Positive, agent. May isa sa kanila na related sa diatryma, si Cody Esguerra. Anak siya ni Darius Esguerra, isa sa mga lider ng diatryma. Bantayan mo iyang mabuti at baka magkaroon tayo ng lead sa lokasyon ng Diatryma."

"Roger that."

So the leader of the hairdo gang was related to the notorious syndicate huh? I am not surprised. Wika nga nila, 'kung ano ang puno, times two naman ang bunga.' Kailangan ko na lang gumawa ng paraan upang malaman kung saan siya nakatira, para mabantayan ko siya.

Agad akong bumalik sa cafeteria. Buti nalang at nasa loob parin sila. Konti na lang ang mga estudyanteng nandoon, siguradong natatakot sa kanila.

"P8ta, gutom pa ako. Carlos, kunan mo pa ako ng pagkain, dali!" sigaw nung 'emo' nilang leader. Tapos ay biglang tumayo iyong isang kasama niya na kulay asul ang buhok na tusok-tusok. Ito ang kumuha ng pagkain. Umupo naman ako sa isang lamesa malayo sa kanila at nagmasid. Ang iingay nila. Nagtatawanan at nagbabatuhan ng pagkain. Nakapatong ang mga paa sa table, yung iba'y naninigarilyo pa habang kumakain. Walang mga manners.

Ilang sandali pa'y nagsitayuan na silang lahat. Inayos ko ang salamin ko't tumayo narin. Umarte akong naglakad ng pa-inosente habang nakayuko hanggang sa mabangga ko siya.

"ACK! WHAT THE?" halatang nairita siya sa ginawa ko.

"N-naku, sorry!" yumuko ako't nag-sorry sa kanya.

"Teka...IKAW NA NAMAN?? BAKIT BA ANG TANGA-TANGA MO HA? BULAG KA BA? KITA MO NAMANG NANDITO AKO, BINANGGA-BANGGA MO 'KO?? ANG LAKAS DIN NAMAN NG APOG MONG BANGGAIN AKO AH!!" ang lakas ng boses niya, nakakarindi. Tss, para nabangga lang siya, ang dami nang kibot. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyanteng naroon. Pero dahil inaangasan naman sila ng mga natitirang miyembro ng gang ay natatakot sila't umaalis na.

"Sorry.." sinubukan kong magpaka-humble, pero nagngingitngit na ang mga mata niya sa galit. Hinawakan niya ang kuwelyo ng uniform ko't hinila yun palapit sa kanya. Napaka-intense ng mga mata niyang nakatitig sa 'kin. Talagang galit na galit at umuungol pa na parang aso.

"You'll regret this, GEEK!"

Napapikit ako't umiwas ng tingin. Ang sakit na nga sa tenga, tumalsik pa ang laway niya. Buti hindi siya bad-breath. Nagtawanan din ang mga kasama niya. Pero ako nama'y tinitigan lang sila. Inobserbahan ko ang mukha ng lider. Pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa mahabang buhok niya sa harapan.

"Ba't ganyan ka makatingin, ha?"

Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. At mas dumiin rin ang mga tingin niya sa'kin gayong wala naman akong ginagawa sa kanya, tsk. Nakikita kong nanggigigil na siyang upakan ako, pero parang nagdadalawang-isip siya.

Naramdaman ko na lang kalaunan na lumuwang na ang pagkakahawak niya sa uniform ko. "UMALIS KA NA NGA!" Ang lakas ng pagtulak niya sa 'kin kaya natumba ako. Maging ang mga kasama niya'y masama ang mga tingin sa 'kin. Ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang huminahon.

At nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko, lihim akong napangiti.

*~*~*~*~*~*~*

Pag-uwi ko sa bahay, agad akong pumasok sa workroom ko't binuksan ang isa sa mga computers ko doon. Tiningnan ko ang location ng gang leader. Nung binangga ko siya kanina'y naikabit ko na sa loob ng leather jacket niya ang tracking device ko. Sa isang gay bar dito sa distrito ang location niya ngayon.

Pink Leopard.

Ang galing, hindi pala bawal pumasok ang mga minor de edad sa mga ganoong lugar dito? Ano ba'ng meron doon at maging si Bernardino ay pumupunta?

At matapos pa ng ilang oras na obserbasyon, nakita kong nasa isang abandonadong building naman siya. Probably a gang war. Pagkatapos ay sa isang casino naman sila pumunta.

Beagle. Isang bagong tayong casino sa distrito. Ang sabi, mahirap daw puksain ang diatryma, para silang mga hito. Maraming antenna sa ulo na nagmimistula nilang radar, at kapag tinangkang hulihin gamit lamang ng kamay, masyadong madulas at madaling nakakatakas. Kaya notorious. Ang tanging nahuhuli lang ng mga pulis ay mga walang kwentang links. Hindi iyon sapat.

Tiningnan ko ulit ang location ng subject. Isang maliit na bahay sa loob ng isang village 'di ganoon kalayuan sa tinitirhan ko.

I grinned. "Got 'cha!"

*~*~*~*~*~*~*~*

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon